Chapter 24

12.9K 278 7
                                        

" A-anong ginagawa niyo dito? "  gulat kung tanong sa kanila.

" Ano pa ba? Edi sinusundo ka. " sabi ni Storm.

" W-What? H-huwag niyong sabihin na kayo ang kasama ko? "  tanong ko.

Parang bigla akong nanghina ng sabay-sabay silang tumangong tatlo. Nakakainis naman o. Ngayon lang nga kaming magkakasamang tatlo. Ayaw pa nila?! Okay lang sana kung si Heaven ang hindi ko kasama dahil maiintindihan ko pa. Pero si Hell? Wala namang yung pinagkakaabalahan sa buhay ha. Kaya bakit hindi siya pumunta?

Langya naman ang dalawa kung bestfriend o. Nakakainis! Excited pa naman akong makita silang dalawa. Tapos, ito lang pala ang mangyayari? Sana man lang nagtext sila sa akin na hindi sila matutuloy para hindi na ako nagprepare!

" Umalis na kayo. Wala na akong ganang lumabas ngayon. "  sabi ko sa kanila.

Tatalikod na sana ako ng bigla akong inakbayan ni Air.

" Huwag ka namang ganyan B.A. Sayang naman ang effort naming pumunta dito. Tapos hindi lang pala matutuloy? "  nagtatampo nitong sabi.

" Oo nga B.A. Para mo na ring sinasabi na gusto mong makasama yung dalawang yun kesa sa amin? E, alam naman nating lahat na boring namakasama ang dalawang yun. "  sabi naman ni Sky.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi naman sa totoo. Pero parang ganun na nga. Pareho kasing seryuso ang dalawang yun. Maliban nalang kay Hell na hindi gaano kaseryuso. Maloko din yun eh. Pero si Heaven? Huwag munang asahan. Talagang boring ang buhay mo kapag siya ang kasama mo.

" Hmm. Tara pasyal tayo. "  nakangiting sabi ko sa kanila.

" Yun oh! "  sabay nilang sigaw na tatlo, saka nagsipasukan na sa loob ng sasakyan. Kaya sumunod na din ako.

Mas masaya kasing kasama ang tatlong to kaysa sa dalawang yun. Iwan ko ba, kung saan-saan na naman sila nagsusuot? Lagi kasi sila naghahanap ng gulo.

Nga pala. Isa din sila sa mga kaibigan ko, simula noon hanggang ngayon. Hindi rin nila totoong mga pangalan yun. At hindi ko alam kung ano ang trip nila. Pero iisa lang ang masasabi ko. Mga grupo ko sila pagdating sa labanan. Oo, labanan! Hindi naman kami gangster or mafia. Pero lumalaban kami.

" Saan tayo ngayon? " tanong ni Storm na siyang nagmamaneho.

Napaisip naman ako kung saan kami pupunta ngayon. Tapos biglang nagpop in sa utak ko ang pangalan ni Gray. Sa ganitong araw paniguradong nandon sila ngayon.

" Ano ba ang ginagawa natin kapag bored tayo? "  nakangising tanong ko sa kanila.

Napangiti naman silang tatlo at mukhang alam na nila kung ano ang ibig kung sabihin.

Pagdating namin don at nakapark na yung sasakyan ni Storm dahil yun ang ginamit namin. Agad kaming bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob ng court. Yah! Court. Nandito kasi kami ngayon sa plaza at gusto naming maglaro. Para naring mapawisan kami.

Napangiti naman ako ng makita ko sila Gray na naglalaro. Paniguradong magiging maganda ang araw ko nito.

" Gray! "  sigaw ko.

Talagang sabay-sabay silang lumingon? Lumapit kami sa kanila at mukhang gulat na gulat silang makita ako.

" N-Nika. " gulat na tawag sa akin ni Gray.

" B-buhay ka? "  hindi naman kapaniwalang sabi ni Ren.

Gusto ba akong patayin ng isang to? Akala ko ba magkaibigan na kami?

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon