* Nika POV *
" Ano ba ang ginagawa mo? Bakit bigla-bigla kana lang nanghihila! At saan mo ako dadalhin? " inis kung tanong sa kanya.
Kanina pa ako sumisigaw dito sa loob ng sasakyan niya, pero hindi niya ako pinapansin. Pangiti-ngiti lang siya habang patuloy na nagmamaneho. Kahit na mapaus yata ako dito hindi niya ako papansinin eh. At isa pa, nahihiwagaan din ako sa lalakeng to. Hindi ko alam kung ano ang nakain nito at kanina pa pangiti-ngiti. Kahit na nakadagdag sa kagwapuhan niya yung pagngiti-ngiti niya. Makalaglag panty!
Naglalandi ka naman Annika Jane.
Pero sa totoo lang. Natulala talaga kanina sa bigla niyang pagngiti sa akin. Hindi ko na nga namalayan kanina na napasok niya na pala ako sa loob ng sasakyan niya. Nakatulala talaga kasi yung ngiti niya eh. Siguro kung ibang babae makakita non, baka dumugin pa siya.
" Huwag ka ngang ngumiti dyan! " naiinis kung sabi.
Napatingin naman siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Feeling ko umiinit ang mukha ko ngayon.
" Bakit? May problema ba? " nakalokong tanong nito sa akin.
Oo! Yung puso ko, ang lakas ng tibok.
" Y-yes. " sabi ko na hindi pa rin nakatingin sa kanya.
Pakiramdam ko kasi kapag tumingin ako sa kanya. Baka bibigay kaagad ako.
" Then, till me the reason. Bakit ayaw mo akong ngumiti? " nakangiti parin nitong sabi sa akin.
Shit! Ano namang sasabihin ko sa kanya. Na sa tuwing ngumingiti siya nakadagdag sa kagwapuhan niya? Kapag ngumingiti siya, lumalakas ang tibok ng puso ko? Kapag ngumingiti siya kunikilig ako? At kapag ngumingiti siya, baka mas lalong mainlove ako sa kanya? Ganun? No way! Baka pagtawanan lang ako niyan no. Alam ko namang may masamang binabalak yan sa akin dahil sa pinagagawa ko sa kanya.
" Saan ba tayo pupunta? " sabi ko.
" Change the topic ha. " sabi nito at binalik na ang tingin sa daan.
Napansin niya pala yun. Kayo napansin niyo rin? Dahil ako napansin rin. Hehehe! Pero pansin ko rin na hindi niya na naman sinagot ang tanong ko.
" Bakit kasi isinama mo pa ako sa pag-alis mo? Hindi tuloy ako makalaro, kasama sila. Gusto ko pa naman sanang mapawisan ngayon. " sabi ko nalang.
Nakakainis naman kasi, balak ko sanang mapawisan ngayon, pero hindi yata matutuloy. Ito naman kasing kasama ko. Dinadamay pa ako sa kalukuhan niya.
" Gusto mong mapawisan ka? " tanong nito sa akin.
Kaya nakangiting tumango naman ako sa kanya.
" Okay! Pupunta tayo sa hotel. Panigurading mapapawisan ka doon ng sobra-sobra. " nakangisi nitong sabi.
Lahat na yata ng dugo ko sa katawan, napunta na yata sa mukha ko. Ano ba kasi ang pinagsasabi ng lalakeng to? Nagbibiro ba siya? Ito na ba yung paraan niya para makaganti siya sa akin? Alam ko namang gaganti at gaganti siya sa akin sa lahat ng mga kalukohan ko sa kanya. Pero hindi ko naman alam na ito pala ang paraan niya ng paganti sa akin. Kung alam ko lang na mas maaga, edi sana hindi na ako natuloy sa pagpunta doon sa park.
Shit! Ano na ang gagawin ko ngayon? Paniguradong wala na akong takas nito. Naramdaman ko na rin yung malakas na pagtibok ng puso ko. Parang lalabas na ito kahit ano mang oras.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
حركة (أكشن)Sa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...