Chapter 3

15.6K 341 5
                                    

Ilang araw rin kaming nagsasama ni Bianca at sa palagay ko, maayos naman siyang kaibigan. Natutuwa nga ako dahil may pagkaloka-loka din pala siya. Hindi katulad sa mga kaibigan ko na may pagkaseryuso. Siya ang saya niyang kasama, walang araw na hindi ako tumatawa dahil sa kanya. Kaya siguro masasabi ko sa sarili ko na, isa siya mga taong tumanggap sa akin kung ano ako. Parang wala nga siyang problema sa buhay e.

" Ingat, Kuya. "  sabi ko sa kanya pagkababa ko ng sasakyan niya.

Naglalakad ako papasok sa gate ng school namin ng tumunog yung phone ko. Kinuha ko naman yun sa bulsa ng palda ko at sinagot yung caller na hindi tinitingnan yung pangalan ng taong tumawag sa akin.

" Sino to. "  maangas kung sabi, pagkasagot ko sa tawag.

" Binura mo na naman ba ang number ko sa phone mo kaya hindi mo alam kung sino ako? "

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig yung boses ng taong tumawag sa akin. Parang nanigas bigla lahat ng kalamnan ko sa katawan. Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang maotiridad niyang boses. Ang tanga ko talaga, dapat tiningnan ko muna yung screen ng phone ko kung sino yung tumawag,bago ko sinagot.

" L-Lolo. " nauutal kung sabi.

Takot ako dito e.

" The one and only. My Princess. "  sabi nito.

" Napatawag po kayo. "  tanong ko sa kanya.

" Gusto ko lang na ikamusta kayo ng kuya mo dyan. Okay lang ba kayo dyan? Kumakain ba kayo ng maayos? " sabi nito sa akin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Akala ko nakalimutan niya na kami ni Kuya. Matagal-tagal din kasi kaming hindi nagkita at nagkausap ni Lolo, simula nong namatay si Mama. Sobra kasing mahal ni Lolo si Mama, lalo nat nag-iisang babae lang ito sa mga anak niya. Kaya dinamdam niya talaga ang nangyayari. Pero alam ko, may sasabihin si Lolo. Kaya siya napatawag ngayon sa akin.

" Sabihin niyo na po ang gusto niyong sabihin Lo. May pasok pa ako. "  sabi ko sa kanya.

Narinig ko naman na tumawa siya sa kabilang linya. Minsan lang tumatawa si Lolo, kaya masaya ako tuwing tumatawa siya o ngumingiti.

" Kilalang-kilala mo talaga ang Lolo mo noh?"   sabi nito.

" Syempre naman po. Lolo ko kayo eh. "  sabi ko sa kanya.

Panigurado ang laki ng ngiti nito ngayon.

" By the way. Napag-usapan namin ng Papa muna..ilipat kayo sa mansyon ko. "

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon