CHAPTER 16

908 22 2
                                    

CHAPTER 16

Yanna's Point Of View


Pumasok na ako sa dressing room at nakita ko na apat na silang masa loob.

"Oh andyan na pala ang alaga natin. Halika rito,ayusan ka na namin."

Lumapit ako sa kanya at pinaupo niya ako. Kinuha niya paa ko at nag cutics. Ganun rin ang ginawa nung isa habang minemake up-an ako.

"Red dapat. Para perfect!"

Sabi ng isang bakla na inaayusan ang buhok ko. Nagmumulti task ata sila.

"Oo nga! Wag lang sa make up dai,papanget."

"Correct ka dyan sis."

Usap nila habang inaayusan ako,natapos na sa paa kaya sa kamay naman ang isinunod niya.

Tapos na si Ate na nag aayos sa hair ko at sa make up. Hanggang sa nafeel ko na tapoa na sila lahat. Tumingin ako sa salamin at ang ganda ko.

"Ang dyosa mo gurl!"

Ngumiti ako sa kanila at tinignan ang susuotin ko. Kaya pala red ang cutics ko at hikaw ko kasi red ang gown na susuotin ko. Actuallt lahat red sakin maliban lang sa make up.

Yung damit ko ay ball gown off shoulder Dark Red. Habang yung sa paa ko naman ay high heels pumps hollow pointed toes. Kulay red din ito na may ribbon.

"Suotin mo na yan sis."

Pumasok na ako sa isang room at sinuot to. Ang ganda ko.


"Oh andyan ka na pala girl,congrats sa inyo ni Mr. Six Packs Abs ah."

Yan pa rin pala tawag niya. Paano kaya kapag sinabi niya yan kay Paul ano kaya magiging itsura nun.

"Thank you po"

Ngumiti ako sa kanya.

"Oh ayan perfect. Alam mo girl kahit anong ayos bagay na sayo. Kahit simple lang yan. Sana maging katulad mo rin ako"

"We have our own beauty."

"Tama ka sis,lumabas kana kanina ka pa hinihintay ni Mr Six Packs Abs sa labas."

Pagkalabas ko bumungad agad sa akin si Paul. Hindi na ako nagulat kung ano ang itsura niya kasi alam ko namang kahit anong soutin ng mokong na ito ay bagay sa kanya.

"You look perfect."

"H-huh?"

"Wala sabi ko ang ganda ng gown mo bagay sa kapatid ko"

Shumingeners! Huwaw ah! Ako kaya ang maganda,di niya ba napapansin? Bulag na ba sya,mygoodness!

Pumunta na kami ng backstage at nakit ko sila Drei,Alex at kuya.

"Hi bro!"

Bati nila kay Paul,and as expected tumango lang si Paul sa kanila. Lumapit sa akin si Drei.


"Ang ganda mo"

Weh? Baka mamaya yung gown lang din naman pala. Edi umasa nanaman ako.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon