Chapter 44

10.7K 238 1
                                        

Nandito ako sa loob ng kwarto ko na nakahiga, habang nanunuod ng palabas sa TV ngayon. Saturday ngayon kaya wala kaming pasok. Ayaw ko namang magala-gala sa labas dahil tinatamad ako. At isa pa, baka nakaabang yung mga tauhan ng gago na yun para patayin ako. Tinatamad pa naman akong makipagbakbakan sa kanila. Kaya mas mabuting dito nalang ako sa bahay.

Wala namang magagandang palabas ngayon. Kanina pa ako palipat-lipat ng channel. Pero ni kahit isa wala man lang along makitang maganda? Kaya mas lalo akong nabobored ngayon.

Natapun ko yung remote na hawak ko ng malakas na binuksan yung pinto ng kwarto ko. Parang sisirain nito sa sobrang lakas.

" What the-. Ano ba ang problema- "

Napatigil ako ng makita sina Papa at Kuya na nakatayo sa labas ng pinto. At gayun nalang din ang pagkagulat ko ng kasama nila si Lolo.

Pero bigla akong kinabahan ng makita ko kung paano sila makatingin sa akin. Galit na may halong pag-alala. Idagdag mo pang nakikita kung kalungkutan sa mga mata nila.

Shit! Bakit ganyan sila makatingin sa akin? Hindi kaya-.

" M-may problema ba? "  kinakabahan kung tanong sa kanila.

* Pak *

Gulat akong napatingin kay papa ng sampalin niya ako ng malakas.

" P-pa. "   gulat kung sabi.

Gulat naman akong napatingin sa kanya. At hindi ko inaasahan sa biglang pagtulo ng mga luha ko.

" Ano ba ang pinagagawa mo ANNIKA JANE! Hindi mo ba alam na mapapahamak ko sa pinagagawa mo? "  galit na sabi sa akin ni Papa.

Isa lang ang ibig sabihin niyan. Alam na nila kung ano ang pinagagawa ko. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit sila galit ngayon. At kung bakit nandito ngayon sila Lolo.

" Gusto mo bang mamatay ha? At talagang ikaw pa ang kusang lumalapit sa hayop na yun. "  galit pa rin nitong sabi.

" Sorry Pa. Pero kailangan magbayad ang hayop na yun sa ginawa niya sa pamilya natin. "  sabi ko sa kanya.

Galit namang tumingin sa akin si Papa.

Sa loob ng mahabang panahon, ngayon ko lang nakitang nagalit si papa. At sa akin pa talaga.

" Kahit na ang kapalit ay buhay mo? "  sabi ni Kuya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

" Nababaliw kana ba, Annika. Sa tingin mo ba.. matutuwa ang Mama mo sa pinagagawa mo? " galit paring sabi ni Papa.

" Siguro nga nababaliw na ako, Pa... Mas gugustohin ko pang mapahamak ako. Mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ni Mama. "  seryusong sabi ko sa kanila.

Kita ko pa rin ang galit sa mga mukha nila. Pero alam nila.. na kahit ano pang sabihin nila sa akin. Hindi nila ako mapipigilan sa ginagawa ko. Ngayon pat malapit kunang matunton ang kinaroruonan ng hayop na yun at ng mapatay siya. Isa pa, alam kung hindi gusto ni Mama na maghigante ako. Pero para sa kanya namang tong ginagawa ko.

" Siguro nga tama si Annika. Kailangang magbayad ang gago na yun sa kahayupang ginawa niya sa pamilya natin. "  sabi ni Lolo.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon