Chapter 29

11.9K 248 3
                                        

Lumalakad ako ngayon sa may corridor ng mag-isa. Nakakainis kasi yung prof namin. Ako pa yung inutusan na kumuha ng libro niya para sa lecture niya sa amin. Ang tanga-tanga kasi eh, bakit kasi kinalimutan pa!

Habang naglalakad ako napayuko ako ng makita kung may lumilipad na bagay papunta sa deriksyon ko. Sa bilis na pangyayari hindi ko nakita kung sino ang gumawa non. Pero kung may tao sa likuran ko? Napakamalas niya kung matataman man siya. Pero ang laki niya ding tanga kung hindi niya maiiwasan ito.

" Ouch! "

Shit! Mukhang ako yata ang malas dito ha. Hindi kuna kilangan pang alamin kung sino ang natamaan nito. Dahil boses palang ang O.A na. Pati sigaw ba naman ang arte niya? Pero ang sakit non ha. Ikaw ba naman matamaan ng bola ng soccer, hindi ka masasaktan?

" SINONG GUMAWA NON?! "  sigaw nito.

Napatayo ako ng tuwid at pinipigilan kung tumawa habang naglalakad ako. Wala naman akong pakialam sa kanila. Kaya aalis nalang ako at ayaw kung madamay sa gulo nila no. Hindi ko naman kasalanan kung bakit siya ang natamaam non. Malay ko bang hindi pa siya pumapasok sa room.

" Ah! eh! M-Ms. Martha. Si Nerd po ang may kasalanan. Siya po dapat yung matatamaan ng bola kaya lang yumuko siya. "

Napahinto naman ako sa narinig at gulat na gulat na napaharap sa kanila. Shit! Mga bobo ba sila? Bakit ko yun naging kasalanan. Kasalanan na bang umiwas ngayon? Ano bang utak meron sila at hindi madigest ang pagkabobo nila.

Lintek lang!

" A-anong sabi mo? "  nanggigil kung tanong sa nagsabi non.

" Ang sabi ko, kasalanan mo. Hindi ka sana umiwas non. Para ikaw ang matamaan at hindi si Ms. Martha. "  nakangisi nitong sabi.

Parang gusto ko siyang saksakin ng ilang besis. Yung hindi na siya makakabangon pa, sa madaling salita ang mapatay siya. Nanggigil akong lumapit sa kanya sabay suntok ng malakas sa mukha niya.

" Bobo ka ba? O napakabobo mo? Kasalanan na ba ngayon ang umiwas, ha! Sinong lintek na yan ang nagsabi sayo na bawal ng umiwas ha!"   galit kung sigaw sa kanya.

Bwesit! Wala akong pakialam kung nabulabog ko ang klase ng iba. Eh, sa mali ang sinasabi nila. Kaya hindi ko palalampasin ito. At isa pa, mukhang gusto-gusto naman nila ang nakikita nila ngayon.

Susuntukin ko na sana ulit yung gagong soccer player na yun. Nang biglang may humila sa buhok ko. Napasigaw naman ako sa sobrang lakas ng pagkahila nila.

" You bitch! " galit na sigaw ni Martha, habang hinihila parin ang buhok ko.

Gusto ko sanang gantihan siya. Kaya lang wala akong laban. Sino ba kasing may laban, kung may humawak sayong dalawang pesteng babae? Hawak-hawak nila ang dalawa kung kamay habang si Martha ay sinasaktan ako. Hindi pa siya nakuntento, pinasasampal niya pa ako, kaliwa't - kanan pa! Hinayaan ko lang siya kung ano ang pinagagawa niya sa akin. Pero, huwag silang umasa na ipakita ko sa kanila na nasasaktan ako. Hindi ako mahina, katulad nila.

Ilang araw na nila akong ginaganito. Pinagtatapun ng kung ano-ano. Sinasaktan at sinasabunutan. Doon yata nagsimula nong nakaharap kuna sila Kenji? Alam ko din kung bakit hindi nangingialam sila, Andrew. Yun ay dahil may kasunduan sila. Kasunduan na bawal mangialam sa laro ng iba. Okay lang naman sa akin na huwag silang mangialam. Mas mabuti nga yun hindi sila masaktan.

