Chapter 38

12.6K 255 1
                                        

Ito ako ngayon naglalakada mag-isa sa mall. Pagkaalis ko kasi sa school naisipan kung mamasyal muna ng MAG-ISA! Matagal-tagal din kasi akong hindi pumupunta ng mall ng ako lang. Kaya kailangan, pabigyan ko naman ang sarili ko.

Pagdating ko sa mall, ang una kung pinuntahan ay yung mga boutique. Kung ano ang nakita ko at nagagandahan ako, binibili ko kaagad. Katulad nalang ng shoes, bag, dress, accessories at iba pa. Pagkatapos kung bumili, nanuod naman ako ng cine, na kulang nalang sasabog ang tenga ko sa kakasigaw ng mga babae. Ang O.A nila. Hindi naman yun nakakatakot yung pinannuod namin. Sadyang, nagpapansin lang talaga sila sa mga lalakeng katabi nila.

Hindi ko na pinatapos yung pelikula. Lumabas nalang ako at pumunta sa may arcade at doon hahanap ng magpalibangan. Nag-ikot-ikot ako sa may loob ng arcade..may napansin akong nagkukumpulang mga tao. Kaya lumapit ako para makita ko kung ano ang nangyayari. Nakipagsiksikan pa talaga ako sa mga tao, para makita ko yung tinitingnan nila. Nang makarating ako sa unahan, doon ko lang nakita kung ano ang nangyayari.

May naglalabang dalawang lalake. Paramihan ng pagshot ng bola sa may ring. Basketball kasi yung nilalaro nila. At pansin ko rin, kahit isa sa kanila hindi magpapatalo. Pantay lang yung score nila, kahit yung mga manunuod ay nagpupustahan. Napatingin ako sa dalawang lalakeng naglalaro. Napataas yung kilay ko ng familiar yung mukha nila sa akin pareho.

Mukhang alam ko na kung bakit ayaw magpatalo ang isa sa kanila ha. Pumunta ako sa gitna nila saka nagsalita. Narereklamo pa nga yung mga tao ng lumapit ako eh. Baka makaistorbo lang daw ako sa kanila? Pero hindi ako nakinig, wala akong pakialam kung magalit man sila sa akin noh.

" Kung sino ang manalo may premyo sa akin. " sabi ko.

Pareho naman silang napatingin sa akin. Talagang nanlaki pa yung mata nila ng makita ako?

" B-B.A "  sabay nilang sabi.

Mahina lang yung pagkakasabi nila na kami ang lang  yung makakarinig.

" Paano kayo mananalo yan...kung madali lang kayo madidistract?. " sabi ko habang nakatingin sa oras nilang pareho.

Sabay naman silang napamura ng makitang ubos na ang oras nila. At ang masaklap pa pareho pa ang score nila. Kaya walang may nanalo sa kanilang dalawa. Todo sisi naman sa akin yung mga manunuod. Hindi ko naman kasalanan kung bakit madaling mawala sa concentration ang dalawang mokong na toh.

" Nag-eensayo ba talaga kayo? " hindi ko siguradong tanong sa kanila.

" Oo naman! Leader. "

" Call me Nika. If we are in public place..Ivan.seryusong sabi ko sa kanya.

Nagpeace sign lang siya sa akin sabay ngiti niya.

" Ikaw naman kasi Nika. Bigla-biglang sumusulpot. Kaya nagulat lang talaga kami kanina. "   pagsisisi sa akin ni Neon.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kasalanan ko pa talaga kung bakit pareho silang natalo kanina? Eh, kung nagconcentrate kaya sila. At hindi nagpadala sa boses ko. Edi sana may nanalo sa kanila.

Kung tinatanong niyo kung sino silang dalawa? Sila yung sinasabi kung kagrupo ko sa Street Kings. Sila yung mga kasama ko pagdating sa labanan. Actually, apat kami. Ewan ko kung nasan na ang isang yun. Nagtaka nga ako kung bakit hindi nila kasama.

" Bakit ka nga pala napadpad dito B.A? "  tanong sa akin ni Ivan.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon