CHAPTER 32
Paul's Point Of View
May sakit siya,tapos mag isa. Sinong nag aalaga sa kanya,mga katulong? E diba naglilinis rin yun ng bahay tapos nagluluto,walang mag aalaga sa kanya.
"Bro teka may nakalimutan ako."
Pero dahil nag aalala ako sa babaeng yun,kailangan ko mag alibi. Or in short kailangan ko mag sinungaling,labag man ito sa akin pero kailangan.
Dumaan ako sa likod ng school at doon dumaan. Dumiretso ako sa parking lot at mabilis na tinahak ang daan papunta sa bahay nila Ina. Nang makapunta nako dito,agad akong nag doorbell at binuksan naman ito ng maid nila
"Sir,good afternoon po. Wala po dito si sir Jerome."
Sabi sa akin ng maid nila. Famous ako sa bahay nila Yanna,kaya kilala ako neto. Ako kasi ang future husband niya. Joke lang! Syempre kaibigan ko si Jerom kaya minsan andito ako. Hindi palagi kasi parang may tinatago siya sa amin. Yung mga kilos niya kakaiba.
"Ah hindi siya pinunta ko dito. Si Yanna talaga ang sadya ko."
Siya lang naman lagi ang dahilan wala ng iba.
"Ah pasok po kayo sir,nasa kwarto po si Ms Yanna"
Yanna Mae T. Tiu.
Bagay talaga kami sa isa't isa,tulad ng surname namin kung pagsasamahin. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at tulad ng inaasahan malinis pa rin ito. Masyado kasing malinis si tita,ayaw ng madumi. Kaya kapag nagkakalat kami dito o kaya sa kwarto ni Jerome kami ang maglilinis. Ayaw niyang iutos yun sa maid nila kasi kami raw ang nagkalat kaya it's our responsibility to clean it.
Umakyat na ako sa kwarto ni Yanna at dahan dahang binuksan ang pinto. Hindi na ako kumatok kasi baka tulog pala ito,edi nagising ko pa. Nang makapasok na ako sa kwarto niya nakita ko siya na balot na balot ng kumot at may bimpo sa noo niya. Mahahalata mo rin na nilalamig ito,dapat pinatay nalang nila ang aircon.
Pinatay ko na ang aircon at bumaba muna para kumuha ng maligamgam na tubig.
"Sir di pa po kumakain si ma'am."
Tumango lang ako habang kinukuha ang pinaglagyan ng mainit na tubig ot should I say maligamgam. Bumalik ako sa kwarto niya at tinanggal ang bimpo na kanina pa yata na nasa noo niya.
"Yanna."
Kumuha ako ng bimpo sa drawer niya kaso panty ang nakita ko. Hindi ko sinadya yun ah,yun kasi ang nakalagay sa drawer. Hindi ko naman hinawakan,wala akong interes sa panty niya. Kahit color pink pa ang kulay nun. Bumukas ulit ako ng isa pang drawer kaso bra naman ang nakalagay dito kaya bago pa ako mag init at kinuha ko nalang ang bimpo ko sa bag na hindi pa naman nagagamit.
Agad ko itong sinawsaw sa planggana at tsaka piniga. Pinunasan ko muna ang mukha niya na pawis na pawis. Kahit pala tulog siya at maputla,makikita mo pa rin ang kagandahan sa mukha niya. Ang simple niya talaga kahit kailan.
"Yanna upo ka muna para mapunasan ka."
Dahan dahan ko siyang inupo at isinandal ang likod niya sa headbord ng kama niya at nilagyan ng unan ang ulo niya. Pero watdapak! Wala siyang bra,jusko! Kinuha ko ang jacket na nasa bag ko at nilagay iyon sa kanya. Nagiging makasalakan na ako ngayon,nakakahiya. Feel ko ang pula pula na ng pisnge ko sa mga nakita sa kanya.
Pero shunga ko talaga paano ko siya mapupunasan kung nahaharangan ng jacket ang mga braso niya,argh!
"Sir andito na po ang pagkain niya."
BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...