Pero may isang besis na malapit ng maglaban sina Andrew at si Kenji. Yun ay ang pagtapon sa akin ni Kenji ng small knife niya. Natamaan ako non sa mukha at malapit pa sa mata ko. Mabuti nga, hindi natamaan yung glasses ko. Kung hindi, panigurado malaking kagulohan ang mangyayari. Mabuti nalang din, nandyan sila Gray para awatin siya. Nasabi kasi sa akin noon ni Gray na wala sila kayang patumbahin ang grupo ng Fox. Maging si Andrew ay hindi kayang kalabanin si Kenji. Ikakamatay lang daw ni Andtew kung maglalaban silang dalawa. Pero nasabi rin sa akin ni Gray na may isang tao na daw ang nakakapagtumba kay Kenji, yun ay ang una nilang Leader. At hanggang ngayon, hindi pa nagpapakita sa kanila.

" Hindi kana talaga nadala Nerdy ka! "  galit na sigaw ni Martha.

Bwesit! Makakaalis lang talaga ako dito? Babalikan ko yung soccer player na yun.

" Kahit anong gagawin niyo sa akin? Wala akong pakialam! Saktan niyo ako kung gusto niyo. Kayo rin lang naman ang nagpakapagod sa sarili niyo! "  ganti kung sigaw sa kanya.

Abat! Hindi yata ako magpapatalo no. Wala silang karapatan na saktan ako. Kaya dapat lang na lumaban din ako. Hindi ako katulad ng ibang tao na inaapi na nga hindi parin lumalaban. Yan tuloy ang nangyayari, patuloy silang inaapi dahil sa mga katangahan nila.

Naasar na yata sa akin. Sumigaw ba naman ng malakas. Saka nagseryuso bigla at tumingin sa akin.

" Kahit mamatay ka man? " seryuso nitong sabi.

Totoo! Nagulat ako sa sinabi niya. Maging yung mga estudyante na kanina pa nakatingin sa amin ay natahimik bigla. Hindi yata nila inaasahan na sasabihim niya yun?

Pero yung pagkagulat ko kanina. Napalitan ng isang napakagandang ngiti na ikinagulat niya.

" Hindi ako takot mamatay. Kaya kung ako sayo, gawin muna ang sinasabi mo. Kung ayaw mong ikaw ang patayin ko. " malamig kung sabi sa kanya.

Mas lalo akong napangiti ng makita ko, kung paano namutla ang buo niyang mukha. Tsk! Akala ko ba, walang kinakatakutan ang isang to? Bakit yata ngayon, gusto niya ng maiihi sa kinatatayuan niya? Ramdam ko rin ang panginginig ng dalawa niyang kaibigan na siyang humahawak sa akin ngayon.

Napansin ko sa mukha niya na pilit niyang tinatago ang takot niya at maging matapang sa harapan ko. Nang naging success naman siya, saka lang siya ngumiti na ng nakakaloka sa akin na alam mo ng may binabalak gawin.

" Let see. "  sabi nito saka hinila ako.

Alam niyo bang kanina pa ako napapagod. Kaya hindi na ako nagpumiglas sa kanila na hilain nila ako at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin dahil wala naman akong balak alamin pa.

Pero alam ko na yata kung saan kami papunta ngayon. Tinahak lang naman namin ang daan papunta sa gym ng school na to. Hinila ako papasok sa loob ng gym. Pero laking gulat ko ng makita ko na sobrang raming tao sa loob ng gym. Para bang may gaganapin na palabas ngayon?

Napatingin naman ako sa may center ng gym na to.

A ring.

Nakita niyo ba yung mga ring ng kick boxer. Parang katulad din nito. Pero ang kaibahan, sobrang lawak nito, parang sakop na ang center ng gym. At ang taas din nito. Yung parang hindi ka makakatakas dahil sa sobrang taas nito.

Hinila nila ulit ako papunta sa may center at pinapasok sa loob ng ring saka pinaupo sa may upuan na nasa gitna nito. Tinali rin nila ang kamay ko. Mukhang ito na yata ang inaasahan ko na mangyayari ngayon ha.

Tingnan nga natin ang paraan nila kung paano sila manakit.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon