Chapter 46

9.5K 207 1
                                    

" Itigil niyo na nga yan. "  pigil ko kay Sky.

Tumawa lang siya saka bumalik ulit sa pwesto niya kanina. Ang sarap hambalusin talaga ng lalakeng toh.

Naku! Kung hindi lang talaga siya kaibigan ni Heaven. Baka kanina ko pa ito pinatay.

" Nasaan sina Ivan at Neon? " tanong ko sa kanila.

" Nandon sa may ground flour. Binabantayan ang mag-ina. "  sagot naman sa akin ni Storm.

Napatingin naman ako kay Kenji ng bigla siyang umangat ng tingin.

" N-nandito sina Mommy? " gulat nitong tanong sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng matagal saka naglakad na papunta doon sa may ground flour.

Pagkarating namin don.. agad kung napansin sina Ivan at Neon, habang nilalaro yung batang babae. Habang yung ina ay masayang nanunuod lang sa kanila.

" MOM! "  biglang sigaw ni Kenji.

Tatakbo na sana siya papalapit sa nanay niya ng bigla kung iharang sa harapan niya ang sword ko. Namumutla naman siyang tumingin sa akin.

" Huwag kang magkakamaling gumalaw dyan sa kinatatayuan mo. Kung ayaw mong mawalan ng ulo. "  malamig kung sabi sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin na may galit sa mukha. Pero sa huli siya din ang sumuko.

Napaatras siya saka tumingin sa kanyang ina na gulat na gulat din ng makita siya.

" Kuya! "  masayang sigaw ng kanyang kapatid.

Tatakbo na sana ang kapatid niya papunta sa kanya ng bigla siyang kinarga ni Neon para hindi makawala.

" Dito ka lang muna, baby girl. Maglalaro pa tayo diba? "  malambing na sabi ni Neon sa bata.

Nakangiti namang tumango sa kanya ang bata. Akalain mo nga naman... may kakayahan pala ang tukmol na ito na magpa-amo ng bata. Yung bata naman walang kaalam-alam sa nangyari kaya tumango nalang.

Napatingin naman ako kay Ivan na hawak din ang nanay ni Kenji sa may braso. May balak din sigurong lumapit ang isang toh sa anak niya.

" Anak! "  naiiyak na sabi ng nanay niya ng makita siya.

Syempre walang magawa si Kenji.. kundi tingnan lang ang nanay niya. Naawa tuloy ako sa kanila.

Hindi sana toh mangyayari.. kung hindi lang sa walang kwenta niyang ama.

Bago pa ako makapag-isip na pakawalan sila. Mabuti pang sisimulan kuna ang pagpakilala sa kanila.

" Bago ka makalapit sa kanila. Gusto ko munang makilala mo ako. "  seryusong sabi ko sa kanya.

Dinala ko sila sa meeting room namin kung saan nagmemeting ang bawat grupo ng street kings.

" Please sit down. "  sabi ko sa kanilang tatlo.

Umupo naman sila at nasa harapan naman nila akong tatlo.

" Hindi kuna kailangan pang patagalin ito. "  sabi ko sa kanila.

Nakatitig lang sila sa akin at hinihintay ang susunod kung sasabihin.

" Gusto kung maging kabilang kayo sa grupo namin. "  seryusong sabi ko sa kanila.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon