Chapter 10

13.6K 336 4
                                    

* Nika POV *

" Ginulat ba kita? " nakangiting kung sabi sa Leader nila.

" Nakaswerte ka lang Nerd. " sabi niya.

Pero halata naman sa kanila na naiinis sila sa ginawa ko. At hindi nila inaasahan na magagawa yun ng isang Nerd na tulad ko! Masyado kasi silang over confidence sa sarili nila. Tingnan natin kung swerte lang yung ginawa ko kanina.

Si Andrew ngayon ang may hawak ng bola, dinidribol niya ito habang nakatingin sa akin. Kaya binigyan ko siya ng eye to eye contact. Aagawin kuna sana ang bola kaya lang dumating yung isa pang sagabal.

" Hindi muna makukuha ulit sa amin ang bola Nerd. "  mayabang na sabi Ren.

Nakatayo pa din pala ang isang to? Mukhang wala yata epekto sa kanya ang malakas na pagsipa ko. Nakakatayo parin eh.

Siya na ngayon ang nasa harapan ko at aaminin ko. Ang galing ng pagbantay niya sa akin para hindi ako makalapit doon kay Andrew na ngayon papunta na sa may ring.

" Tingnan natin. Malay mo, makakalusot ako sayo. "  nakangiti kung sabi sa kanya.

Mukhang nainis yata sa sinabi ko o sa pagngiti ko sa kanya? Susuntukin niya sana ako kaya lang mabilis kung sinalo ang kamao niya na dapat sumuntok sa akin. Nakita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko.

" Too slow. "  nakangisi kung sabi sa kanya.

Kasabay non ang paghila ko sa kamay niya para mapalapit siya sa akin at saka sinuntok ko siya sa sikmura niya. Ang daling makawala kung alam mo namang walang rules ang larong to. Kaya malaya akong gawin ang gusto ko.

Mabilis akong tumakbo papaalis sa harapan niya dahil mukhang hindi pa siya makakatayo sa ginawa ko sa kanya. Naabutan ko si Andrew na ishoshot na sana yung bola. Kaya agad ko siyang itinulak para mabitiwan yung bola. Agad ko namang kinuha yung bola at dinidriboll patakbo sa may ring ko. Kaya lang mukhang ang titibay ng mga to. 

Kung sabagay, hindi naman sila magiging Rank 1 kung mga pipitsugin sila diba. Kaya dapat lang na malalakas sila at hindi madaling matumba. Nakakahanga naman.

" Hindi ka parin makakapuntos Nerd. " sabi ni Andrew.

" Bwesit ka! Dahil sa ginawa mo. Malilintikan ka sa akin! "  galit na sabi ni Ren.

" Gawin mo! Huwag lang puro salita. Isa pa, pagbutihan niyo ang pagbabantay niyo ha. "  nakangisi kung sabi sa kanila.

Mas lalo akong natuwa ng pareho silang nagseryusong dalawa. Hai naku naman! Nakakapagod na ha! Gusto kunang magpahinga.

" Nga pala! Paalala lang. Kung kaya mong makashot ng malayo, gawin mo. Hindi muna kailangan pang mag-isip ng paraan para makawala sa kalaban mo. "    nakangiti kung sabi sa kanila.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at nakita ko kung paano kumunot yung noo nila pareho. Hindi yata nila nakuha ang sinabi ko eh. Bahala sila.

Tumalon ako, kasabay non ang pagbitaw ko ng malakas sa bola. Kaya ang resulta, 3 points ang kalabasan. Ako na ang lamang sa kanila at hindi ko hahayaang mangyari na maabutan pa nila ako. Malapit ng maubos ang oras, kaya ang ginawa ko. Sunod-sunod na 3 points ang ginawa ko.

Magaling naman silang magbantay, pero hindi parin nila makukuha ang bola sa akin. Lahat ng paraan sinubukan na nila, pero wala paring epekto sa akin. Nakakatawa nga eh, 46-5 yung score. At sila nakalimang score palang. Nakakahiya yun sa mga fans nila dude! Tiyak, natamaan ang ego nila sa ginawa ko.

" Wala ka paring kupas, Nika! "   sigaw ng tatlo kung Kuya.

Ngumiti lang ako sa kanila at kumaway. Kahit kaylan talaga, lagi silang nandyan para suportahan ako sa mga ginagawa ko.

Lumapit ako kina Andrew at Ren na gulat na gulat parin sila sa nangyari. Hindi naman silang dalawa lang eh. Syempre pati yung mga manunuod. Iniisip kasi nilang lahat na ang mga Nerd ay mahihina at walang kayang gawin sa buhay. Pero ibahin nila ako. Hindi ako nagpapatalo at hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Kapag sinimulan ko, tatapusin ko.

" P-paanong- "  hindi ko pinatapos magsalita.

" Hanggat hindi nauubos ang oras. Hindi kayo mananalo. "  sabi ko kay Ren na gulat parin sa nangyari.

" Congrats! "  sabi n Andrew na mukhang nakabawi na sa pagkagulat.

Aabutin ko sana yung kamay niya sa harapan ko para magkamustahan kami. Kaya lang may naramdaman akong dalawang bagay na papalapit sa likuran ko. Hindi ko alam kung sino ang dapat tamaan non, pero base sa pakiramdam ko. Hindi ako! Baka itong dalawang tao na nasa harapan ko.

" What are you star- "

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya. Tinulak kuna silang dalawa. Kaya ang nangyari pareho kaming napahiga tatlo sa may sahig.

* Andrew POV *

Bwesit! Ano ba ang problema ng Nerd na toh. Bawal na palang icongrats siya ngayon at kailangan itulak pa kami? Ang sakit tuloy ng likod ko dahil sa pagkakabagsak ko sa sahig. At panigurado ganun rin si Ren.

" Ano ba ang problema mong Nerd ka!? " galit na sabi ni Ren.

Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa niya kung bigla-bigla kanalang itutulak.

Tumayo ako at lalapit sana kay Nerd para sermunan sa ginawa niya sa amin. Kaya lang napahinto ako at nanlalaki ang mata ng makita kung ano ang hawak niya. At parang wala lang sa kanya na pinapaikot pa sa kamay niya.

" Shit! " mura ni Ren na nasa tabi ko at mukhang nakita niya din kung ano ang hawak ni Nerd.

Agad akong lumapit kay Nerd at sabay kuha sa kanya yung hawak niya. Ito ba ang dahilan kung bakit niya ginawa yun?

Napuno ng bulong-bulongan sa loob ng gym ng makita nila kung ano ang hawak ko. Sinong hindi magugulat kung makakakita ka ng isang maliit na kutsilyo, pagkatapos ng laro niyo.

Oo! Isang hindi basta-bastang kutsilyo na hugis dragon ang hawakan, at ang talim nito may nakalagay na K.G. At kapag matatamaan ka nito, tiyak na mamatay ka dahil sa lason na nakalagay dito. At alam ko kung saan nanggaling ang kutsilyung ito.

" Kilala mo ba kung kanino yan. " 

Parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko ng marinig ang malamig niyang boses. Pero bago pa ako makasagot. Nakalapit na sa amin sina Gray at Chad at sa likod nila ay ang kuya ni Nerd at ang mga kaibigan nito.

" Are you both okay? "  nag-alalang tanong ni Gray sa amin.

Tumango lang kami sa kanila.

" Bakit sila lang yung tinanong? "   nagtatampong sabi ni Ren.

Nagkatinginan muna yung dalawa saka lumapit kay Ren.

" Okay ka lang ba Ren? "  sabay nilang sabi na dalawa at sabay rin nilang binatukan si Ren saka tumakbo.

" Mga walang kwentang kaibigan. "   inis na sigaw ni Ren.

Napapailing nalang ako sa mga kalukuhan nilang tatlo. Napatingin ako kay Nerd na tumatawa habang nakatingin kina Gray na naghahabulan. Nagtataka talaga ako dahil hindi ko maramdaman ang bagay na yun. Pero siya, ang lakas ng pakiramdam niya at ganun nalang kabilis yung nangyari. Parang may tinatago siya sa amin na hindi dapat naming malaman.

Umalis na ako sa lugar nayun. Kailangan naming paghandaan ang pagbabalik nila. Alam ko at nina Gray kung kanino nanggaling ang maliit na bagay na ito. Kaya kailangan naming maghanda sa pagdating nila. Hindi lang kami ang malakas na grupo na nandito sa loob ng eskwelahan ko. Bumalik na ang isa pang grupo na siya ring pinakamalakas. At panigurado magkakaroon na naman ng Wolrd War III.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon