CHAPTER 10

1K 34 0
                                    

CHAPTER 10

Yanna's Point Of View

Maaga ako nagising kasi sabi nila kuya ay 9:00 daw ang alis namin. Kaya tulad ng routine ko araw araw naligo ako at nagbihis ng pink floral dress na pinartneran ko ng pink flat shoes. Tapos humarap ako sa salamin.

"This is it."

Bumaba na ako at nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa habang may kinakalikot sa cellphone niya.

"Good morning baby,mukhang ready ka na ah. Where's your kuya?"

Saktong pag tanong ni mommy ay biglang sumulpot si kuya.

"Im here."

Excited na excited na akala mo ay siya yung magpapa make over. Hindi naman ako magpapa plastic surgery. Aayusan lang ako sa dapat kung itsura. Hindi kasi ako mahilig mag suklay at hindi ako magaling pumili ng damit. Di kasi ang comfortable sa maiikli.

"Oh I see. Come on lets eat"

Yaya niya sa amin ni kuya na pinangunahan niya na sa loob. Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos at nagpaalam na si mommy para pumasok sa work. Kaya kami na lang ang naiwan dito kasama ang mga maids. Maya maya siguro aalis na kami pagdating ni Paul. Sasabay yata kami sa kanya.

Si Ina,ayun nauna na sa mall excited na raw kasi siya. Hindi ko alam kung excited ba siya kasi makikita niya yung kagandahang taglay ko o excited kasi makikita niya si kuya?

*beep,beep*

Lumabas na kami ni kuya para puntahan si Paul na hanggang ngayon bumubusina pa din. Ingay!

"Hoy! Tigilan mo nga yan"

Sigaw ko sakanya kasi ang aga aga may mga natutulog pa na iba at ang sakit sa tenga.

"Okay"

"Lets go"

Si kuya ang nasa passenger seat. Ako? Malamang nasa likod.

Tahimik ang buong byahe para sa akin. Kasi sila lang naman ang nag uusap,para bang wala silang kasama. At isa lamang akong invisible sa likod. Tsaka di ako relate sa kung ano man yang pinag uusapan nila.

Nakadating na kami sa mall at hinahanap si Ina. Kung saan saan kasi pumupunta. Kaya ito ngayon pahirapan kami maghanap.

"Ano ba yan Yan Yan,saang lupalop ba pumupunta yung kaibigan mo? Nakikipag lalaki ba yun?"

Iritang tanong sa akin ni kuya. Pansin ko lang kay kuya nitong mga nakaraang araw iba ang trato niya kay beshy. Masarap pag tripan to.

"Baka nga naghahanap ng lalaki"

See yung mukha niya halatang galit. Hindi ko alam kong tama ba tong hinala ko,pero sana nga. May feeling talaga ako na nahulog na siya kay bebe Ina!

"Tss! Tawagan mo na sabihin mo may naghihintay dito."

May naghihintay nga ba talaga o may nagseselos.

Kinuha ko na ang cellphone ko at dinial agad ang number ni Ina.

*kring,kring*

Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag.

"Hello"

"Bes asan kana? Kanina pa kami dito"

"Hala! Bat di ka man lang nagtext? Sige sige pupuntahan ko na kayo. Nasaan ba kayo?"

"First floor tapat ng *******"

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon