Hindi ko na hinintay pa na sila yung unang sumugod sa akin. Ako na yung kusang lumapit sa kanila para matapos na ito. Napaiwas ako ng bigla akong suntukin nong kaharap ko. Saka ko naman hinila yung kamay niya kasabay non ang pagtuhod ko sa sikmura niya. Agad akong naalerto ng may naramdaman akong may nakatutok sa akin. Pagtingin ko.. yung isang lalakeng may hawak na baril at nakatutok sa akin.
" You cant kill me. " nakangisi kung sabi sa kanya.
Kasabay ng pagkasa ng baril niya ay kasabay non ang pagharang ko sa katawan ng kasama niya sa harap ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko at mas lalo yata siya nagalit sa akin. Binitiwan ko yung kasama niya na wala ng buhay.
" Bitch! " galit nitong sabi.
Nandilim naman yung paningin ko sa sinabi niya. Dahilan para makita niya ang hindi niya dapat makita.
" Y-you are a M-monster. " nanginginig nitong sabi.
Ngumisi lang ako sa kanya.
Kinuha ko yung dagger na nakatago sa may boots ko. Kasabay non ang pagsugod ko sa kanya. Pinaputok niya naman yung baril sa deriksyon ko. Pero mabilis ko yung iniwasan.
" Goodbye! " sabi ko sa kanya ng nasa harapan niya na ako, kasabay nong ang pagkitil ng buhay niya.
Nagkamali siya ng kinalaban.
Nang matapos ako sa dalawa saka naman ako tumakbo ulit para habulin ang hayop na yun. Akala ko ba siya yung humahabol sa akin? E.. bakit ngayon ako pa yung humahabol sa kanya? Takot ba siya sa akin?
" Shit! "
Napatigil ako ng marinig ko yung biglang pagmura ni Kuya.
" Okay lang kayo? " nag-alalang
" Lumabas na agad kayo dyan, Jane. Nandito si Gregori at kailangan namin ang tulong mo. " sabi ni Kuya.
Mukhang sa tunog ng boses ni Kuya, mukhang malala nga ang sitwasyon sa labas. Lagot ka talaga sa akin Gregori kung may mangyaring masama isa man sa kanila.
Tumakbo ako palabas ng bahay na yun, para makita ko kung ano ang nangyayari sa labas.
Sa pagmamadali kung makalabas.. hindi ko man lang naramdaman na bala na pala ng baril ang nakatutok sa akin. Kaya natamaan ako sa may balikat.
" Nika! " rinig kung sigaw nilang lahat. Lalong-lalo na kay Andrew.
Hinawaka ko yung balikat ko na nadaplisan ng bala. Oo! Daplis lang, mukhang hindi naman kasi marunong umasenta ang gagong yun. Akala mo kung sinong magaling humawak ng baril eh sablay naman.
" Im fine. " sabi ko sa kanila.
Napatingin naman ako kay Andrew na nag-alalang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya dahilan ng ikinasama ng tingin niya sa akin. Kilala niya ako, hindi ako basta-basta mapapatumba lang.
Umayos ako ng tayo saka tumingin sa kanila.
" Yun lang ba ang kaya niyong gawin? " nakangisi kung sabi sa kanila.
Mas lalo namang naging masama ang tingin sa akin ni Gregori. At kinasa na naman ulit yung baril niya. Ano ba naman.. dapat si Hell ang nakikipaglaban dito.
Magaling yung humawak ng baril.
Pinaikot ko sa kamay ko yung hawak ko na dagger, saka mabilisang itinapon papunta sa deriksyon niya. Nabitawan niya yung baril niya na nahati na sa dalawa. Yung dulo kasi ng baril ang tinamaan ko kaya malamang nasaktan yung kamay niya.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
AçãoSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...