Chapter 28

12.5K 256 5
                                        

* Nika POV *

Kahit kailan talaga maasahan sila Storm. Sa kanila kasi ako pumunta para, makakuha ng inpormasyon tungkol sa shuriken na yun. At base sa nakuha ko. Isang tauhan ng mafia ang tumapon nito. At ako ang target nila ngayon.

May nakaukit kasi sa shuriken na parang isang uri ng ahas at hindi ko alam kung ano ang tawag don. Pero sa palagay ko delikado yun at delikado ding tao ang may hawak nito. Nakita ko rin yun sa small knife ni Kenji kaya nagpakuha rin ako ng inpormasyon tungkol sa kanya.

At base sa nakuha ko. Kenji Gregori pala ang buo niyang pangalan. Siya rin ang namumuno sa Fox. Mahilig din daw itong maglaro lalo nat nagustuhan niya ang isang tao na siyang pinaglalaruan nito.

Mukhang tama nga sina Gray ha. Delikado ang taong yun. Ako yata ang target niya. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit pareho silang nakaukit na isang uri ng ahas? Hindi kaya nasa iisang grupo lang sila? O di kaya may relasyon sila sa isat-isa?

Mas lalo ring gumugulo sa isipan ko ang ahas na yun. Parang nakita ko na yun dati? At hindi ko alam kung saan. Dapat kung isipin mabuti kung saan ko nakita ang tattoo na yun. Dahil sa palagay ko, may kinalaman yun sa akin.

* Tok! Tok! Tok! *

" Pasok. "  sigaw ko ng marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng kwarto.

" Lady An, pinapatawag po kayo ni Young Master sa baba. "  sabi ng katulong namin.

Napakunot noo naman ako. Ano naman kaya ang kailangan ni Kuya sa akin? Inayos ko nalang muna yung gamit ko saka lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko sa hagdan, napansin ko kaagad si Kuya na sobrang seryuso ang mukha. Nagtaka din ako dahil bakit nandito si Gray na mukhang seryuso rin? Napatingin naman sa akin si Kuya ng mapansin niya ako.

" Bakit? May problem ba? "  nagtatakang tanong ko saka umupo sa pang-isahang couch.

" Umamin ka nga sa amin Jane. May dapat ba kaming malaman? " seryusong sabi nito.

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Bakit? May dapat ba silang malaman sa akin?

" A-anong pinagsasabi mo dyan Kuya? "  nagtatakang tanong ko sa kanya.

" Talagang magsisinungaling ka pa sa amin ha. "  sarcastic nitong sabi.

Kaya medyo nainis naman ako sa tono ng pananalita niya. Sa wala naman talaga akong alam sa pinagsasabi niya. At ako pa talaga ang sinungaling ngayon?

" Sabihin mo kasi sa akin Kuya para maintindihan ko. "  naiinis ko na ring sabi sa kanya.

Pansin kung galit na yung mukha niya na hindi ko naman yun kasalanan. Wala naman talaga akong alam sa pinagsasabi niya. Dahil hindi nito sinasabi sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin.

" Nalaman ko kay Gray na kani-kanilang na may nangyari sayo sa school niyo. At hindi mo man lang sinasabi sa amin! "  galit nitong sabi.

Nanlalaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kuya saka napatingin kay Gray. Alam niya? Pano?

Tsk! Si Bianca, maaaring sinabi nito ang nangyari.

" Sinabi sayo ni Bianca? "  seryusong tanong ko kay Gray.

" No! Si Andrew ang nagsabi sa akin. Dahil may nakapagsabi sa kanya na may nangyari sayo kanina sa cafeteria. Kaya tinanong niya si Bianca at sinabi nito ang totoo. "   sabi nito.

Nakakainis talaga ang lalakeng yun. Pakialamero! Siguro tinakot niya si Bianca para sabihin sa kanya ang nangyari. At sino naman ang walang hiyang taong yun, at alam niya ang nangyari kanina?

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon