Chapter 14

13K 295 1
                                    

Nandito kami ngayon ni Kuya sa kusina, naghahanda ng hapunan namin. Alam niyo naman, wala kaming maid at kailangan kami ang magluto ng pagkin namin. Kasama na don ang dalawang matanda. Hahahaha....

" Kuya, alam mo ba kung ano ang pinag-uusapan ngayon nila Papa? "  tanong ko sa kanya, habang naghahain ng pinggan sa mesa.

" Yun nga ang pinagtataka ko bunso. Hindi naman sila ganyan kalapit mag-usap gaya noon. "  sabi niya.

Alam niyo namang ayaw ni Lolo kay Papa diba? At hindi siya tanggap ni Lolo para kay Mama. Ang pinagtataka lang namin ngayon. Parang magkasundo silang dalawa at hindi na tulad ng dati na hindi nag-uusap. Tapos ngayon makikita nalang namin na sabay silang dumating kanina. At isa pa, ang saya nilang dalawa. Kaya lang nacurious talaga ako kung ano ang pinag-uusapan nila ngayon. Nandon kasi sila sa kwarto ni Papa nag-uusap at ayaw nilang iparinig sa amin.

" Hmm.. amoy palang masarap na. "  napatingin ako sa pinto ng kusina.

Napangiti ako ng makitang papasok si Lolo kasabay nito si Papa na nasa likuran niya. Mukhang wala naman silang problemang pinag-usapan base sa expresion ng mukha nilang dalawa.

" Kain na po tayo. "  nakangiting sabi ko sa kanila.

Umupo naman silang dalawa. Si Lolo ang nakaupo sa dulo ng mesa, habang nasa left side naman si Papa. At kami naman ni Kuya nasa right side, tabi kaming dalawa. Habang kumakain masaya kaming nakwekwentuhan tungkol sa buhay namin ni Kuya habang wala sila. Naopen rin namin ang nangyari noon, kaya medyo naging bad ang atmosphere namin. Pero agad din namang nakabawi, dahil kaya Kuya. Tama ba kasing sabihin yung nangyaring laban namin sa basketball. Ayun tuloy, medyo nagalit sa akin ang dalawang matanda.

Matapos naming kaumain, pinapunta kami ni Kuya sa salla. Dahil may importante daw silang sasabihin sa amin.

" Ano po ba ang sasabihin niyo sa amin Lo? "  tanong sa kanila ni Kuya.

Napatingin naman sa amin si Lolo maging si Papa.

" Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Napag-usapan na namin ng Daddy mo na ilipat na kayo sa mansyon. " seryusong sabi nito.

Gulat naman akong napatingin kay Papa. P-pumayag siya? Akala ko ba, gusto niya kaming kasama? Bakit pumayag siyang doon kami titira sa mansyon. Sino nalang ang kasama niya dito sa bahay, kapag wala na kami? Hindi pwedeng maiwan si Papa dito, malulungkot siya.

Alam kung sinabi ko na sa inyo na hindi pa nila ako nakikitang umiyak. Si Kuya palang. Pero sa ganitong sitwasyon at sa bigat ng naramdaman ko ngayon. Nagsimula ng mangilid ang luha ko sa mata ko. Naiiyak na ako. At hindj ko mapigilan ang bagay na yun.

" Hey! Hey! Princess stop crying. "  nag-alalang sabi sa akin ni Papa.

Tumabi siya sa akin ng upo para punasan ang mga luha sa mata ko.

" B-bakit pumayag kayo Papa? D-dito lang ako, ayaw kung lumayo sa inyo. "  naiiyak kung sabi sabay yakap sa kanya. At doon ako umiyak sa dibdib niya.

Yan tuloy! Nakita na nilang umiyak ang isang Annika Jane.

" Kung hindi po gusto ni Nika, ayaw ko na rin po Lo. Kaya sorry po. "  rinig kung sabi ni Kuya.

Humiwalay ako kay Papa at saka tumingin kay Lolo.

" Lo, dito lang po kami ni Kuya, ayaw po naming umalis sa tabi ni Papa. Kaya sorry po kung hindi namin kayo masusunod "  sabi ko sa kanya na umiiyak parin.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon