Nandito rin pala si Kenji at ang dalawang kasama nito. Si Red hair at si blue hair. Napansin ko namang nakangisi sila habang nakatingin sila sa akin. Hindi ko alam na ganito pala sila maglaro. Yung patayan.
" Good day! Everyone. " bati ni Martha, habang hawak niya yung mic.
Tumahimik naman yung lahat na nandidito sa gym. At mukhang sabik na sabik talaga silang makinig sa sasabihin ng malanding to.
" This day, we will have a very beautiful show that you have never seen in your entire life. " sabi pa nito at nakangising tumingin pa sa akin. " And now! Let the show BEGIN! " sigaw pa nito.
Matapos niyang sabihin yun, nagsisigawan naman yung mga manunuod. Parang mabibingi kana nga sa lakas ng sigawan nila eh.
" Kill her! Kill her! Kill her! "
Seriously?! Yan talaga ang gusto nilang mangyari sa akin? Pwede namang pahirapan lang ha. Pero ang patayin? Abat! Ibang usapan na yan. Baka kapag nangyari yun, maubos ang lahi nila. Ito namang mga manunuod nato. Gusto talaga nila akong mawala sa landas nila? Ganyan ba talaga sila kagalit sa mga NERD! Wala namang ginagawang masama sa kanila yung tao ha.
Idadag mo pa yung may-ari ng school na ito na sina Andrew Blyde Lorenzo. Hinayaan man lang na may ganitong mangyari sa school nila. Nga naman, malaki pala ang shares ng pamilya ng Kenji na yun dito. Kaya makakalaya siyang gawin ang gusto niya gawin dito sa school na ito.
" Prepare yourself. " seryusong sabi sa akin ni Martha.
" Don't worry. I'm always prepare. " nakangising sabi ko sa kanya.
Dahil don. Hindi naman maipinta ang mukha niya. Sobrang sama naman ang tingin nito sa akin. Ang laki talaga ng galit nito sa akin oh. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ko sa kanya para ikagalit niya sa akin.
Napansinghap ako ng may tumamang isang malamig na bagay sa katawan ko. Nang tiningnan ko yun. Isang tubong bakal na siyang pinalo ng kaibigan ni Martha sa akin.
" Masakit ba? " nakangisi nitong sabi sa akin.
" Mukha ba akong nasaktan? Wala nga akong naramdamang kahit kunting sakit sa katawan eh. " nakangising sabi ko sa kanya, para mas lalo pa silang mang-asar.
" Langya ka talaga! " inis na sigaw ni Martha.
Lumapit siya sa akin saka sinuntok ako sa may sikmura ko. Paulit-ulit niya akong sinuntok don, maging sa mukha ay sinuntok niya rin ako. Hanggang sa mapaubo ako ng dugo.
" Bitch! " sabi ko dahilan para masuntok niya ulit ako.
Naputok yata yung labi ko dahil sa pagsuntok niya sa akin. Kahit anong gawin nila. Wala man lang akong maramdamang kahit anong sakit sa katawan.
Take note! Pinagtutulongan pa nila akong tatlo habang nakaupo ako sa may upuan. Suntok dito, sipa doon, sabunot ng buhok. At kung ano-ano pa. Pinagpapalo rin nila akong ng tobong hawak nila.
Napatingin ako kina Kenji na ngayon nakatingin sa amin. Ngumisi ako sa kanila, dahilan ng ikinagulat at ikinanoot ng noo nila. Ito lang ba ang kaya nilang gawin sa akin? Parang kinakagat lang ako ng lamok sa mga pinagagawa nila. Wala man lang ka effort-effort?
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...