Chapter 5

14.7K 376 1
                                    

" May problema ba dito Miss? "  tanong ni Ren kay Martha, sabay akbay dito.

Si Martha yung babaeng sumigaw kanina. At isa rin siyang nambubully dito. Pero kilala ko siya. Kilala ko kung paano siya umarte. Halata sa mukha niya na sinadya niya yung ginawa niya sa Nerd na yun. At alam ko na gusto niyang ring makakuha ng atensyon sa ibang tao, lalo na sa amin. Kaya nga lang ayaw namin sa kanya. Masyadong maarte, malandi at nagpapansin sa amin. Halata rin sa kanya na kunwaring nagulat siya sa ginawang pang-aakbay ni Ren sa kanya.

" Y-yung Nerd kasi hindi tumitingin sa dinadaanan niya. Kaya natapon yung pagkain ko. "  sabi nito.

Napapailing nalang ako sa pag-aacting na ginagawa niya. Ito namang mga kumag kung kasama, todo sakay naman kay Martha.

" Ganun ba Babe. Huwag kang mag-alala, bibilhan nalang kita ng bago. "  pang-aakit sa kangmya ni Ren.

Ito namang si Martha sobrang landi kung makangiti. Napatingin ako kay Chad na lumapit duon kay Nerd na nakaupo sa sahig dahil sa pagtulak ni Martha kanina sa kanya. Nakakadiri siyang tingnan, lalo na yung uniform niya na hindi ko alam kung basahan ba yun o ano. Umupo si Chad para magkapantay sila.

" Bawal dito ang isang basurera at mabahong tulad mo Nerd. Kaya dapat kanang paliguan. "  sabi ni Chad.

Nagsitawanan naman yung mga tao sa cafeteria. Ako naman napangisi nalang sa sinabi niya. Iba rin pala ang mga trip ng mga loko to no. Napansin ko si Gray na may dalang isang balde ng tubig habang papalapit ito sa kanila ni Chad at kay Nerdy. Tumayo naman si Chad at lumayo dito kay Nerd at si Gray ang pumalit dito sa pwesto nito.

" Paliguan! "

" Paliguan! "


" Paliguan! "

Yan ang mga sigawan ng mga tao sa loob ng cafeteria. Halatang gusto-gusto nila ang gagawin kay nerd. Sigurado pagkatapos nito, aalis na ng school ang nerd na to. Sino ba naman kasi ang tatagal sa school kung ang lahat ng tao dito ay bully. Lalo na sa mga nerdy na katulad niya.

" Kailangan munang maligo, Nerd. "  sabi ni Gray at walang sabing-sabing ibinuhos ang isang balde na may lamang tubig sa kanya.

" Woah! " reaksyon namang mga tao sa loob ng cafeteria.

Napansin kung napasinghap naman si Nerd sa nangyari.

" Nika! "

Napatingin naman ako sa babaeng sumigaw sa tabi ko. At nagulat nalang ako ng makita siya.

" B-Bianca. " sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin at saka ako inirapan at tumakbong lumapit doon kay Nerd. Tutulongan niya sana itong tumayo ng pigilan siya nito.

" Huwag kang lalapit. " sabi nito.

Ang arte nito. Siya na nga yung tutulongan, siya pa yung umaayaw. Pero magkaibigan ba sila ni Bianca? Bakit siya nito tutulongan?

Tumayo siya habang nakatayo parin si Gray sa harapan niya at ngayon magkapantay na silang dalawa. Hindi ko makita yung mukha niya dahil nakayuko parin ito. Pero bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at panginginig ng inayos niya yung salamin niya. Maging yung mga tao dito sa cafeteria at saglit din natigilan, maging yung tatlo kung kasama. Naramdaman din ba nila kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Parang may kakaiba kasing nangyayari sa kanya. At hindi ko alam kung ano yun. 

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon