* Andrew POV *
F*ck! Ano ba ang nangyayari kay Nerdy ngayon. Bakit sa tuwing, may mangyayaring gulo. Parang bigla-bigla siyang umiiba. Katulad nalang ngayon.
Napatingin ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa deriksyon nila Martha. Napansin ko pang inayos niya yung salamin niya. Hindi na namin siya nagawang pigilan pa dahil lahat kami nakaramdam ng matinding kilabot sa katawan. Parang bigla kaming hindi makagalaw ng makita namin yung kakaiba niyang ngiti. Para siyang isang halimaw na bigla-bigla nalang gumigising.
Lahat kami nagulat ng makita kung paano niya binuhos lahat ng pagkain kina Martha. Nakangiti pa siya habang ginagawa niya yun saka umalis.
Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya ngayon at kung ano ang gagawin niya.
At kung ano man yun, kinakabahan ako. Nag-alala ako sa maaring kalabasan ng mga gagawin niya. Nakikita ko sa mga mata niya na gaganti siya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito. Gustong-gusto kung nakikitang mapahamak at masaktan si Nerdy. Pero sa tuwing mangyayari yun, hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Kaya yung mga pinaplano ko sa kanyang paghihigante, ay hindi kuna matuloy-tuloy. Dahil ako lang yung tangang nag-alala sa kanya.
Sa loob ng dalawang linggong yun, lagi kung hinahanap si Nerdy at namimiss ko rin ang presensya niya. Parang laging may kulang sa akin. Para akong baliw sa kakaisip kung kamusta na ba siya. Kung okay na ba siya.
Sa loob ng dalawang linggong hindi niya pagpasok sa school namin. Isang bagay lang napagtanto ko sa sarili ko. Just because
I LIKE HER!
I REALLY LIKE HER!
*****
* Nika POV *
Kakatapos lang ng klase namin sa Second subject namin. Wala rin naman kaming klase pa sa susunod na subject. Dahil meron daw ngayon mangyayari sa gym. Para daw sa pagsalubong sa pagbalik nila. Wala pa naman kaya napagdesisyonan muna namin na tatambay muna kami sa tambayan nila. Pero bago yun, dadaanan muna kami sa cafeteria para bumili ng makakain namin.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ng cafeteria ng mapahinto ako. Naningkit na naman ang mata ko ng makita ko si Martha na masayang nakikipag daldalan sa mga kaibigan niya.
" Libreng manggulo. " bulong sa akin ni Gray.
Napangisi naman ako. Talagang gagawa ako ng gulo ngayon. Hindi panga ako nakakaganti sa bruhang yun eh.
Napatingin ako kay Bianca na nakatingin din sa akin.
" You want to join? " nakangiting tanong ko sa kanya.
Bigla namang nangniningning ang mga mata niya. Sabi na nga bang gusto niya ring pahirapan si Martha e. Pero bago pa man siya makasagot, may umepal na namang asungot.
" Huwag mong idamay ang kapatid ko. " seryuso nitong sabi.
Hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan siya magsalita. Lalo nat ang kapatid niya ang pinag-usapan dito.Dahil ganyan din sila Kuya sa akin.
" Nagbibiro lang naman ako. Wala naman akong planong idamay si Bianca. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Hindi naman ako tanga para idamay siya sa gulong sisimulan ko ngayon. Wala naman talaga akong balak na idamay sila.
Humarap ako sa kanilang lahat at ngumiti.
" Watch and Learn. " sabi ko saka tumalikod sa kanila.
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
AksiSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...
