CHAPTER 37
Yanna's Point Of View
"Anong sinabi mo?"
Medyo mali ata pagkakarinig ko. 'Sana sabay tayong tumanda' Totoo ba yun o guni guni ko lang? Argh! Ano bang nangyayari sakin? Yung puso ko parang tambol ang ingay. Parang luluwa na siya anumang oras.
"Ang ganda mo sabi ko."
Inipit niya ang buhok ko sa tenga na nakaharang sa mukha ko.
"Kahit noon pa man maganda kana."
Dugdugdugdugdug. Nahihirapan na akong huminga. Parang ayoko na huminga dahil sa mga sinasabi niya. Lalo na't magkadikit kami ngayon at sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa.
"Hindi ko alam bakit kailangan mo magbago kasi ako tanggap ko kung ano ka. Tanggap ko kung sino ka."
"P-paul?"
Nilapit niya ang hintuturo niya sa bibig ko na sign para manahimik muna ako.
"Yanna,ang tagal ko nagdeny sa sarili ko. And now that your here by my side hindi na kita iiwan."
Nagulat ako ng nilapit niya ako at hinalikan sa labi. Wala ako magawa kundi ang tumayo na parang tuod dito. Hindi ko siya maitulak,masyado ng nanghihina rin ang mga tuhod ko. Salamat sa kamay ko na nakahawak sa leeg niya.
"I love you Yanna."
That's it. Tinulak ko siya at agad na lumayo.
"Yanna sorry I didn't mean that."
"No,wag kang lalapit sakin."
"Yanna,Ghad! Hindi ko na kaya pang pigilan to. Ilang araw ako nagtiis para hindi mo mapansin at alam ko na ito na ang araw para umamin sayo."
So all this time,minahal niya rin ako.
"Hindi pwede Paul,hindi pwede"
"Alam kong mahal mo ako Yanna,ramdam ng puso ko yun. Pero kung hindi sabihin mo sa akin ngayon din sa harap ko."
I love you,pero hindi pwede.
"Yanna kung ano man ang pumipigil sayo para mahalin ako please kalimutan mo na yun. Im here,hindi kita iiwan promise."
"Hindi mo ako iiwan? Alam ko yun Paul,may tiwala ako sayo. Alam kong hindi mo kaya saktan ang mga mahahalaga sa buhay mo."
Sa mommy niya,sa kapatid niya. Alam kong mabait siya at kapag mahal niya hindi niya hahayaang maging malungkot ito. Dahil alam kong gagawin niya ang lahat mapangiti lang ang mga ito.
"Yun naman pala,Yanna please."
Gusto ko siyang bigyan ng chance at ang sarili ko. Pero kung sa huli siya lang ang masasaktan,hindi na. Wag na,dahil hindi ko kakayanin na magiging miserable siya dahil sakin.
"Paul hindi mo ako iiwan?"
"Promise."
"Pero ako ang mang iiwan sayo."
Mabilis akong tumakbo palabas sa venue at ginawa lahat ng makakaya ko para maiwasan siya. Pero hindi ko ata kaya makalayo,sumasakit ang tuhod ko.
"Yanna!"
Tibay naman ng lalaking ito,ang layo ko na hinahabol pa rin ako. Paano nalang kung nasa langit na ako? Mahahabol niya pa kaya ako,kung oras ko na.
Nakakita ako ng taxi at sumakay roon.
"Kuya kahit saan."
Dire diretso lang kami ng nakita ko na may nakasunod na kotse sa amin. Alam kong hindi kay Paul ang sasakyan na iyon. Nagbayad at bumaba na ako sa taxi. Kasabay ng pagbaba ko ang pagtigil ng sasakyan. Bumaba ang driver na si Trixie,siya nanaman.
"Anong kailangan mo sakin?"
Diretso kong tanong sakanya
"Paano mo nagawa yun?"
"Ang ano?"
"Ang pahabulin siya ng ganung kalayo."
Si paul,mahal pa rin kaya niya si Paul?
"Alam mo bang never niyang ginawa sa akin yun,ha!?"
Napapikit ako at nanatiling tahimik para marinig ang iba pa niyang sasabihin.
"Mahal ka niya pero bat mo nagawa yun?"
"Kasi yun ang nararapat para hindi siya masaktan."
"Pero sa ginawa mo tingin mo hindi siya nasasaktan?"
That question hits me. Alam ko na nasasaktan siya na makikita niya akong tumatakbo palayo. Ayun na ba ang sinabi niya kanina na 'hindi ko alam kung ano mas masakit ang iwan mo ako o ang makita ka na nasa iba ang atensyon mo'
Sa mga sinabi niya parang dalawa ang nagawa ko sa kanya ngayon. Iniwan ko siya,pinahabol ko siya at alam ko kalaunan mapapagod rin siya.
"Ang tanga mo Yanna."
Alam ko,pero alam ko rin na lahat ng ginagawa ko ay para sakanya. Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ang pag agos ng dugo sa ilong ko.
"Yanna? Blood."
Napahawak ako sa ilong ko at kinuha ang panyo na nasa sling bag ko.
"No,not now please."
Lumayo ako kay Trixie,at pinunasan ang ilong ko. Sumasakit na ang ulo ko,nanghihina na ako.
"Yanna,what happen?"
"Wala to,umalis kana Trixie. Puntahan mo si Paul."
Matutumba na sana ako ng alalayan niya ako.
"Yanna dadalhin kita sa hospital."
"No!"
Ayaw ko malaman niya ang nararamdaman ko at kaawaan ako. Lalo na't siya di Trixie. Bumitaw ako sa kanya at tuluyan ng napaluhod sa sahig. Salamat talaga sa gown ko at hindi ako nasugatan.
"Dadalhin kita sa hospital."
"Aaaaaah!"
Hindi ko na kayang tumayo,masakit. Masakit ang mga tuhod ko,hindi ako makagalaw ng maayos. Masakit din ang ulo ko at ngayon ang puso ko dahil sa ginawa ko kay Paul.
"Arghh! Tuloooong!"
Sigaw ni Trixie at inalalayan akong tumayo at dinala sa loob ng sasakyan niya.
"Bwiset ka Trixie masakit ah!"
Sigaw ko sa kanya dahil ihagis ba naman ako sa loob ng sasakyan. Ang sakit na nga ng katawan ko dadagdagan pa niya.
"Kasalanan ko ba e ang bigat mo"
Pumasok siya sa loob ng sasakyan at pinaharurot ito. At sa kasamaang palad nauntog pa ako sa may pinto ng kotse dahil wala akong seatbelt.
"Papatayin mo ba ako!?"
"Oh my gosh sorry natataranta lang ako,yung dugo mo bumaba na sa gown."
Sinuot niya sa akin ang seatbelt at dumireto sa hospital. Blood,umaabot na sa damit ko. Pinunasan ko ito at padami na ng padami. Lumalabo na rin ang mata ko.
"Kuya."
"Ano?"
"Ta-wag-an mo si k-k-kuya"
Saad ko sa kanya bago nawalan ng malay at maging itim ang paligid.
***
Heynah: So ayun walang pasok kaya nakapag update,dahil may bagyo. Kaya kayo mag iingat,sa mga may pasok ingat pauwi. Ang mga wala namang pasok manatili sa bahay,spend your day sa family nyo,wag muna gumala. Godbless and have a good day♥
BINABASA MO ANG
The Nerd
JugendliteraturShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...
