Chapter 35

13K 270 1
                                        

* Andrew POV *

Naalipungatan ako ng maramdaman kung wala na akong katabi. Nagmamadali akong bumangon sa higaan at saka pumunta sa may banyo para tingnan kung nandon siya. Pero kahit anino niya wala! Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Pero pagbaba ko, ang naabutan ko lang sa may salla ay yung dalawang lalakeng naabutan namin kanina dito sa bahay.

" Mabuti naman gising kana. "  sabi nong Kyle yata ang pangalan.

" Bakit. May nangyari ba? "  nagtatakang tanong ko sa kanila.

" Sumunod kana lang sa amin. "  sabi nong gumamot kay Nerdy kanina.

Nauna na silang lumakad sa akin, kaya sumunod na rin ako sa kanila. Lumabas kami ng bahay at pumunta sa likod, at doon nakita ko yung tatlo at dalawa pang lalake habang may dalawang babaeng lumalaban sa gitna. Patakbo akong lumapit sa kanila para pigilan sila. At hindi naman ako nabigo dahil agad kung nayakap si Nerdy sa bewang para mailayo kay Mandy.

" Ano ba ang problema niyong dalawa! Bakit ba kayo nagkakasakitan? "  galit na sigaw ko sa kanila.

Nakita ko kasi silang dalawa ni Mandy na naglalaban. At may hawak-hawak silang kanyang-kanyang espada. At yung mga tukmol naman, hindi pinigilan ang dalawa. Mukhang nasisiyahan pa sila sa nakikita nila.

Napakunot naman ang noo ko ng tumawa ng malakas si Mandy. Maging si Nerdy ay tumawa din.

" Ano kaba naman Andrew. Masaya lang kami pareho dahil nagkita kaming dalawa. "  nakangiting sabi ni Mandy.

" At talagang may labanan na magaganap? "  inis na sabi ko sa kanila.

" Maaaring hindi mo pa alam Pare. Pero normal lang talaga sa kanila ang maglaban sa tuwing magkikita sila. "  nakangiting sabi nong isa na hindi ko kilala.

Napatingin ako kay Mandy na nakangising nakatingin sa akin. Binitiwan ko naman si Nerdy at nakangiti ring nakatingin sa akin.

" Masyado ka namang nag-alala sa akin, Babe. Hindi naman ako nasaktan eh. " 

At nagawa niya pa talagang mang-asar sa akin. Bwesit na babaeng to. Kung wala lang akong may naramdaman sa kanya, kanina ko pa ito pinatulan.

Lumapit ako sa kanya sabay bulong.

" Tumigil ka! Kung ayaw mong halikan kita sa harapan nila. "  bulong ko sa kanya saka lumayo.

Napangisi naman ako ng makitang namumula yung mukha niya. Mas lalo siyang gumanda, kahit na nakasalamin na siya. May suot na kasi siyang glasses ngayon na katulad parin ng sinusuot niya dati. Hindi ko alam kung saan niya nakuha to. Pero nahinayang ako ng hindi ko na makita ang reddish niyang mga mata.

Totoo talagang nagandahan talaga ako sa mga mata niya. Sa unang kita ko palang ng mga mata niya talagang nagulat ako. Hindi sa takot, kundi sa pagkamangha ko sa mga mata niya. Mas lalong bumagay sa kanya dahil ang puti-puti niya at idagdag mo pa ang sobrang itim ng mga buhok niya. Kaya para siyang isang Goddess para sa akin.

" Kailangan mo pang magpahinga. "  sabi ko sa kanya saka siya binuhat. " Papagalingin ko muna to. "  sabi ko sa kanila, at umalis na sa lugar na yun. Pero bago pa man ako nakakalayo narinig ko pa yung sinabi ni Mandy.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon