Chapter 42

10.4K 234 3
                                        

Napatingin ako kay Andrew na ngayon ay namumutla na ang mukha habang nakatingin sa mga taong nakahandusay sa harapan niya. Parang masusuka ito at hihimatayin sa kanyang kinatatayuan. 

Hindi ko siya masisi kung bakit ganyan ang reaksyon niya ngayon. Pero sa totoo lang natatakot ako sa magiging reaksyon niya sa akin.

Dahan-dahan siyang napatingin sa akin. At nagkasalubong ang mga tingin namin.

Nakikita ko sa mga mata niya na gulat na gulat at nabigla siya sa nakikita niya ngayon. Pero hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, dahil hindi ko mabasa ang mga mata niya. Ang tanging nakikita ko lang ay ang pagkagulat niya.

Inayos ko yung salamin ko at ako na ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.

Hindi kuna kailangan pang patagalin toh.

" Sabihin mo ngayon sa akin, Andrew... Kaya mo pa bang mahalin ang isang tulad ko? " seryusong tanong ko sa kanya.

Hinintay kung magsalita siya. Pero umabot na ng limang minuto hindi niya pa nasagot ang tanong ko.

Umalis na ako sa lugar na yun at iniwan siyang mag-isa na tulala pa rin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Pero mas mabuti sigurong lumayo-layo muna ako sa kanya. Dahil baka hindi ko kayang tiisin ang nararamdaman ko ngayon.

[ Napatawag ka? ] tanong ni Ivan.

Tumawag ako sa kanya dahil may ipapagawa ako sa kanya.

" Clean my mest. "  sabi ko sa kanya at pinatay yung tawag.

Itenext ko sa kanya kung saang lugar. At hindi kuna kailangan pang sabihin sa kanya kung ano yun. Dahil alam niya naman kung ano ang ibig kung sabihin.

* Andrew POV *

Naalipungatan ako ng may umilaw sa may bandang kanan ko. Tinakpan ko yung kabilang mata ko dahil nasisilaw ako sa ilaw ng sasakyan. Nang pinatay na yung ilaw, nakita ko ang isang hinding pamilyar na lalake na bumaba sa sasakyan. Lumakad siya papunta papalapit sa akin, kasunod pa ang isang lalakeng hindi rin pamilyar sa akin.

" Who are you? "  tanong ko sa kanila.

Huminto sila sa harapan ko sabay ngisi.

" Kilala mo naman si Ms. Nika diba? Pinadala niya kami dito para linisin ang kalat niya. "   sabi nito.

Napatingin naman ako sa kanila ng isa-isa nilang binuhat ang mga bangkay. At isinakay sa truck na dala nila. Parang hindi man lang sila nandidiri habang binubuhat ang mga ito. Parang sanay na sanay sila.

" Hindi ka pa ba aalis? "  napatingin ako sa taong tumanong sa akin non.

" Ha? "

" Tsk! Kung ayaw mong mahuli ng mga pulis. Ngayon palang umalis kana. "  sabi pa ng isa.

" But- "

Napatingin ako kung saan nakatayo kanina si Nika. Pero napamura ako ng makitang wala na siya don. At mas lalo akong napamura ng maalala ko yung sinabi niya kanina.

Nagmamadali naman akong sumakay sa kotse at minaneho ito ng mabilis. Sa sobrang pagkagulat ko kanina, hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya?

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon