Chapter 8

13.8K 362 2
                                    

* Nika POV *

Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Bwesit kasi yung babae na yun. Hindi talaga titigilan ang pagkasabunot sa akin hanggat hindi siya napapagod. Mabuti na nga lang dumating si Gray kahapon, dahil kung hindi baka masampal kuna yung babaeng yun sa pagkapikon ko sa kanya. Wala naman akong kasalanan sa kanila para saktan nila ako. Kung sa tingin nila inaaway ko yung PISTENG idol nila! Hindi dapat sila yung umaaway sa akin, dapat yung idol nila.

Pero kung sabagay kasi mga malalandi. Makakita lang ng gwapo, nagpapacute na kaagad. Hindi kaya ako nagpapansin sa kanila. Hindi katulad sa malanding higad  na yun.

Sinaktan ba naman ako para lang makakuha ng atensyon lalo na sa Four Kings. Ang laki niya namang tanga.

" Hey! Ang lalim yata ng iniisip mo.  "  sabi ni Kuya sa akin.

" Kailan kaya uuwi si Papa, Kuya. " sabi ko.

" Huwag kang mag-alala Nika. Malapit na yung umuwi. "  nakangiti nitong sabi.

Ngumiti lang ako sa kanya saka tumingin sa labas ng bintana ng kotse ni Kuya. Nagbabyahe kasi kami ngayon papunta sa school. Sabay kaming umalis ng bahay dahil maaga ang pasok niya ngayon. Kaya ihahatid niya ako.

Naaliw ako sa kakatingin sa labas ng biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko yun sa bag ko at tiningnan ang screen.

Ano naman ang kailangan ng isang to at tumawag ng ganito kaaga.

" Kailangan mo? "  sabi ko ng sinagot ko yung phone ko.

Nakita ko naman sa pheripheral version ko na napapailing nalang si Kuya sa akin.

" Gandang pagbungad ha! sabi nito.

Hindi pa ba sila nasanay sa akin? Lagi naman akong ganito sa tuwing tumatawag sila sa akin ha.

" Ano ba ang kailangan mo at napatawag ka ng ganito kaaga? "   tanong ko sa kanya.

" Papunta kana ba ng school? Kasama mo ba si Kuya Mike? " sunod-sunod nitong tanong sa akin.

" Lahat ng tanong mo. Oo! lang ang sagot ko. "  ireta kung sabi.

Pano ba naman kasi, kung magtanong sa akin para siyang hinahabol.

" Good! Hiramin mo ang jersey niya at pumunta na dito. " 

" Ha? Bakit naman may nang- "  hindi niya ako pinatapos ng mag salita na naman siya.

" Mamaya ko na lang sasabihin sayo. Basta pumunta kana dito. "  matapos niyang sabihin yun binabaan niya na ako.

Ang hanep niya talaga. Tama bang babaan ako ng phone? May itatanong pa sana ako sa kanya.

Pero sa tuno ng boses niya kanina habang nakikipag-usap siya sa akin. Parang natataranta siya na kinakabahan. Hindi kaya may mangyayaring masama ngayong araw na ito?

" Si Gray ba yun? "  tanong sa akin ni Kuya.

Tumango lang ako sa kanya.

" May kailangang ba siya sayo? "    tanong naman nito sa akin.

" Wala naman. Pinasasabi niya lang sa akin na hiramin ko daw yung jersey mo. "  sabi ko sa kanya.

Base sa pagkukunot ng noo ni Kuya Mike. Nagtataka din siya kung bakit kailangan kung hiramin yung jersey niya.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon