Chaptet 19

13.3K 302 0
                                    

* Nika POV *

2 weeks din ang nakalipas simula nong nangyari sa hospital. Mabuti nalang nandon si Kuya at Gray para patigilin ako. At mabuti nalang iniuwi kaagad ako ni Kuya nong nawalan ako ng malay. Dahil kung hindi! Hndi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko kapag gumising ulit ako.

Ayaw ko na talagang pumasok pa sa hospital. Dahil bumabalik lang sa alaala ko nong mga panahong namatay si Mama. Sa tuwing naalala ko yun, may nagbabago sa katawan ko. Parang nag-iiba akong tao. Gustong-gusto kung makakita ng dugo at sumasaya ako kapag nakikita akong may nahihirapan dahil sa akin. Kaya ayaw kung maalaala pa yun. Dahil baka, makapatay pa ako ng tao.

" Kaya muna ba talagang pumasok, nak? "  nag-alalang tanong sa akin ni Papa.

" Kaya ko n po, Pa. "

" Sigurado ka? E, kagagaling- "

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Papa nang itinapat ko ang palad ko sa harapan niya. Sign na tumigil na siya. Kanina pa kasi siya dada ng dada. Alam ko naman na nag-alala lang siya sa akin. Pero nakakaireta na.

Nong time na nalaman ni Papa ang nangyari sa akin. Para siyang bombang sasabog na sa galit. Lalo na yung nalaman niyang sa hospital pa ako dinala. Pinagalitan niya nga si Kuya kung bakit hindi siya tinawagan agad. Pati na rin si Gray, pinagalitan din siya ni Papa. E, ako naman todo defensa para sa kanila. Wala naman kasi silang kasalanan sa nangyari. Kasalanan ko naman yun kasi nagpabaya din ako. Hinayaan ko lang na saktan nila ako. Isa pa wala naman kasalanan si Gray sa nangyari. Hindi niya naman kailangan pa ako bantayan dahil malaki na ako. Kaya wala silang kasalanan.

Mabuti na lang nga nakaalis na si Lolo nong time na yun. Naku, kapag nalaman niya ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kay Martha. Baka ilibing niya ito ng buhay. Kilala ko kasi si Lolo. Ayaw niyang sinasaktan kami at hindi lumalaban. At tiyak na pagagalitan din ako non.

" Pa, huwag kayong O.A. Kaya ko na nga po. "  natatawang sabi ko.

" Oo nga naman po, Pa. Parang hindi niyo naman kilala ang nag-iisang Prinsesa natin. Masamang damo to eh. "

Sinamaan ko ng tingin si Kuya. Okay na sana yung Prinsesa eh. Bakit kailangan pang may kasamang masamang damo?

Matapos kung mag-ayos ng gamit ko. Nagpaalam na kami ni Kuya kay Papa na papasok na kami. Si Kuya na naghatid sa akin sa school. Para daw masigurado niya na ligtas ako. May pakiramdam daw kasi siya na kahit anong oras, pwedeng may mangyari sa akin.

Parang hindi niya naman ako kilala. Yakang-yaka lang yang mga tarantadong gustong saktan ako. Kaya huwag na dapat silang mag-alala sa akin.

Pagkababa ko sa school. Napangisi naman ako.

Two weeks din tayong hindi nagkita Martha. Siguro naman sa Two weeks na yun, nakaexercise na yang katawan mo.

Ngayong nagbalik na ako. Hindi ko papalampasin ang mga ginawa mo sa akin. Pahihirapan kita, higit pa sa pagpapahirap mo sa akin. Kaya ihanda muna ang katawan at sarili mo. Dahil siguraduhin mo lang na malakas ka, Martha.

*****

* Poke *

* Poke *

* Poke *

Naalipungatan ako ng maramdaman kung may tumutusok sa mukha ko. Dumilat naman ako saka umangat. Pagkaangat ko, nakita ko ang ngiting aso ng pinsan ko. Mukha kasing baliw na nakangiti sa harapan ko. Isama mo pang nagpapacute siya.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon