Agad akong tumayo ng makita ko si Doc na papalabas ng pinto kung saan ginamot si Nerdy.
" Kamusta na ang lagay niya, Doc? " tanong ko sa kanya.
" Nagiging maayos na ang pakiramdam niya. Kailangan niya lang magpahinga at kumain, dahil sa palagay ko isa yung dahilan kung bakit nagkasakit siya. "
Tumango lang ako sa kanya saka nagpasalamat at pinuntahan si Nerdy sa kwarto niya. Tiningnan ko yung natutulog niyang mukha.
" Tsk! Swerte mo lang at hindi ako nagpahirap sayo. Dahil kapag ako yun, baka mas malala pa dyan ang gagawin ko. " sabi ko habang tinitingnan yung mukha niya.
Ngayon ko lang napansin. Mas maganda pala siya pag walang suot na salamin. Parang isa siyang anghel na natutulog.
Parang may mga sariling pag-iisip ang kamay ko na hawakan ang mukha niya. Ang kinis ng kutis niya, parang ang sarap laging hawakan.
Shit! Ano ba tong ginagawa koh Inilayo ko yung kamay ko sa mukha niya, at saka tiningnan siya sandali at lumabas sa kwarto niya. Umalis na ako sa lugar na yun, dahil ayaw kung maabutan ako nina Gray doon at baka tanongin pa ako ng kung ano-ano.
* Jane POV *
Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Sumasakit nga yung tenga ko. Ano ba kasi ang nangyayari bakit ang iingay nila. Kita ng may natutulog dito eh.
Unti-unti kung dinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. P-puting kisame? H-huwag mong sabihin na n-nadito ako sa...
* Flashback *
6 years old palang ako ng simula akong mangarap. Lagi kung sinasabi na paglaki ko, gusto ko maging katulad ni Mama. Gusto kung maging isang sikat na Doctor katulad ni Mama. Gusto kung tumulong at magamot ng mga tao. Lalo na yung may mga sakit. Lagi akong humahanga kay Mama, dahil kahit walang-wala ng pangbayad yung mga pasyente. Hinahayaan niya parin itong gamutin.
Nong papauwi nga kami ni Mama noon habang sakay ng sasakyan namin. Meron kaming nakitang isang batang umiiyak at parang humihingi ng tulong. Pero hindi naman siya pinapansin ng mga tao. Kaya naisipan ni Mama na ihinto yung sasakyan at lapitan yung bata. Tapos nalaman nalang namin na kaya pala siya umiiyak dahil may sakit yung mama niya at wala silang perang pang hospital. Kaya hindi nagdalawang isip si Mama na tulongan sila at dalhin sa hospital. Nalaman nalang namin na may cancer pala ang Mama niya at malala na ito. Pero kahit ganun hindi nagdalawang isip si Mama na tulongan yung mag-ina. Ginamot niya yung nanay nong bata. Kahit na malaki yung gastos at si Mama lahat ang nagbayad non.
Lagi ngang sinasabi sa akin ni Mama noon na...
" Kapag may nangangailangan ng tulong, tulongan mo. Kahit walang-wala man tayo, ang importante nakakatulong tayo. Kahit na sa maliit na paraan lang. Diba mas masaya kapag marami tayong natutulongan mga tao? Ang sarap sa pakiramdam na nakikita mo silang masaya, kahit na maliit na bagay lang ang ginawa mo para sa kanila. Kahit na maliit na bagay lang yun, malaki na yung epekto sa kanila. Kaya huwag tayong magdadalawang isip na tulongan sila. "
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...