CHAPTER 2

1.8K 52 7
                                    

CHAPTER 2


Yanna's Point Of View


Nag uusap lang kami ni Ina ng nagsitilian ang mga babae kong kaklase at basta pag ganyan kilala ko na kung sino sino ang pinagtitilian nila. Palagi naman silang ganito kapag andiyan yung mga yun,akala mo laging nasa karera. Ang ingay ingay,they always have a special treatment to these boys. 


'Kyaaahhh!! I Love you Jerome!!!'


'Be mine Alex!!!!!'


'You're hotttt Andreiii'


'Your really handsome Paul!!! Pakasal na tayooo!!'


They are the definition of attention seeker,sigaw sila ng sigaw kasi nagbabaka sakali sila na mapapansin sila ng mga ito. I don't kung bakit hanggang ngayon ganyan pa rin sila, I mean every morning they are always like that pero never silang napapansin. Hindi ba sila napapagod and to take note,they are girls. We should act like one,hindi yung pinagpipilitan natin yung sarili natin sa iba. Kapag andiyan si crush wag magbibigay ng motibo gaano,kasi they will think na easy to get tayo kaya pagsasamantalahan yun. 


Do you all wanna know why they are acting like that? Kasi ang mga pumapasok sa room namin ay mga heartthrobs. Heartthrobs,gwapo,mayaman,yung iniisip ng lahat na perfect. Sila yun,for these girls they are the definition of the word perfect. 


Alexander Yu but you can call him Alex,17 years old. One of the campus heartthrobs. Gwapo,mayaman,tama lang ang tangkad at mabait. Siya ang pinaka playboy sa lahat, well lahat naman sila playboy except kay Paul at Jerome. Malalaman nyo rin kapag sila na kung bakit hindi. Matinik talaga sa chix si Alex,wala pa siyang sineseryoso sa mga nakarelasyon niya,kasi para sa kanya laro lang ang lahat. Wala siyang pake kung may nasasaktan na siya basta pag sawa na siya sa isang babae iiwan niya na lang sa ere. Kasi he knows na mapapalitan niya rin ito agad. Ewan ko ba kung bakit ganun siya pero base on what I know nagsimula daw siya maging playboy simula nung iniwan siya ng first love at first relationship niya. Yun lang ang alam ko,pero yung ibang istorya wala na hindi pa niya sinasabi. Basta pag nagtatanong ako about diyan ang isasagot niya lang ay 'malalaman mo rin pero hindi pa ngayon'. Ayaw niya talaga pasabi maybe confidential atsaka kung sino sino ang mga nakakaalam nun? Tanging ang mga kaibigan niya lang.


Andrei Park but you can call him Drei,17 years old. He's also one of the heartthrob. Playboy din ang isang ito pero hindi kasing playboy ni Alex. Mapang asar siya,makulit,at maingay din. He's really like a kid. Gwapo siya,mabait,playboy pero hindi masyado, pag trip niya lang siguro. Sa apat na campus heartrob na yan siya ang pinaka close ko,kaso nga lang minsan sobrang kulit namin pag nagsama kaya wag na wag mo kaming pagtatabihin, dahil tiyak na may bugbugan na mangyayari. OA ba ang bugbugan well yan lang ang pumasok sa isip ko e hehe. Pero seryoso totoo yun dahil sa sobrang kakulitan namin hindi namin namamalayan na may nasasaktan na pala kami or maybe may nagugulo or nasisira. Mayaman din ang isang ito. Atsaka kahit playboy ang isang ito may sineseryoso pa rin kahit papaano kaso nga lang sa huli lagi siya ang nasasaktan kaya simula nun nagbago na siya. Wala na syang pake sa girls basta kung trip niya lang manlandi ng babae gagawin niya. Siguro kasi sawa na siyang masaktan. Eh ano magagawa niya? Wala namang nagmamahal ang hindi nasasaktan. At parte rin ng pagmamahal ang masaktan kasi ito ang sumusubok sayo kung gaano mo kayang ibigay sa taong mahal mo ang pagmamahal mo.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon