Chapter 43

10.3K 228 1
                                        

Nandito ako sa taas ng Arena nanunuod sa mga taong naglalaban. Actually kilala ko kung sino ang naglalaban ngayon. Ang grupo nila Kenji laban sa isang tao lang. Walang iba kundi si HELL ang pangalawang taong kinakatakutan. Ang taong pasulpot-sulpot kung saan. At hindi mo alam kung kailan at anong oras siya darating. Magugulat kanalang na nandyan na siya sa tabi mo. At magugulat kanalang na sa isang iglap ay patay kana.

Natapos ang labanan na ang nanalo ay si HELL.

Expected ko na yun dahil kahit ako.. hindi kayang talunin ang babaeng yan. Mapapagud kana lang sa kakahabol sa kanya.

Bumaba na ako sa taas ng arena at sinundan ang sasakyan nila Kenji. Kailangan kunang simulan ang binabalak ko, bago pa ako maunahan ng kalaban.

Binilisan ko ang takbo ko para maunahan sina Kenji. Nang naunahan kuna sila, agad kung hinarang ang motorbike ko sa harapan nila, dahilan para mabilisan silang magpreno lahat. Galit namang bumaba si Kenji sa sasakyan niya.

" Hey! What's your problem! " galit nitong sabi.

Hindi niya ako makilala dahil nakabihis akong black shadow ngayon. Kaya hindi niya ako mamumukhaan.

" Me? Nothing... But you! "  sabay duro ko sa kanya. " You have a problem, Mr. Kenji Gregori. "  sabi ko.

Nakita ko kung paano siya nagtaka sa sinabi ko.

" What? Pano mo nalaman ang pangalan ko. At sino kaba? "  galit nitong sabi.

Bumaba ako sa motorbike ko saka unti-unting lumapit sa kanya habang may bitbit na espada sa likuran ko.

" Ang saklap naman. Ako.. maraming alam sayo. Pero ikaw? Kahit ni isa walang kang alam sa akin? Ang sakit ha! "  sabi ko habang humahawak pa sa dibdib ko.

" Wala akong panahong makipagbiruan sayo. Kaya pwede ba! Umalis ka sa dinadaanan ko.. dahil may importante pa akong taong puntahan. "  galit na galit na nitong sabi.

Pero kahit anong gawin niya, hindi niya parin ako mapapaalis sa harapan niya.

" Ows! Talaga? Eh, sino namang pupuntahan mo? May kinalaman ba yan sa pagkawala ng kapatid at nanay mo? " sarcastic na sabi ko sa kanya, dahilan para dumilim ang paningin niya.

" Pano mo nalaman na nawawala ang kapatid at nanay ko? "  nanggigil nitong sabi.

" Simple lang! Dahil ako yung kumuha sa kanila. "  baliwala kung sabi.

Pansin ko kung paano lumalabas ang mga ugat niya sa katawan dahil sa galit niya.

" Sabihin mo sa akin. Ikaw.ba.si.Black.Shadow? "  nanggigil nitong sabi.

" The one and only... Mr. "  sabay yuko ko.

Mabilis naman akong napaiwas ng may paparating sa aking maliit na bagay. Hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ng nasa harapan kuna siya. Agad kung sinangga ang kamao niya na tatama sana sa mukha ko.

Nang nahawakan ko ang kamao niya, pinaikot ko siya sabay sakal sa kanya gamit ang sarili niyang kamay. Kaya ang posisyon namin ngayon. Nasa likuran niya ako habang hawak ko ang kamay niya na sumasakal sa sarili niyang leeg.

" Huwag kang magpadalos-dalos, Mr. Dahil baka sa huli pagsisihan mong kinalaban ako? " malamig kung sabi sa kanya.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon