* Andrew POV *
" Kuya! Ano ka ba! Hindi mo man lang ba kakausapin si Nika? Ilang araw mo na siyang hindi pinapansin ha. At ilang araw ka na ring hindi pumapasok sa school! " sigaw ng kapatid ko pagkapasok niya sa kwarto ko.
Nakakainis na nga.. nakakasakit na sa tenga ang boses niya.
" Kuya.. ano ba!? " sigaw pa nito.
Napabangon ako sa higaan ko at galit siyang tiningnan. Nakakainis! Ang aga-aga nambubulabog.
" Ano ba ang problema mo? Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka. " inis kung sigaw sa kanya.
Ang ganda-ganda ng tulog ko.. tapos iistorbuhin lang ako ng maingay kung kapatid?
" Ikaw Kuya! Ano ba ang problema mo? Bakit hindi ka pumapasok sa school? At magpakita kay Nika? Alam mo bang hinahanap ka nong tao. " inis din nitong sabi sa akin.
Nang marinig ko yung pangalang ni Nerdy, naalala ko naman yung araw na nakita ko siya kung paano pumatay ng tao.
Habang nakatingin ako sa kanya nong mga time na pinapatay niya yung mga kalaban niya. Yung mukha niya, sobrang seryuso talaga, at wala kang makikitang awa o takot sa mga mukha niya habang ginagawa niya ang bagay na yun. Parang hindi siya si Nerdy nong mga panahon na yun.
Pero sa totoo lang, ilang araw na akong hindi nagpapakita sa kanya at pumapasok sa school. At miss na miss ko na siya. Pero parang hindi ko yata kayang harapin siya?
" Ano na kuya? Tutunganga kana lang ba dyan. Hindi kaba kikilos? " sabi pa nitong bwesit na kapatid ko.
" Can you please.. shut-up? Problema ko toh. " inis kung sabi sa kanya.
Masama naman ang tingin niya sa akin, na parang gusto niya akong patayin. Kahit ano mang oras.
" Nakakainis ka talaga kuya Andrew! Make sure mo lang na hindi ka magsisisi sa huli, kapag nalaman mong magsyota na si Nika at Kenji. " sabi nito at lumabas na ng kwarto ko.
Parang biglang huminto yung oras ko ng marinig ko yung sinabi niya. At pakiramdam ko, sumikip yung dibdib ko.
Si Kenji at si Nika? Magsyota?
Shit! Hindi ako papayag. Mawala lang lahat, huwag lang ang babaeng mahal ko. Hindi ako papayag na mapupunta lang siya sa gagong Kenji na yun na ganun nalang kadali. At anong iniisip ni Nerdy na porket wala ako sa tabi niya, ipapaubaya ko siya sa ibang lalake? No way! Magkakamatayan man.. sa akin parin siya.
* Nika POV *
Nakakapagod ang araw na toh. Kakatapos lang maglaro na vollyball, tapos susunod na naman basketball? Gusto ba kaming patayin ng prof namin? Nakakapagod kaya ang pinapagawa niya sa amin. Lalo nat tinatamad pa ako ngayong gumalaw. Pwede bang sa susunod na araw nalang naming gawin yung pagbabasketball? P.E kasi namin ngayon, kaya malamang mapapagod kami.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...