Chapter 41

10.7K 229 4
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan ni Andrew. At siya ang nagmamaneho ngayon. Kung kanina nakangiti siya.

Ngayon sobrang seryuso niya.

Hindi ko alam kung ano ang nakain nito at pabago-bago ng mood. At hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng isang toh.

" Ikaw ba ang kumuha sa kapatid at mommy ni Kenji? "

Gulat naman akong napatingin sa kanya ng sabihin niya yun. Kaya ba siya seryuso dahil, iniisip niyang ako ang gumawa non?

What the hell!

" Are you? "  sabi pa nito ng hindi tumitingin sa akin.

Kung titingin siya sa akin mababangga kami. Kaya malamang sa daan lang dapat ang tingin niya.

Umayos ako ng upo at sumeryuso din.

" What do you think? Magagawa ko ba talaga yun? "  tanong ko sa kanya.

Hininto niya yung sasakyan sa tabi ng daan saka seryusong tumingin sa akin.

" Why not! Isa ka sa mga leader ng Street Kings. Kaya imposibleng hindi mo yun magagawa. "  sarcastic nitong sabi.

Ngumisi ako sa kanya at inalis yung glasses ko saka tumingin sa kanyang mga mata niya

' As expected '

Hindi siya nagulat ng makita niya ang kulay ng mga mata ko. Nakita ko nga sa expression niya na parang namangha pa ang gago.

" Tell me first.. Pano niyo nalaman na isa ako sa Street Kings? "  tanong ko sa kanya.

" Sinabi sa amin ni Mandy. "  sabi nito.

Ano pa ba ang sekreto ko na hindi alam ng isang toh? Yung tungkol sa mga mata ko, alam niya  nah. Maging ang pagiging Leader ko sa Street Kings... alam niya na rin. Wala na siguro akong sekretong hindi matatago sa isang toh.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanyang mga mata.

" Yes! Its me! Kaya pwede ba, huwag kanang mangialam sa mga ginagawa ko. "  sabi ko sa kanya.

Kita ko sa mga mata niya kung paano siya nagulat sa narinig niya. At alam ko rin na puno ng katanungan ang isip niya.

" Ano ba ang pinaplano mo? Bakit mo kinuha ang kapatid at nanay ni Kenji. " medyo galit nitong sabi.

" Bingi ka ba o nagbibingihan lang? Ang sabi ko huwag kanang mangialam sa mga ginagawa ko. " inis ko na ring sabi sa kanya.

Ang kulit kasi. Bakit kailangan niya pang alamin kung ano ang pinaplano ko?

Wala naman siyang kinalaman sa mga nangyayari sa buhay ko ha.

Nagulat ako ng bigla niya akong inilapit sa kanya at seryusong nakatingin sa akin.

" Ilang ulit ko bang sabihin sayo na parte na ako ng buhay mo. Kaya kung ano ang mangyayari sayo at kung ano ang binabalak mo. Dapat lahat non alam ko. "  medyo galit nitong sabi.

Ramdam ko rin na parang nanggigil siyang higpitan yung pagkakahawak niya sa akin. Pinipigilan niya lang yung sarili niya para hindi lang ako masaktan.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon