CHAPTER 40
Yanna's Point Of View
"Bes bakit mo sinabi kay Paul yun? Pinapalayo mo siya sa buhay mo. Akala ko ba gusto mo siya."
Limang araw. Limang araw ang nakalipas at sa limang araw na yun hindi ko nakausap si Paul. Oo,nakikita ko siya pero bihira lang mangyari yun. Kasi alam ko na na iniiwasan niya na ako. Iniiwasan niya na ang mga lugar na madalas kong puntahan. Nahahalata ko naman,maski nga sa pagsimba noong nakaraang linggo hindi siya sumama.
"Pero hindi lahat ng gusto,pwede."
Tulad ko. Gusto ko siya pero hindi nga pwede. Mawawala din to,alam ko. Makakalimutan niya rin ako,kailangan niya lang sanayin ang sarili niya. Yanna lang to,marami pa dyan na mas maganda sa akin.
"Bes nung naospital kaba nauntog ka? Saan nanggagaling ang mga salitang yun?"
"Baliw."
Tinawanan ko lang siya. Oo nga pala,alam na ni Ina ang tungkol sa akin. Baka kasi magtampo siya dahil siya yung kaibigan ko pero wala pa siyang alam. Besides mapagkakatiwalaan naman siya.
And as expected sa reaction niya,syempre nagulat. Pero wala e kailangan ng tanggapin kasi ito na ang nakatadhana.
"May cure pa naman diba? Gagaling ka pa. Tiwala lang bes."
Nginitian ko nalang sya. Ngiti na parang walang problema at parang wala akong iniinda na sakit.
"Kamusta na kayo ni kuya?"
Pag iiba ko ng topic sa kanya.
"Okay naman."
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng nakita ko si Paul kasama si Trixie. Masaya naman sila,okay na siguro yung ganitong set up.
"Masaya ka ba?"
"Oo naman. Sinong tao ang hindi magiging masaya kung nakikita nya ang taong mahal niya na nakangiti."
"Pero masakit."
"Parte ng pag ibig e."
"Nagkabalikan na pala sila?"
"Oo nga,kailan pa?"
"Hindi ko alam basta dalawang araw ko na silang nakikitang ganyan."
"Im so happy for them,bagay sila."
"Halika na,baka malate tayo."
Tama yung iba,bagay sila kaya dapat sila ang magsama. Ako ang kontrabida sa love story nila. Kung hindi lang siguro ako umeksena baka hanggang ngayon sila pa. Pero alam ko dadating din sa punto na magiging sila. Hindi lang ata siguro ngayon.
Pagpasok namin sa room nakita ko na magkatabi na sila Paul at Trixie. Ibig sabihin iba na ang magiging katabi ko.
"Ikaw nakaupo dito? Palit tayo ah."
Umupo na kami ni Ina at tulad ng dati parang ganun pa rin. Maingay at masaya,sa aming lahat ako lang ata ang tahimik.
Tumingin ako kay Paul at napansin ko na nakangiti rin siya sakin. Pero agad niya rin ito iniwas ng mapansin na nakatingin na rin ako sakanya.
Since wala pa namang teacher nagsulat muna ako sa papel. Sulat na sana ay mabasa niya.
"Bes halika na,hindi naman darating teacher natin. Kain nalang tayo."
BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...