CHAPTER 7
Yanna's Point Of View
Pag gising ko bumungad agad sa akin ang puting kisame.
Huh?
Nasaan ako?
Parang hindi ito ang kwarto ko ah.
"Thank God you're awake!"
Sabi ni Ina at yumakap sa akin. Doon ko lang na realize na nasa clinic pala ako. Anong ginagawa ko dito?
"Bakit ako nandito?"
"Bes,sinaktan ka nanaman nila Tanya kaya ka andito"
Doon ko lang naalala ang mga nangyari. Mula sa pagsampal nila sa akin,pagsabunot at pagtulak. Pero sino ang tumulong sa akin. Kasi sa huli kong naalala may tumulong sa akin,hindi ko lang namukhaan kasi sobrang labo na ng paningin ko,pero ang alam ko lalaki ito.
"Wait! Kilala mo pa ba ako?"
"Of course! Hindi kita kakalimutan 'no"
Atsaka di naman ako na amnesia diba? Di naman ako nauntog,sumikip lang dibdib ko.
"Bes sino ang tumulong sa akin?"
Gusto ko kasi sana mag thank you kung sino man siya. Kasi baka kung hindi siya dumating hindi lang sa clinic ang diretso ko,siguro sa hospital na at ayokong mangyari yun.
"Si Paul bes"
Si paul tutulungan ako?
Pero imposible kasi kasama niya sila kuya. Nakakapagtaka! Tsaka duh,sa pang babaeng cr kaya nangyari yung mga yun. Dont tell me pumapasok talaga siya dun.
Hays ang bad ko talaga imbes na mag thank you na lang sa tao pinag iisipan ko pa ng kung ano ano.
"Asa--"
"Yanna okay ka na ba?"
Halata sa mga mata niya na nag aalala siya.
"Yes kuya,I'am better than fine"
Para pagaanin naman ang loob niya sinabi ko yun. Kasi ayaw ko siyang nag aalala ng ganito.
"Hindi ka nanaman lumaban. Nagpaapi ka nanaman. Ito na nga ba ang sinasabi ko e."
Napakagat na lang ako ng labi.Lumaban naman ako. Pinagtanggol ko naman sila mommy.Malakas lang talaga sila.
"Yanna paano na lang kung wala doon si Paul? Bakit ba kasi sobrang bait mo? Bakit ba hindi mo kaya lumaban sa kanila? Tignan mo ngayon sa sobrang kabaitan mo,andito ka sa clinic. Sa sobrang kabaitan mo nasasaktan ka na ng ganito. Kailan mo ba balak lumaban ah"
Ayoko lang kasi talaga magkaroon ng kaaway. Sabunutan man nila ako't lahat lahat okay lang sa akin basta tahimik ang mundo ko. Tsaka alam ko na mapapagod din sila.
"Kuya hindi ko naman ginusto to. Hindi ko naman ginusto na maging panget na nerd. Hindi ko naman ginusto na maging ganinto ako. At mas lalong hindi ko naman ginusto na api apihin ng mga tao. Sadyang takot lang akong lumaban dahil ayokong palalain ang sitwasyon,kaso parang mas lalo lumalala ang sitwasyon"
Hindi ko ginusto lahat ng yan. Gusto ko lumaban pero wala ako magagawa kasi nga mas malakas sila.
Gusto ko na gumanda.
Gusto ko na magbago. Alam kong sinabi ko na makuntento ako sa kung anong meron ako, pero iba na ang usapan ngayon.
"Shhh Yanna concern lang ako. Ayokong mawalan ng kapatid,at hindi ko yun hahayaan mangyari. Sasama ka sa amin bukas ni Ina"
"Saan?"
