Lumabas na ako sa bahay nila Manong, bago pa may mangyaring masama sa bunsong anak nila.
" Annika/Nika! " sabay nilang sabi ng makita nila ako.
" You're awake. " sabi ni Andrew.
" Makikita mo ba ako dito kung tulog pa ako? " sarcastic kung sabi sa kanya.
Sinamaan niya naman ako ng tingin saka tumingin ulit sa katabi ko.
" Kilala mo ba sila? " tanong ng katabi ko sa akin.
" Pasensya kana sa mga tarantadong yan ha. Mga baliw kasi yan. " sabi ko sa kanya.
" Hoy! Ikaw! Pagbabayarin mo ang ginawa mo sa kanila. " galit na sabi ni Andrew sa kanya.
" A-ano!? Wala akong may ginawang masama sa kanila. " nagtatakang sabi nito sa kanila.
" Magmaang-maangan kapa. Eh, ikaw yung tumawag sa amin na pumunta sa lugar na ito. " galit na sabi ni Gray.
Nagtataka namang napatingin sa akin yung katabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya at humingi ulit ng paumanhin.
" Tumigil na nga kayo. Wala siyang kasalanan sa nangyari. " galit na sabi ko habang hinihilot ko ang sensitibo ko.
" What do you mean, Jane? " seryusong tanong sa akin ni Kuya.
Mukhang lagot na naman ako nito sa kanya.
" Ang totoo kasi nyan. Kanina pa talaga ako umaga nagising. Hindi lang ako dumilat dahil gusto ko pa talaga magpahinga. Kaya thank you kay, lolo dahil pinalabas niya kayo. " sabi ko.
Tiningnan ko naman sila isa-isa at masama ang tingin nila sa akin. Lalo na si Kuya at Andrew.
" Pero nong gumabi na at nagutom ako. Lumabas ako ng kwarto.. napansin ko kayo sa may salla. At mukhang hindi niyo naman naramdaman na bumaba ako. Kaya tuloy-tuloy akong pumasok sa kusina.. At doon ko nakita si Kate na kumakain.. at niyaya siyang lumabas ng bahay. " sabi ko sa kanila.
" Eh, sino yung g*g*ng tumawag sa phone ni Andrew kanina? " nanggigil na tanong ni Kuya sa akin.
" A-ako. " nakangiti kung sabi sa kanila.
Napapikit naman si Kuya sabay hilot sa sensitibo niya.. saka ako tumingin sa akin.
" Annika Jane! " galit nitong sigaw.
Tumakbo na ako bago pa ako mahuli ni Kuya. Babatukan na naman ako non kapag nahuli niya ako.
" Baliw ka talagang babae ka! Hindi mo ba alam na pinakaba mo kami sa ginawa mo? " galit nitong sabi habang hinahabol ako.
" Kayo kasi eh.. hinayaan niyong kumain ng mag-isa si Kate sa kusina. " pagsisi ko sa kanila.
" At umandar yang kalokuhan mo? "
Nagulat ako ng may biglang humawak sa bewang ko. Pagtingin ko, walang iba kundi ang lalakeng mahal ko.
" Oo. " sagot ko sa kanya.
" Kuya, ako na ang bahal sa kapatid mo. " sabi ni Andrew kay Kuya.
" Siguraduhin mong matuto yan. " inis na sabi ni Kuya at sinamaan ako ng tingin.
Medyo nakaramdam ako ng kaba dito ha. Bago ako dalhin sa kung saan ni Andrew, humingi muna siya ng sorry doon sa anak nila manong at pati na rin sa kanila.
Dahil malaking abala ang ginawa ko sa kanila. Sinabi ko kay Kuya na birthday ng bunso nila ngayon. At gusto kung pagandahin yun... bilang kapalit man lang sa kabutihang loob nila at pag-aabala ko sa kanilang pamilya.
Mabuti nalang ang bait nila Manong kaya naintindihan nila ang kalokuhan ko.
Sila na Kuya na ang bahala doon, dahil itong si Andrew. Hinila nalang ako paalis don at dinala sa kung saan.
Akala ko nga kung saan niya na ako dadalhin.
Dito lang pala sa condo niya? Pagkapasok namin sa loob ng condo niya. Nagulat ako na pabagsak niyang isinara ang pinto ng condo niya. Kaya gulat akong napatingin sa kanya.
" B-bakit? " nagtataka kung tanong sa kanya.
Kinabahan ako dahil yung mukha niya walang ekspresyon. As in hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Pero nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin niyakap ako ng mahigpit.
" Baliw ka talaga. Hindi mo ba alam kung ilang araw kitang hinintay para magising? Tapos kalukuhan pa ang unang pumasok sa isip mo ng magising ka. " sabi nito habang yakap ako.
" Nagsosorry na nga eh. " sabi ko sa kanya.
Humiwalay naman siya ng yakap sa akin at tiningnan ako sa mata.
" Hindi ko kailangan ang sorry mo. " seryuso nitong sabi.
" Ha? Bakit naman. " nagtataka kung tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Una-una nagulat ako sa ginawa niya. Pero agad din naman ako nakabawi dahil sa totoo lang din, namiss ko rin ang halik niya. Ang halik at yakap niya na ilang araw kung hindi naramdaman. Nakakamiss ang lalakeng toh. Siya na siguro yung taong unat'huli kung mamahalin. Kaya kung sino mang magtangkang paghiwalayin kaming dalawa. Mapapatay ko talaga sila.
Matapos ang eksena naming dalawa. Napagpasyahan naming manuod ng TV sa may kwarto niya. Kung inaakala niyong may nangyari sa aming dalawa?
Pwes! Wala! Hindi pa ako ready sa mga ganung bagay noh. At isa pa hindi pa ngayon. Hanggat hindi pa sumasaya yung isa kung kaibigan.
" Bakit dito mo ako dinala? " tanong ko sa kanya.
Nandito kami sa kama niya, habang nakasandal sa headboard at yakap-yakap niya ako. Habang yung ulo ko nakapatong sa dibdib niya.
" Gusto kitang masulo. " simple nitong sabi sa akin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya, at mas siniksik pa ang katawan ko sa kanya. Parang lalabas na ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Baliw na baliw na siguro ako sa lalakeng toh.
" Annika. "
" Hmm... "
" Pakasal na tayo. "
Agad akong umayos na upo at deritsong nakatingin sa kanya.
" Seryuso ka? " nagtataka kung tanong sa kanya.
" You think I'm joking? "
' Seryuso nga ang kumag. '
Napangiti naman ako sa sinabi niya, at hinalikan siya sa labi. Pero smack lang yun.
" I love you. " nakangiti kung sabi sa kanya.
Mas lumawak naman yung ngiti niya sa sinabi ko at hinalikan ako sa labi, pero saglit lang yun.
" Mas mahal kita, Annika Jane. " nakangiti nitong sabi.
Ang swerte ko dahil may tumanggap sa akin kung sino man ako. Kahit na pumapatay ako ng tao. Kahit na mukha akong halimaw, dahil sa mga mata ko kapag bumago ito ng kulay. Kahit na mukha akong Nerd. Kahit na loka-loka ako minsan. At kahit nakita niya na ako kung paano pumatay ng tao. Tinanggap niya parin ako.
Tanggap niya ako kung sino at ano ako sa buhay niya. Bukod sa pamilya ko at mga kaibigan ko. Siya lang yung kauna-unahang taong nagsabi sa akin na maganda yung mata. Siya lang yung kauna-unahang taong nagsabing mas lalo akong gumanda kapag nag-iba ng kulay yung mata ko. Siya yung kauna-unahang taong minahal ako dahil sa mga mata ko.
Kaya kung sino mang magtangkang manakit sa kanya at sa pamilya ko. Kung sino mang mangtangkang paghiwalayin kami ni Andrew. Dadaan muna sila sa akin, bago pa mangyari yun. Dahil walang kahit sino man ang pwedeng sumira sa pamilya ko at kay Andrew.
*The End *
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActionSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...