" Kuya naman, bakit kailangan ko ding lumapit ng school? Pwede namang lumapit tayo ng bahay. Pero yung school ko Kuya, pwede huwag nalang? " pamimilit ko sa kanya.
" Hindi pwede, Jane. Napag-usapan na natin to diba? Dagdag gastos na yun kapag hindi ka lumipat ng school. " sabi niya sa akin, habang nag-iimpake ng gamit niya.
" Alam ko naman po yun, Kuya e. Pero, pwede namang magpaiwan nalang ako dito sa bahay. " medyo naiinis ko naring sabi sa kanya.
Napatigil naman siya sa kakaimpake ng gamit niya at tiningnan ako ng masama. Kapag ganyan niyan, nakukulitan na yan sa akin. Pero bahala siya, ayaw ko talagang lumipat ng bahay at ng school. Okay naman kami, dito ha. Kaya bakit pa namin kailangan pang lumipat?
" Sa ayaw mo man o sa hindi, kailangan nating lumipat ng bahay, Jane. Wala namang magyayaring masama diba kung lilipat tayo? " seryuso nitong sabi.
" Meron! Kapag lumipat ako ng school, baka ibubully lang din nila ako. Baka may magtangkang saktan ako. "
Lumapit sa akin si Kuya sabay akbay sa akin.
" Huwag mo ngang isipin kung ano ang mangyayari sayo sa bago mong school. Ang isipin mo, kung paano ka magkakaroon ng bagong kaibigan. " sabi nito sa akin.
Bagong kaibigan? Hindi siguro mangyayari yun. Sa ganitong mukha ko, magkakaroon pa kaya ako ng bagong kaibigan? Baka bagong bully, pwede pa. Pero kaibigan, hindi na yata mangyayari yun. Ikaw ba naman na nerd ang get-up. Hindi ka bubullyhin? May malaking salamin sa mata, malamanang ang suot, at wala man lang kaayos-ayos. Sino kaya ang hindi mandidiri sa itshura mo, diba? May kaibigan naman ako e. At sila lang dalawa talaga ang tanging naging kaibigan ko noon. Kaya nga, ayaw kung lumipat ng school dahil sa kanilang dalawa e.
" Hindi kuna, talaga magbabago ang isip mo no? " sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin.
" Para rin naman to sayo e. Para sa kaligtasan mo. At isa pa, kailangan na rin natin siguro tong iwan ang bahay, para hindi natin masyadong mamiss si Mama. " sabi niya at inumpisahang mag-impake ulit.
Napabuntong hininga nalang ako. Wala na talaga ako magagawa. Siguro nga tama si Kuya, kailangan na naming umalis sa bahay na ito para hindi namin masyadong namiss si Mama. Matagal na nong nawala si Mama, pero hanggang ngayon. Hindi parin namin malilimutan yung nangyari sa kanya noon, kung bakit siya nawala..si Mama. Napagdesisyonan siguro nila papa na lumapit kami ng bahay, para kalimutan ang nangyari noon at magbagong buhay. Dahil kahit anong gawin namin, hindi na namin mababalik pa ang noon.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
AcciónSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...