" Lets play the game! " sigaw ni Ren, kaya nagsisigawan naman yung mga manunuod.
Lahat sila excited sa maaring pwedeng mangyari ngayon. Of course! Gusto rin nila makita lahat sa gagawin namin kay Nerdy. At wala kaming pakialam kung babae man ito. Ang gusto lang namin ay mapaalis siya dito sa school namin. Bawal ang mga panget dito.
" Two vs. One " sabi ko sa kanya.
" Ano pa nga ba ang aasahan ko. " sabi nito.
Naiinis talaga ako dahil parang wala lang sa kanya yung nangyayari. Wala talaga siyang pakialam sa pwedeng mangyari sa kanya.
" Ang yabang mo din no. Kahit babae kapa hindi ka namin pabibigyan. Hindi na namin kasalanan kung puno ng pasa yang katawan mo mamaya. " sabi ni Ren at ngumisi pa sa kanya.
" Gawin mo lahat ng makakaya mo Nerd. Dahil sa laban na ito, walang awaang magaganap. " seryusong sabi ko sa kanya.
" Oo na po. "
Nang-iinis pa talaga ang babaeng to. Kanina pa siya ha! Kahit ano mang sabihin namin sa kanya para matakot siya at magback-out sa laro namin ngayon. Parang hindi naging epekto sa kanya. At nakikita ko sa mga mukha niya na gusto niya rin nitong lumaban.
Pwes! kung yan ang gusto niya. Pabibigyan namin siya.
Napatingin ako ng lumapit siya kay Gray. Hindi ko alam kung ano ang sinabi nito kay Gray. Dahil sa expression ng mukha ni Gray, halatang nagulat ito sa sinabi ni Nerdy.
" Hoy! Nerd! Tutunganga ka nalang ba dyan? " sigaw ko sa kanya.
Sayang kasi yung oras namin, lalo nat siya pa yung dahilan ng pagkasayang ng oras namin ngayon. Lumayo naman siya kay Gray at nakasimangot na tumingin sa akin.
" Ito na nga po o mag-lalaro na. Masyado naman kayung atat dyan. " nakasimangot nitong sabi at tumingin muli kay Gray.
" Payag kana ha. " sabi nito kay Gray.
" Oo na!" sagot naman sa kanya ni Gray.
Hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila. Kaya sumunod nalang ako kay Ren na nasa gitna na at handa ng lumaban. Maya-maya sumunod na rin sa amin si Nerdy. Pero bago pa kami mag-simulang maglaro may isinigaw sa amin si Chad na ikinangisi naming dalawa ni Ren.
" Andrew! Ren! Pustahan daw tayo sabi ni Gray. Limang libo bawat isa sa atin. " sigaw ni Chad.
Tumango lang kami sa kanya. Nagawa pa talaga nilang pagpustahan ang larong to? Alam naman nilang kami na yung mananalo,. Kahit na hindi pa kami nag-uumpisang maglaro. Talo na tong si Nerdy. Mukhang hindi naman ito marunong maglaro at kayabangan lang ang pinapakita niya.
Hindi ka mananalo sa larong ito nerd. Pinahiya mo lang ang jersey ng Kuya mo.
* Authors POV *
Nag-umpisa na ang kanilang laro. Si Nika ang una nilang pinahawak ng bola, dinidriboll niya ito at naghahanap ng pwedeng malusutan sa dalawang malalaking tao na nasa harapan niya ngayon. Akala niya sa simula ng laro nila, pabibigyan siya ng mga to na makashot lang ng isa. Pero mukhang hindi yata mangyayari yun. Todo bantay sa kanya ang dalawa para hindi siya makalusot at maishot yung bola. Nasa likuran niya si Ren at nasa harapan niya si Andrew. Kaya sa tingin mo sinong makakalusot sa dalawang malalaking tao na nasa tabi niya lang. Kaya ang nangyari, mabilis na nakuha sa kanya ni Ren ang bola at patakbo itong pumunta sa may ring at ishinot ang bola, kaya nakapuntos kaagad sila.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
AksiSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...