" Are you ready? " tanong sa akin ni Kenji.
Ngumisi lang ako sa kanya.. sabay hawak sa braso niya.
" Ako pa talaga ang tinatanong mo ha. " sarcastic kung sabi sa kanya.
Mukhang tanga lang kasi. Ama niya yung titirahin ko, tapos itatanong niya sa akin na ready na ako? Ako dapat ang magtanong yun sa kanya e.
Pumasok na kami sa loob ng mansyon nila. Ngayong araw na kasi na ipakilala niya ako sa ama niya bilang syota niya. Kaya ngayong araw din na ito maghaharap kami ng hayop na yun.
" Babe, huwag masyadong kumapit kay Kenji. " rinig kung sabi ni Andrew.
Napatingin tuloy sa akin si Kenji na ikinangiti ko lang.
" Seloso. " sabi ni Kenji.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila, inilibot ko yung tingin sa kabuuan ng bahay nila.
Infairness ha.. ang ganda ng bahay nila. Parang walang demonyo ang nakatira dito
" Kung hindi lang sana naging hayop yang ama mo? Siguro masaya kayo ngayon. " sabi ko sa kanya.
Tumahimik lang siya at hindi na nagprotesta sa sinabi ko. E.. sa totoo naman kasi.
Maya-maya may lumapit sa amin na isang lalake, at sa pagkakaalam ko tauhan yata ng demonyo na yun.
" Excume me, Sir Kenji. Kanina pa po kayo hinihintay ng ama mo. " sabi nito.
Umangat siya ng tingin at tumingin sa akin. Parang nawalan naman siya ng dugo sa mukha ng makita niya ako.
Sino ba kasi ang hindi matatakot na kung yung taong hinahabol niyo ay nasa mismong harapan niyo nah.
Ngumiti lang ako sa kanya saka sumunod kay Kenji papunta sa hayop niyang ama.
" Gusto mo ba talagang patayin ang ama ko? " biglang tanong ni Kenji na ikinatingin ko sa kanya.
Umayos ako ng lakad saka sinagot yung tanong niya.
" Depende. "
" Depende saan? "
" Depende kung may natitira pa akong awa. " malamig kung sabi na ikinatahimik niya nah.
Mga ilang minutong paglalakad namin. Nakarating na kami sa opisina ng ama niya. Isa rin naman akong tao, kaya nakaramdam din ako ng kaba sa gagawin namin ngayon. At hindi ko din alam kung magiging successful ang plano namin.
Kumatok ng tatlong beses si Kenji sa may pinto, hudya na nandito na kami.
" Come in. " rinig kung sabi ng ama niya.
Hinawakan niya yung doorknob at dahang-dahang binuksan. Ng nabuksan niya ng tuluyan.. pumasok na kami sa loob at nagulat ako ng may nagsara dito.
Pagtingin ko isang malaking tao.
Pati dito ba naman may bantay? Well, hindi naman yun problema sa akin.
" We're here, Dad. " sami ni Kenji sa ama niya na nakatalikod sa amin.
" Careful.. " sabi ni Andrew sa earpiece.
Alam naman namin yun. Hindi na kailangan pang sabihin. At isa pa nakahanda kami sa maaring gawin sa amin ni Mr. Gregori.
Unti-unting humarap sa amin si Mr. Gregori. Agad napadako yung tingin niya sa akin. Nang makita niya ako. Halata yung pagkagulat sa mukha niya. Pero agad niya ding binawe at naging seryuso yung mukha niya.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...