"Magpapaayos ka na. Kung yung pinoproblema mo yang kapangitan mo at pagiging nerd mo kaya ayaw mo lumaban. Pwes ngayon aayusan ka na namin,at sana sa pagbabago mo matuto ka ng dipensahan ang sarili mo kasi hindi sa lahat ng oras andito ako sa tabi mo"
"Okay kuya,pero kuya pwede bang huwag muna bukas. Pwede bang sa sabado na lang?"
Ayoko kasing magmadali,tsaka may pasok pa kami ayokong lumiban ng dahil lang diyan
"Okay."
"Uhmm kuya,si Paul?"
Gusto ko kasi sana magpasalamat sa ginawa niyang pagtulong sa akin.
"Papunta na siya dito. Magpahinga ka muna"
Humiga na lang ako at pumikit. Pero ilang minuto dinilat ko rin ang mga mata ko,hindi ako makatulog. Gusto ko na sana pumunta sa classroom kaso sure naman akong di ako papayagan ni kuya.
"Hi bro."
Narinig kong may bumati kay kuya at kilala ko kung sino yun. Si Paul.
"Hello"
"Kamusta na siya?"
"Okay lang"
Lumingon ako sa kanila at nakita ko si Paul na nakatitig pala sa akin
"Hindi ka makatulog? Gusto mo uwi na tayo"
Napansin niya yata yun. Hindi kasi ako sanay matulog sa ibang kwarto at kama.
"Yes kuya,uhmm P-paul?"
"T-thank you nga pala sa ginawa mo."
"Okay lang yun,basta mag ingat ka next time."sabi niya. Siya ba talaga to? Bakit parang sobrang concern niya masyado ngayon?
"S-salamat"
ano ba nangyayari sa akin. Bat ako nauutal tsk. May mali ata sa dila ko
"Nga pala pwede ka na daw umuwi para makapag pahinga. Yung tungkol doon sa pinagawa sa atin ni Ms. Davis nagawa ko na. Sa thursday na natin yun i rereport. Ako ng bahala."
"Ah salamat ulit. Promise babawi ako pag maayos na ang pakiramdam ko"
With matching taas kamay pa yan.
"Promise mo yan ah,sige"
Ano bang hihilingin niya? Sana madali lang,o kaya pagkain nalang. Pwede naman basta wag lang yung maging slave niya. No way. Di ko gagawi yun. In his fucking wet dreams. Oops! Namali ata sabi ko
"Ano bang kailangan kong gawin?"
Para sigurado na rin ako kasi baka mamaya kung ano ano ang hilingin niya.
"Malalaman mo din. Pag magaling ka na sabihin mo sa akin ah."
Eh!? Malalaman niya naman siguro kong magaling na ako diba. Atsaka wala naman akong sakit. Nahimatay lang,may sakit agad. Adik din tong mga to.
"Okay"
"Ehem!"
Oo nga pala andito siya nakalimuta ko yung presensya niya. Akala ko kasi may masamang spirit ang lumilibot dito. Charoooot! Bwahaha!
"Ayy andyan ka pala bro"
Tawa niya. Pogi niya talaga. Mas maganda siguro kong lagi siyang nakangiti. Kaso parang bihira lang mangyari yun. Pag nasa mood lang.
"Ayy wala. Kaya nga nasa harap moko. "
Napaka pilosopo talaga neto,hindi makausap ng maayos.
"Ah patawa ka bro. Uwi mo na daw siya sabi ng nurse nang makapagpahinga na"
"Sige salamat ulit bro ah".
"Wala yun"
Ngumiti ulit siya. Anong nagyari,parang nagbabago na ata. Nagbago talaga yung attitude niya. Nagiging palangiti na siya at hindi na katulad dati na ang tipid tipid sumagot at puro tango lang ang maaasahan mong sagot sa kanya. Ano kaya nakain nun?
Parang gusto ko rin kainin. Yung kinain niya ah,di siya. Mygosh! Utak ko lang ata madumi dito
TO BE CONTINUE...
---------------

BINABASA MO ANG
The Nerd
TeenfikceShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...