Chapter 33

11.9K 259 4
                                    

* Andrew POV *

Nanatili lang akong tulala at gulat na gulat parin sa nakikita ko. Lahat kami parang hindi alam ang gagawin, halos hindi na kami makagalaw sa kinatatayuan namin ngayon dahil sa nakikita namin. Para siyang isang demonyong nagising sa matagal nitong pagkakatulog. Kahit nakapiring yung mga mata niya parang parin siyang nakakita. At halos galaw ng mga ito ay alam niya.

" Gray, gumawa ka ng paraan para pigilan si Nika. " kinakabahang sabi ni Ren.

" Ito na nga oh! Kanina ko pa tinatawagan si Kuya Mike, pero hindi ko siya macontact. "  sabi ni Gray.

" Wala na bang ibang paraan para pigilan siya? "  tanong sa kanya ni Chad.

" Si Kuya Mike lang ang tanging makakapigil kay Nika. "

Napatingin naman ako kay Gray ng sabihin niya yun. Ang ibig sabihin ba nito, walang sino mang taong makakapigil sa kanya kundi ang kuya niya lang?

" Oh! My! Ghad! Baka mapatay niya si Martha. "  rinig kung sabi ng kapatid ko.

Napatingin naman kami sa kinaruruonan nila. Lahat kami nagulat kung paano niya itinapon si Martha at tumama ang katawan nito sa may ring. Napatingin naman ako kina Kenji at sa mga kasama nito. Lahat sila ay hindi na kayang makatayo. At parang naliligo sila sa sarili nilang mga dugo. Napatingin naman ako kay Kenji na pinipilit makatayo, pero sa kondisyon niya. Parang hindi niya na magagawa yun. Bugbog na rin ang buo niyang katawan at may mga sugat pa ito.

" Ano! Nacontact muna? "   tanong ulit sa kanya ni Chad.

" Yes! Pero bago pa sila makaabot dito. Baka napatay niya na si Martha. "  sabi nito.

" K-kuya s-si Nika. "  kinakabahang sabi ni Bianca.

Shit! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Magagawa niya ba talagang pumatay? Kitang-kita ko kung paano niya tinutukan ng baril si Martha. At kitang-kita ko kung paano mawalan ng dugo ang mukha ni Martha. Kahit sino ay matatakot kay Nika. Lahat ay hindi makapaniwala na ang Nerding binubully ng lahat. Ay may kakayahan palang makapanakit at pumatay.

" Andrew baka may maga- "

Bago matapos ang sasabihin ni Ren. Umalis na ako sa kinatatayuan ko para pumasok sa loob ng ring at pigilan si Nerdy. Pero hindi pa man ako nakakaabot don ng mapahinto ako ng makita kung may biglang lumitaw na isang tao sa likurang ni Nerdy. Sa palagay ko nanggaling siya sa taas. At napakunot noo ako ng makita kung sino ang taong yun. Siya yung nakausap ko nong isang araw sa bar at siya rin yung taong pinigilan akong saktan si Nerdy nong nasa mall kami.

Kitang-kita ko kung paano nitong mabilis na inagaw ang baril kay Nika. Galit namang napaharap sa kanya si Nika at sinugod siya ng suntok. Pero mabilis itong nakaiwas, kung anong bilis niyang makaiwas. Ganun rin ang bilis nitong pumunta ulit sa likod ni Nika at pinatamaan ang ilang vital parts nito, dahilan para mawalan ng malay si Nika. Matapos nitong gawin, napatingin naman siya kay Martha na parang nabawasan ng tinik dahil sa nakita niya.

" Pasalamat ka nakakaawa yang mukha mo. Kung hindi! Ako mismo ang papatay sayo. "  malamig na sabi nito.

Parang magsitayuan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang boses na yun. At alam kung nakakaramdam din ng kaba at takot ang manunuod sa taong nasa harapan namin ngayon. Hindi ko alam kung matatakot ako sa kanya o magpapasalamat dahil sa ginawa niya kay Nerdy. Pero hindi talaga maiwasan na manginig ang buo kung katawan.

Napatingin siya sa akin dahilan para mapaatras ako. Hindi ko makita yung mukha niya kasi nakahood siya at may nakatakip ding maskara ang mukha niya.

" Tatayo ka lang ba dyan Mr. Lorenzo? Pwede munang buhatin si Annika dahil hindi ko siya kayang buhatin. "

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon