CHAPTER 36

559 11 0
                                    

CHAPTER 36

Yanna's Point Of View

Ball Gown Off Shoulder Sleeveless Floor Length Lace Satin Dresses. Yan ang tawag sa gown ko ngayon. Kulay green ito at match na match sa buhok ko ang damit. Magmumukhang prinsesa ako ngayong gabi.

"Baby andyan kana pala. Come look at your Gown. Bagay na bagay sayo ito."

Nilapitan ako ni mommy at yumakap sa braso ko na parang bata. Ang suot naman ni kuya ay black tuxedo. Nagpapasalamat talaga ako sa tuxedo niya dahil magmumukha siyang tao mamayang gabi.

"I love it,thanks ma"

Yinakap ko siya at hinalikan si pisnge.

"Always welcome baby. Come on akyat ka na tapos suotin yan."

Kinuha ko ang gown tapos dahan dahan akong umakyat. Pagpasok ko sa kwarto agad kong tinanggal ang mga damit ko at sinuot ang gown. Guys naligo ako ah,share ko lang baka magtaka kayo e. Pagtapos ko maisuot ito nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Ang ganda ko.

Im proud to be myself,oha! Dapat kayo rin.

Muli kong tinignan ang itsura ko sa salamin at ang laki talaga ng pinagbago ko. Dating nerd na Yanna ngayon dyosa na. Dating manang na manamit ngayon maayos na. Dating magulo ang buhok ngayon maayos na.

Sa paglipas ng panahon ang dami nga naman ang pwedeng magbago. Parang pag ibig,kala mo mahal ka na. Pero paglipas ng panahon boom wala na! HAHAHAHAHA! hugot to mga teh.

So ayun naghanap na ako ng sapatos na babagay sa damit ko. Since green naman ang damit ko,naisipan kong green nalang din ang pang ibaba ko which is emerald green stilletos. Pagtapos ko magsuot bumaba na akk dahan dahan sa hagdan para may effect. Tapos lahat sila nakatingala sakin. Debut lang ang peg e no!

Habang pababa ako sa hagdan nararamdaman ko ng nanginginig ang tuhod ko. Kaya napaupo ako ng wala sa oras.

"Yanna."

Agad na itinakbo ni kuya ang distansya namin at tinulungan akong tumayo.

"Baby okay ka lang?"

Nag aalalang tanong sa akin ni mommy ng makababa ako ng tuluyan. Gusto kong sabihin 'hindi' pero ayaw kong mag alala nanaman sila sa akin. Lalo na si kuya,ngayong araw ang kaligayahan niya kasama si Ina. Ayoko naman humadlang dun.

"Im fine mommy,natapilok lang."

Pinilit kong tumawa habang iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Ayoko maipakita sa kanila ang nangyayari sakin.

"Oh you look pretty baby. Halika make up-an na kita."

Lumapit ako kay mommy at napakagat labi ng maramdaman ko ang sakit ng tuhod ko. Parang namamanhid ang mga buto ko.

Umupo ako at humarap kay mommy. Inayusan niya ako at light lang ang ginawa niya dahil masyado na daw ako maganda.

"Mommy I need to go,kailangan ko pang sunduin si Ina. I love you mommg,take care baby. On the way na yun si Paul."

Hinalikan niya ako sa noo at umalis na. Excited siyang makita si Ina e kaya maaga niya rin susunduin. Well may 20 mins pa naman before mag start ang prom.

"Mommy,I love you so much."

Yinakap ko siya at pinigilang lumuha dahil baka masira ang make up.

"Oh I love you more baby."

"Good evening tita."

Kumalas ng yakap sa akin si mommy at bumaling kay Paul. Tumingala ako at kumuha ng malapit na tissue at pinunasan yung luha na nasa gilid na ng mata ko.

"Papaalam ko lang po sana si Yanna tita."

"Sure Paul,you can take her."

Ito naman si mommy pinamimigay na ako.

"Narinig mo yun kaya tara na."

Inirapan ko siya sabay sabing

"Yeah whatever."

Nagpaalam na siya kay mommy at inaya ako palabas.

"You look so pretty."

Saad niya habang nagmamaneho,hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.

"Mag focus ka diyan."

"Paano ako makakafocus kung maganda ang katabi ko?"

Gusto kong tumili,feel ko ang pula na talaga ng mukha ko. I need air,geez. Napahawak ako dibdib ko,nahihirapan ako huminga. Ang bilis ng tibok ng puso ko,ito na ba ang sinasabi ng iba na inlove ka.

Pagdating namin sa school ay agad niya akong hinawakan sa kamay at niyaya sa pwesto nila kuya. Ang ganda ni Ina sa pink gown niya.

"Bes oh my gosh ang pretty mo!"

Yumakap sakin si Ina pero hindi nawala ang kamay neto sa braso ni kuya. Maya maya nagsimula na ang prom,nagpakilala ang emcee at syempre hinayaan kaming gawin ang lahat ng bagay dito.

"Ready students! Pwede niyo ng yayain ang taong gusto niyong makasayaw."

[Song: A Thousand Years]

Nagsimula ng magsayawan ang mga tao sa gitna at mapapansin mo ang mga ngiti ng mga ito habang kasayaw ang partner nila. Parang Palace of Love ang lugar namin ngayon. Wala lahat ng sakit at galit. Puro saya at pagmamahal lang.

"Yanna,pwede ba kitang isayaw."

Inalok sa akin ni Paul ang kamay niya at tinanggap ko ito. Pumunta kami sa gitna ni Paul at nilagay niya ang dalawa kong kamay sa leeg niya. Habang ang dalawa niyang kamay niya ay nasa bewang ko.

Kinakapos na ako ng hininga dahil sa lapit namin kay napabaling ako sa ibang direksyon at sakto namang kela kuya napabaling ito.

Ang ganda ng ng ngiti nilang dalawa. Ang ganda nilang pagmasdan na masaya. Parang mas nagiging masaya ako,nakakagaan ng loob.

"Hindi ko alam kung ano ang mas masakit."

Napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Kung ang iwan mo ako o makita ka na nasa iba ang atensyon mo."

Aww he's so really cute. Dahil nanggigil na rin ako,hindi ko natiis na kurutin ang pisnge niya.

"Para saan yun? Ang sakit ah."

"Oh ngayon alam mo na kung ano ang mas masakit."

Sabay kaming tumawa habang nakatingin sa isa't isa.

"Hindi ako magsasawang sabihin na maganda ka."

Yan nanaman siya sa topic na maganda. Kaloka!

"Sana sabay tayong tumanda."

Hanudaw? Teka nabinge ata ako.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon