Bwesit na Andrew yun! Anong karapatang niyang halikan ako? Bakit! May relasyon ba kami para gawin niya yun sa akin? May namamagitan ba sa amin? Wala naman diba. Maliban nalang kung ligawan niya ako, hindi naman ako magdadalawang isip na sagutin siya eh. Hehehe, malandi ba?
Kay Andrew lang naman.
Dumiretso ako sa may banyo dahil alam niyo na, call of nature. Nanghilamos lang ako ng mukha pagdating ko sa may banyo. Dahil felling ko ang lagkit-lagkit ko. Pag-angat ko ng mukha, nagulat ako ng may tao sa likuran ko. Hindi lang bastang tao, kundi lalakeng nakaall black.
" S-sino ka? " kinakabahan kung sa tanong sa kanya.
Sa halip na sagutin niya ako. Napaiwas nalang ako ng bigla niya akong sugurin ng suntok niya. Tumakbo ako sa kabilang cubicle para makaiwas sa kanya, pero agad niya din naman akong hinabol. Nagulat nalang ako ng may isa pang lalakeng lumabas sa likuran niya at inilock yung pinto ng banyo.
May plano talaga silang ikulong at dito saktan sa loob ng banyo? Bakit, natatakot ba silang makawala ako sa kanila? O, baka ganun nalang talaga kaexcited yung taong nag-utos sa kanila, para makuha ako at expiremintuhan.
" Talagang walang kadada yung boss niyo no? Ganun na ba siya kaexcited na mapatay ko siya. " nakangisi kung sabi sa kanila.
Hindi ba sila tinuruan ng mga magulang nila ng good manners para hindi sagutin yung tanong ko? Bigla-bigla ba naman kasing sumugod sa akin.
Sabay silang dalawa na sumugod sa akin. Kaya agad akong tumalon sa may banyo at agad na sinipa ng malakas yung isa niyang kasama. Kaya ayun, tumilapon sa isang cubicle na nasa likuran niya.
Ang sama naman ng tingin sa akin nong isang lalake kaya nagpeace sign ako sa kanya na mas lalo niyang kinaasar. Bago pa man siya ulit sumugod sa akin. Sinuntok ko na siya sa mukha at doon ako nakakuha ng tyempo para makatakas sa kanila. Agad kung binuksan yung pinto saka lumabas. Pero napahinto ako ng makitang maraming nakapila sa labas ng banyo. At isa na don si Bianca na gulat na gulat nakatingin sa akin.
Bumalik ang tingin ko sa loob ng banyo at saka ako tumakbo papalayo doon ng makita kung nakatayo na yung dalawa.
* Bianca POV *
Kanina pa ako naiinis dahil kanina pa ako nakapila dito sa loob ng banyo. At kanina pa ako naiihi. Sino ba kasi ang nasa loob ng banyo at talagang inilock pa ang pinto. Pwede namang hindi ha. Malaman ko lang talaga kung sino ang walanghiyang tao sa loob ng banyo? Makakatikim talaga siya sa akin.
Lahat kami nakatingin ng bumukas ang pinto ng banyo. Hindi lang yata ako ang nagulat ng makita kung sino ang nasa harapan namin. Kundi kaming lahat! Walang iba kundi si Nika. Nagtaka naman ako ng bigla siyang tumakbo. At doon ko lang nakumpirma ng may sumunod sa kanyang dalawang lalake.
Ano na naman ba ang nangyayari? Bakit meron na namang humahabol kay Nika. Kakatapos nga lang yung nangyari sa gym. May sumunod na naman?
Nagmamadali naman akong tumakbo pabalik sa may cafeteria para sabihin sa kanila ang nangyari. Pero habang tumatakbo ako sa may hallway. Napatigil ako ng mapansin ko si Kenji na naglalakad sa hallway. Pansin ko pa yung bandage niya sa kamay at sa paa. Sa pagkakaalam ko..siya palang yung unang nakalabas ng hospital. Pero yung mga kasama niya, nakaconfine parin. Grabe naman kase yung ginawa sa kanila ni Nika eh. Hindi ko nga akalain na magagawa yun ni Nika.
Kung sabagay may kasabihan na Don't judge the book by its cover.
" What? "
Napasinghap ako at tumakbo ng mabilis, dahil natakot ako sa boses niya. Mahirap na baka may masama siyang gagawin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/97584280-288-k659683.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
AksiSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...