CHAPTER 26

606 15 0
                                    

CHAPTER 26

Yanna's Point Of View

Andito kami ngayon sa cafeteria kasi wala na kaming susunod na professor. Kinikilig nga ako kasi si Kuya at si Ina ay magkatabi. Kaya parang panira si Paul kasi nandoon siya sa gilid ni kuya. Puro tuksuhan nga ang maririnig niyo sa lamesa namin,dahil sa kanila. Pero ako? Tahimik lang. Nakakahiya kasi sa mga tao na nakatingin sa amin.

"Ano ba yan? Totohanan na ba talaga ya bro?"

Tanong ni Alex na hanggang ngayon ay isang dakilang playboy pa rin. Lupet niya 'no! Idadamay niya pa ulit si kuya na masaya na sa lovelife niya.

"Kaya nga bro,di na ba magbabago isip mo?"

Hirit ni Drei,isa rin ito e. Hanggang ngayon wala pa rin matipuhan.

Pero wala nga ba?

Kasi minsan ko na siya nakita na nagsusulat ng isang love letter o kung ano pa man yun.

Pero sino naman?

Wala naman siya nakukwento sa amin. Hindi rin siya nagbabanggit sa lovelife niya.

"Oo naman bro,seryosohan na 'to"

syempre ako naman kinilig sa kanila,aba himala to 'no! Nagbago na siya e. Malaking pasabog to kela mommy at daddy.

"Iba talaga tama neto!"

Iba talaga! Masaya ako kasi nagbago na siya,at salamat talaga kay Ina. Buti na lang nag tiyaga siya kay kuya at hindi ito sinukuan. Kasi sa wakas lahat ng pagod at hirap niya ay may patutunguhan.

"Ibang iba na talaga"

sambit ko,napatahimik naman sila at napako ang atensyon sa akin

"Andito ka pa pala,akala ko hindi ka na magasasalita"

bat ako lang ba ang hindi nagsasalita? Pati kaya si Paul,duh! Sanay na siguro tong mga to.

"Tss. Ewan ko sa inyo"

Nahawaan na ako ni Paul sa pagtitipid ng salita. Nakakaloka!
Try ko nga minsan hindi dumikit sa kanya?

"Ayiee! Sus kunwari nagtampo ka pa. Arte nito!"

Kagigil tong lalaking to ah. Hampasin ko siya ng wala sa oras e.

"Psst. Tigilan mo nga si Yanna,kumain ka na lang diyan."

Oh salamat at nagbilang anghel to si kuya. Minsan lang to kaya dapat sagarin na!

"Asus. Nagpapabida ka lang kay Ina kasi alam mong magagalit siya pag inaway o inasar mo si Yanna."

truelaley Alex. Minsan talaga may lahi ito ng mapang asar e. Siya lang talaga ang nakapag papainis kay kuya.

"G*go! Upakan kita diyan ei."

Alam naming biro lang yun,pero itong si Alex baliw. Sineryoso! Pinapakita pakita pa yung muscle niya na puro hangin naman ang laman.

Nakakalerkey!

"Kumain na lang kayo."

Sabi ni Paul na ngayon lang umimik. Minsan nakakapagtaka rin,hindi ba napapanis laway niya? Kasi naman antagal di magsalita. Minsan mapapaisip ka na lang kung nandito ba ang presensya niya.

Kumain kami ng tahimik at mabilis na nagtungo sa kanya kanya naming klase. Pero bago ako makapunta sa room tinawag ako ni Drei.

"Yanna."

Hawak niya ang kamay habang binabanggit ang aking pangalan.

"Pwede ba tayo mag usap?"

Naiilang pa rin ako dahil sa hawak niya pa rin hanggang ngayon ang aking kamay.

"Uhh."

Pati siya napadako ang tingin sa aming kamay. At ng napansin niya na magkahawak pa rin ang aming mga kamay,e agad niya ito tinanggal. But still awkward pa rin ang mood namin.

"Bakit? May klase pa kasi ako Drei. Baka malate ako"

sabi ko sa kanya dahil 7 minutes na lang late na ako.

"Ah sige mamaya na lang tayo mag usap magkita tayo sa cafeteria. Bye."

Paalam niya at agad na umalis patungo sa kanyang klase. Actually di kami magkaklase sa araw na to iba kasi ang schedule namin.

"Ano yun? Aish ang gulo niya"

dumiretso na ako sa room at pumasok.

Naabutan ko doon si Paul na nakaupo at natutulog. Maloko nga to.

"Hoy!"

Sigaw ko na nagpagising sa kanya. Ang gwapo niya,lalong lalo na pag bagong gising.

Nakatingin lang kami sa isa't isa ng may humatak sa akin palayo kay Paul at dumaan.

Sino pa ba? Edi si Trixie,epal talaga neto. Bitter pa rin ba si ateng.

"Laking harang."

Tumama pala ang likod ko sa isang upuan,ang sakit ah. Kakalabas ko lang sa hospital dadagdagan niya nanaman.

"Okay ka lang?"

Inoffer ni Paul ang kamay niya pero hindi ko ito tinanggap naramdaman ko kasi na may tumitingin sa akin ng masama. Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. Umupo na ako sa upuan ko at tumingin nalang sa harap .

"Okay ka lang?"

Tanong sa akin ni kuya at tumango ako.

"Uminom ka na ba ng gamot?"

Bulong niya sa akin,nakalimutan ko palang uminom. Umiling ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang gamot na iniinom ko. Kinuha ko ito at ininom. Kumuha ako ng tubig at uminom.

"Ano yan? Candy yung kinain mo?"

Agad ko namang nilunok ang gamot ko at tumingin kay Alex na nakatingin sakin.

"Oo candy ang sarap,gusto mo?"

"Oo pahingi."

Pero umiling lang si kuya sa kanya as sign na ubos na.

"Ang damot ng kapatid mo."

Umupo siya sa likod at di nalang pinansin si kuya.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon