Matapos ang nangyari kanina sa room namin, ang sasama ng mga tingin ng mga kaklase ko sa akin. At mas lalo pang nagdagdagan non nong nasa cafeteria na kami ni Bianca. Kinalat siguro ng mga tsismosang kaklase namin ang nangyari. Iba talaga ang mga hakot ng mga Four Kings na yun.
Napatingin naman ako kay Bianca na parang tatawa na. Kaya nga lang pinipigilan niya.
" Anong problema mo dyan? Para kang baliw na tawa ng tawa. " sabi ko sa kanya.
" Kasi naman hindi ko talaga makalimutan yung mukha ni Ren kanina. Ang Epic non eh. " natatawa nitong sabi.
Napailing nalang ako at ngumiti sa kanya. Lahat naman siguro non matatawa kapag nakita nila yung mukha ni Ren kanina. Ang epic talaga non eh. Pati ako natatawa kapag naalala yun.
Napahinto ako sa pagkain ng maramdaman kung may taong nakatayo sa harapan ng mesa namin ni Bianca. Pag-angat ko ng tingin..nasa harapan ko ngayon yung walanghiyang malanding babae. Ang taong dahilan ng pagbuhos sa akin ni Gray ng isang baldeng tubig.
" You Bitch! " nanggigil nitong sabi.
Wow! Ha! Ako pa talaga ang tinawag niyang Bitch? Tumingin kaya siya sa salamin para makita niya kung sinong bitch sa amin. Huwag niyang sabihin na gagawa na naman siya ng eksena?
" How dare you to call that to my bestfriend! "
Napatingin naman ako kay Bianca na nagsalita siya. Biglang nagbago ang mood niya. Ang kaninang tumatawa na si Bianca bigla namang sumeryuso. Hindi ko alam na marunong palang itong magseryuso.
" Huwag kang mangialam dito Bianca! Hindi mo ba alam na maraming ginawang kasalanan yang NERDY na yan sa Four Kings! " galit nitong sabi.
" E ano naman ngayon? " walang pakialam niyang sabi.
Ibang klase din tong si Bianca na sumagot noh. Mas lalong nainis sa kanya yung babae eh.
" Ano pa ba ang aasahan ko sayo Bianca. Para sabihin ko sayo! Yang kaibigan mo sinaktan ang Andrew KO! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nito tinapakan ang paa ni Andrew. Tapos ngayon, nabalitaan ko yung ginawa niya kay Ren. " galit nitong sabi at masamang nakatingin sa akin.
Hindi nalang ako umimik pa. Bahala siya dyan..nagsasayang lang siya ng laway sa ginagawa niya.
" G-ginawa mo yun? " gulat na tanong sa akin ni Bianca.
Tumango lang ako saka pinagpatuloy yung pagkain ko. Pero muntik na akong mabilaukan ng tumawa siya ng malakas. Kaya dali-dali kung ininom yung tubig na nasa tabi ko.
" Bakit ka tumatawa dyan? " nagtatakang tanong ko sa kanya ng mahismasmasan ako.
" Iniimagine ko kasi yung mukha ni Andrew. Panigurado nakakatawa yung mukha niya sa ginawa mo. " natatawa nitong sabi.
Talagang nakakatawa. Parang hindi nga maipinta yung mukha niya kanina. Paano ba naman kasi, siya pa yung galit. Hindi ba pwedeng aksidente lang yung nangyari. At isa pa kung nakita niya akong paparating, edi sana iniwasan niya man lang ako. Sino ngayon ang may kasalanan sa amin ha!

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...