" Stay here. " sabi niya ng ibinaba niya ako sa may sofa nila.
Dito niya kasi ako dinala sa may tambayan nila. At hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito.
Napatingin nalang ako sa kanya ng nagmamadali siyang pumasok sa isa sa mga pinto dito. Kahit nahihilo ako. Naiisip ko parin kung bakit ganyan ang kilos ngayon ni Andrew. Parang hindi siya mapakali ngayon. Parang natataranta siya?
" A-ano ba ang gagawin natin dito. At ano ang nangyayari sayo? " naguguluhan kung tanong sa kanya ng makalabas siya.
Hindi niya na naman ako pinansin. Sa halip tumabi siya ng upo sa akin at iniharap niya yung mukha ko sa mukha niya. Kaya nagulat ako sa ginawa niya.
Ito na naman ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi kaya may sakit ako?
Napansin ko naman yung dala niya. First aid kit? Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi kaya nag-alala sa akin ang isang toh?
" Nahihilo ka pa rin ba? " tanong nito sa akin.
Tumango naman ako sa kanya. At hindi nakawala sa pandinig ko ang pagmura nito.
" Bakit? May problema ba? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
Bigla akong namula ng tumingin siya sa akin. At tiningnan ako sa mga mata.
" Yung kutsilyung tinapon sayo kanina ay may poison yun. At ikamamatay mo yun. " seryuso nitong sabi.
Hindi ko maintindihan ang lalakeng to? Bakit ganito siya mag-alala ngayon? At isa pa, bakit pakiramdam ko parang nag-alala siya sa akin at ayaw niya akong mawala.
" Kaya naman pala namatay kaagad si Ai. " sabi ko.
Kaya din pala ganun ang mga reaksyon nila kanina lahat. Dahil nalason ako. Delikado talaga ang isang yun.
" Gagamutin mo ba ang sugat ko. " pag-iiba ko ng usapan.
Ramdam ko kasing nag-iba yung atmosphere eh.
Tumingin naman siya sa akin saka ngumiti. Shit! Ngumiti siya? At mas lalo siyang gumagwapo.
Naku Andrew! Huwag kang ganyan. Baka mahulog ang loob ko sayo.
Habang ginagamot niya ang sugat ko. Titig naman ako sa gwapo niyang mukha. Nakakaatract nga kasi.
* Chad POV *
Sa wakas, nakaPOV rin ang si gwapong ako. Oo gwapo ako! Gwapo naman ang mga kaibigan ko, pero mas gwapo ako sa kanila. Hahahaha!
" Araay! "
Mutang*na talaga si Ren o. Malaking epal sa buhay ko.
" Bakit kaba nambabatok ha! " inis kung sabi sa kanya.
Nagdedaydream pa ako eh.
" Ano na naman ang sinasabi mong kalukuhan sa mga reader ha? " tanong nito.
Umirap lang ako sa kanya saka nauna ng lumakad sa kanila.
" Mutang*na mo, Chad. Para kang bakla?! " natatawang sabi ni Gray.
Bwesit pa ang isang to. Parang walang pakialam sa nangyari ha. At nagawa niya pang tumawa ngayon. Sa halip yung pinsan niya ay parang nag-aagaw buhay na. Mabubuhay pa kaya yung Nerdy na yun? Loko kasi eh. Ang lakas ng loob na pagsalitaan ng ganun ang leader ng fox. Kami nga nag-iingat na makabangga sila. Tapos siya? Kakaiba talaga ang pinsan ni Gray. Walang takot.
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...
