CHAPTER 43
Narrator's Point Of View
"Napaka swerte nyo sa kanya Paul. Hindi siya nagreklamo kahit nasasaktan na siya. Hindi siya nagalit sa tuwing may nang aapi sa kanya. Ang tatag nyang babae,kung ako siguro yun matagal ko ng tinapos ang sarili ko."
"That's what I ike about her,she's strong na kayang protektahan lahat. Nagustuhan ko siya hindi dahil sa maganda sya. Kundi sa personality na pinakita nya sa akin at sa amin. But I hate the fact na hindi niya sinabi sa akin ang kalagayan niya."
Lumuluhang saad niya. Si Paul ang nagpatunay na kahit ang lalaki ay umiiyak pa rin ng dahil sa taong mahal nila. Oo,lalaki sila pero may feelings pa rin. Okay lang na makita ng iba ang kahinaan mo as long as nalalabas mo yung nararamdaman mo.
"You know what nung nakita ko siya na tumatakbo sayo palayo,alam ko na gusto niyang bumalik. Pero alam niya siguro na kapag bumalik siya,hindi na niya kayang muling talikuran ka. Ayaw ka talaga niya iwan Paul."
"Pero masaya ako sa tuwing kasama ko siya at wala akong pake sa sakit niya.
Habang nag uusap ang dalawa hindi nila namalayan na may isang tao na nakikinig sa kanila.
"Sinabi mo?"
Lumabas ito sa pinagtataguan niya at nagpakita sa kanila na parehong gulat ang mukha. Late na nakauwi si Yanna dahil sa may naiwan ito sa library at hindi niya naman inaasahan na ito pala ang maririnig niya.
"Trixie sinabi mo?"
Tumutulong luha ni Yanna habang nakatingin ng diretso sa kanya.
"Y-yanna s-sorry"
Pilit siyang lumapit kay Yanna pero umaatras ito. Sa lahat ba naman kasi ng tao siya pa. Nangako siya,kapag nangako tuparin. Hindi yung mauuwi nalang ito sa salita.
"Pinagkatiwalaan kita,akala ko okay."
"But he deserve to know the truth"
"Sana kinonsulta mo muna ako."
Gustong sumingit ni Paul sa usapan ng dalawa pero hindi niya alam kung paano. Pero nasa isip niya,kailangan niyang tapusin ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa, dahil baka mauwi ito sa away na ayaw niyang mangyari. Lalo na sa kundisyon ni Yanna.
"Yanna,stop it."
"Isa ka pa,ilang beses ba? Ilang beses ko bang sasabihin na kalimutan mo na ako?"
Si Yanna ang babaeng matapang. Matapang na to the point ay kaya niyang protektahan ang iba para sa ikakabuti nila. Kahit na saluhin niya na lahat ng sakit basta masaya sila. Ever since hindi niya inintindi ang sarili niya,palaging iba. Kaya minsan napapaisip siya na bakit sa kanya? Naging mabuting tao naman siya,pero bakit?
"Hindi ko kaya Yanna,ayokong iwan ka."
"Pero darating sa punto na maiiwan kita. Paul,ito ang totoo makinig ka naman sa akin."
Yung love story nila magulo. Mahal nila ang isa't isa pero hindi pwede. Yung tamang tao pero mali ng pagkakataon. Life is unfair,ikaw yung karapat dapat sumaya kasi nagmamahal ka lang naman ng totoo. Pero bakit baliktad? Kung sino ang manloloko,sila ang sumasaya. Kailan ba? Kailan ba mabibigyan ng pagkakataon na sumaya ang dalawang tao na totoong nagmamahalan?
"Hindi ka mamatay."
"Mamatay ako Paul!"
Pagdiin at pagsigaw niya dito. At sa pangalawang pagkakataon nakita niya,nakita niya kung paano tumulo ang mga luha sa mata niya. Akala niya puro yabang at kapogian lang si Paul. Pero hindi,kasi sa likod ng maangas nitong awra may nakatagong malambot na kalooban.
BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...