Chapter 52

10K 222 14
                                        

* Andrew POV *

Tatlong araw na siyang nakahiga sa kama.. pero feeling ko tuloy isang buwan nah.

Gustong-gusto ko na siyang magising dahil namimiss ko na siya. Lalong-lalo na yung mga ngiti niya.

Akala ko nga.. mawawala na siya sa akin dahil sa rami ng dugong nawala sa katawan niya. Mabuti nalang sinabi ng doctor na hindi gaano kalala yung nawalang dugo sa kanya. Kaya ang laki ng tuwa ko na ligtas siya.

" Ang tagal namang gumising ni Insan. Gusto ko ng makipaglaro sa kanya. "  sabi ni Gray.

" Tumahimik ka nga dyan, Gray. Alam mo namang nagpapahinga pa yan si leader. Kailangan niya pang makabawi ng lakas. "  sabi ni Ivan.

Kilala ko na siya dahil silang dalawa ni Neon ang team mate ni Annika. Nakakahanga nga e.. dahil kahit sila lang tatlo. Kayang-kaya nilang talunin ang mga kalaban nila.

" Sana magising na siya para makapag thank you man lang ako sa kanya. "  sabi naman ni Kenji

" Dont worry, Ken. Magigising din si Annika. " sabi ko sa kanya.

Nagkaayos na kaming dalawa at nawala na din yung alitan namin sa isat-isa. Naging misunderstood lang talaga kami noon kaya nagkaroon ng alitan sa aming grupo.

Tumingin ako kay Annika at minamasdan ang mukha niya. Kung titingnan mo siya parang natutulog lang siya at nagpapahinga. Pero ang totoo tatlong araw na siyang nakahalita sa kama at hanggang ngayon hindi parin siya nagigising.

Sa totoo lang bilib talaga ako sa babaeng toh. Dahil ang rami niya ng nakalaban nong isang araw pero kahit pasa sa mukha wala man lang siyang nakuha. Maliban nalang sa dalawang tama ng baril sa kanya.

" Hoy! Nika gumising kana dyan. Kapag hindi ka pa gumising. Hahanap si Kuya ng ibang babae. "

Sinamaan ko ng tingin yung kapatid ko habang nasa gilid ng kama ni Annika. Kung ano-ano kasi ang sinasabi... As if naman na gagawin ko iyun kay Annika.

Kahit kakaiba yan mahal na mahal ko yan.

" Oo nga Nika! Kapag hindi kapa gumising dyan. Sisirain ko yung glasses mo. "  seryusong sabi ni Ren.

Napailing nalang ako sa mga kalukohang pinagsasabi ng mga ito. Mukhang wala naman kasing epekto yung mga pinagsasabi nila.

Napatingin kami lahat ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ni Annika. Dito na namin siyang pinapahinga sa kwarto niya. Alam niyo naman siguro kung ano ang nangyayari sa kanya kapag sa hospital na namin siya pinaconfine diba?

Lumalabas yung pagiging halimaw niya.

" Kamusta na... hindi pa rin ba siya nagigising? "  tanong sa akin ni Kuya Mike.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinayaan siyang lumapit sa kapatid niya.

" Tulog parin hanggang ngayon. "  sagot ko naman sa kanya.

" Sobrang napagod siguro siya sa pakikipaglaban kaya hanggang ngayon ayaw niya pang magising. "  sabi naman ng Papa ni Annika.

" Mas mabuti pa sigurong lumabas muna tayong lahat at hayaan munang mag-isa yung apo ko. Para makapagpahinga talaga siya ng maayos. "  sabi naman ng Lolo ni Annika.

Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi niya.

Siguro nga mas mabuti na yun.. dahil ilang araw na din kaming nagbabantay sa kanya. Kaya siguro ayaw niya pang gumising dahil naiingayan siya sa mga kasama ko dito sa kwarto.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon