Umalis na ako sa lugar na yun matapos kung pigilan yung dalawa bago pa sila mag-rambulan sa harapan ko.
Nakakainis lang kasi. Alam ko namang galit sila sa isat-isa. Pero huwag naman nila akong idamay sa galit nila no?
Sumakit kaya yung kamay ko sa kakahila nilang dalawa.
Pagkalabas ko ng gym... bumalik ako sa may room saka kinuha yung mga gamit ko at dumiretso sa may banyo. Naghilamos lang ako saka nagpalit narin ng damit at lumabas na din ng banyo.
Pagkalabas ko ng banyo.. napahinto ako sandali ng makita ko si Andtew na nakasandal sa may gilid ng pinto ng banyo.
" Anong ginagawa mo dito? " malamig kung tanong sa kanya.
Umalis naman siya sa pagkakasandal saka tumingin sa akin. Hindi ko alam.. pero parang siya pa yata yung galit sa amin? Ang sama kasi ng pagkakatingin niya sa akin.
" Bakit kasama mo ang gago na yun? " seryuso nitong tanong sa akin.
Sinundan niya ba ako dito para itanong lang yan? Kagaguhan...
Ilang araw siyang hindi pumasok at hindi nagpakita sa akin. Tapos itatanong niya lang sa akin kung bakit kasama ko si Kenji? Gago ba siya?
" Wala kang pakialam kung kasama ko si Kenji. " sabi ko sa kanya at umalis sa harapan niya.
Hindi pa ako nakakalayo ng hinila niya ako.
" Ano ba! " inis kung sigaw sa kanya.
Yung mukha niya sobrang seryuso parin at alam kung hindi maganda ang aura niya ngayon.
" Ilang ulit ko bang sabihin sayo na may pakialam ako sayo. " seryuso nitong sabi habang deritsong nakatingin sa mga mata ko.
Napangisi naman ako sa sinabi niya na ikinanuot na noo niya.
" Ows! Talaga? Sige nga.. kung may pakialam ka nga sa akin. Sagutin mo nga yung tanong ko? " sabi ko sa kanya.
" Speak! " seryuso parin nitong sabi.
" Ano ba talaga ang tingin mo sa akin? " seryusong tanong ko sa kanya.
Naalala niyo yung araw na itinanong ko yun sa kanila.. at nandon siya?
Lahat sila nasagot yung tanong ko, at siya nalang ang hindi pa. Kaya itinanong ko ito sa kanya ngayon. Dahil kailangan kung malaman ang sagot. Mas naging seryuso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa bewang at hinila papalapit sa kanya.
" Ikaw- " pagsisimula nito.
Handa na ako sa maaaring isasagot niya sa akin. Wala akong pakialam kung may masasabi man siyang hindi maganda... Tatanggapin ko yun.
" Hindi mo alam kung ano ang tingin ko sayo? " seryuso nitong tanong.
" H-hindi. " kinakabahan kung sagot sa kanya.
" When I first saw you. I didnt see your face that you are afraid. You are a trouble maker person. "
Matagal ko ng alam na trouble maker ako. Kaya hindi na ako papalag sa sinabi niya.
" Ikaw yung taong nagpapainit ng ulo ko. Ikaw yung Nerdy na kahit anong gawin naming pananakit sayo.. parang wala lang sayo. Hindi kita nakikitaan ng kahinaan na loob. Infact! Mas lalo kang naging matapang at palaban. " sabi nito.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...