* Someone POV *
Umalis na ako doon sa madilim na eskinita, matapos kung tulongan ang babaeng yun na makatas sa humahabol sa kanya. Tsk! Hindi niya ba alam na kinakatakutan ang grupo na yun dito. Kaya nga walang may magtangkang umawat sa kanila kanina e. Pero siya nagawa siya pang suntukin yun. Hindi siguro nito alam ang balita tungkol sa mga grupo na yun, o sadyang nagtanga-tangahan lang talaga siya.
Agad din naman akong umalis doon bago ko pa masuntok ang babaemg yun. Siya na nga yung tinulongan, siya pa yung hindi marunong mag Thank you sa akin. E, kung ako kaya ang sasapak sa kanya?
Sumakay na ako sa sasakyan ko at umalis doon sa maduming lugar na yun, bago pa ako makita ng mga taong humahabol sa babae na yun. Kilala ko sila at kilala din nila ako. Kaya mahirap na kung magkita kami ngayon. Wala ako sa mood makipagrambulan sa kanila ngayon.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Thunder.
" Napatawag ka, Leader? " tanong nito sa akin.
" Lets go back. "
Matapos kung sabihin yun, pinatay kuna yung tawag. Kahit hindi ko iexplain sa kanila, alam nila kung ano ang ibig kung sabihin. Kailangan naming bumalik, dahil ilang taon rin kaming nawala. Dahil alam kung babalik din sila. At kapag mangyari yun, asahan munang may masamang mangyayari. At yun ang kinakatakutan ko.
*****
* Jane POV *
First day of school ko ngayon. At pakiramdam ko, ayaw kung pumasok. Felling ko kasi, may masamang mangyayari sa akin ngayong araw na ito. Lagi naman ganyan e, sa tuwing pumapasok ako. Merong nanakit sa akin. Kaya lang itong si Kuya, mapilit talaga. Pinapagalitan ako kapag hindi ako pumapasok. Kaya wala akong magawa kundi sumunod sa kanya at pumasok nalang sa bago kung school. Kahit na alam kung pagtitinginan ako ng maraming tao at pagchichismisan ng kung ano-ano. Nakakainis kasi si kuya e, wala yatang pakialam sa akin. Kahit na masaktan ako. Kung sabagay, siya rin naman inaasar ako. Loko yun eh.
Matapos akong ihatid ni Kuya sa school na papasukan ko ay umalis na siya. Akala ko nga pareho kami ng school na papasukan, dahil kahit papaano masaya ako, dahil may kasama ako. Pero yun pala! Kanina niya lang sa akin sinabi na hindi pala siya lumipat ng school! Tapos ako pinalipat niya? Ang daya niya talaga kahit kailan. Binasa ko yung pangalan ng school na nasa harapan ko ngayon. At nakalagay doon sa taas ng malaking gate nito.
" Seniors' Lorenzo University. "
Pangalan palang ay pang mayaman na. Ano pa kaya yung mga estudyante na nag-aaral sa iskwelahan na ito, diba? Pagpasok ko sa loob ng school, hindi nga ako nagkakamali. Sobrang laki ng school na ito, kumpara sa dati kung school. Ang raming mga buildings at marami ring mga rooms. Ang ganda-ganda pa. Siguro, sobrang yaman talaga ng may ari nito.
Nagsimula na akong maglakad-lakad para hanapin ko yung room ko. Syempre, I expected na maraming taong mapapatingin sa akin at magbulong-bulongan na hindi ko maintindihan kung nagbubulongan ba talaga sila o sadyang gusto lang talaga nila marinig ko yung sasabihin nila.
" Yuck! Nerd. Bakit siya pinapasok dito? "
" Nakakadiri yung suot niya. Walang kataste-taste sa katawan. "
" Kaya pala naging mabaho ang atmosphere ngayon, dahil may nakapasok na basurera. "

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...