* Nika POV *
* Flashback *
( Flash back ito bago namatay ang mama ni Nika. )
Bata palang ako natuto na akong mag ensayo ng ibat-ibang klaseng martial arts. Kaya nandito ako ngayon sa training room namin. Nag-eensayo habang biglang pumasok si Mommy sa loob. Huminto ako sa pagpractise saka ako lumapit kay Mommy at niyakap siya.
" Good morning Mommy! " masayang bati ko sa kanya, saka humalik sa pisngi niya.
" Good morning din, Baby. " nakangiti nitong sabi at hinalikan din ako sa pisngi.
Ang ganda talaga ng Mommy ko at sobrang bait pa. Kaya hindi nakapagtataka na siya lagi ang hinahanap ng mga pasyente niya.
Iginaya naman ako ni Mommy na umupo sa may couch na naroroon saka ako binigyan ng tubig. Ininum ko rin yun.
" Jane. " tawag sa akin ni Mommy.
" Bakit po? " tanong ko sa kanya.
Humarap ako sa kanya at nagtataka ako ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya.
" Lagi mong tandaan na mahal na mahal ko kayo ng kuya mo ha. At kahit anong mangyari huwag kang magbabago. Laging kang maging mabait at masiyahin. "
" Bakit Mommy, aalis po ba kayo? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at napansin kung may kinuha siya sa may bulsa ng coat niya at inabot sa akin ang isang box. Nagtataka naman akong kinuha ito.
" Ano po ito Mommy? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
" Open it! " nakangiti nitong sabi sa akin.
Binuksan ko naman yun pero nagtataka ako ng makita ang laman non.
" Bakit niyo po ako binigyan nito Mom? "
" Hindi mo man yan magagamit ngayon. Pero I know, someday magagamit mo yan. Kaya kailangan mo yan laging suot. Dahil merong mangyayaring malaking pagbabago sayo. " seryuso nitong sabi sa akin.
Kahit nagtataka man tumango nalang ako dito.
" Kaya huwag mong hahayaang masira yan, anak. Dahil yan ang isa sa mga paborito kung invention at isang alaalang maiiwan ko sayo. " nakangiti nitong sabi.
Matapos sabihin ni Mommy ang mga salitang yun, lumabas na siya ng training room. Ako naman, agad kung sinuot yung glasses na binigay niya sa akin. At napangiti ako ng tiningnan ko ang itchura ko sa salamin. Bagay na bagay ang binigay ni Mommy sa akin. Para akong isang Nerdy na maganda.
![](https://img.wattpad.com/cover/97584280-288-k659683.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
AçãoSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...