Chapter 23

12.4K 273 4
                                    

* Gray POV *

" Sigurado bang okay lang talaga siya, Gray. "   nag-alalang tanong pa rin ni Bianca.

Ang kulit talaga ng babaeng to. Kung sabagay, ngayon lang nagkaroon ng kaibigang babae.

" Huwag na kayong mag-alala kay Nika. Okay lang ang pakiramdam niya. Gusto niya lang talaga magpahinga. "  sabi ko.

" Pero paano yung lason sa katawan niya? Alam mo namang nakakama- "  hindi kuna pinatapos ang sasabihin ni Chad ng magsalita pa ako.

" Kilala ko si Annika. Hindi siya basta-bastang mamatay. Masamang damo to eh. "  sabi kuna lang sa kanila para matapos nah.

Ipinapasok kuna sa loob ng sasakyan si Nika at pinasuot na rin siya ng seatblet. Baka mahulog pa kasi.

" Pano ba yan, mauna na kami. Kita nalang tayo mamaya. "  sabi ko sa kanila.

Tsk! Mukhang hindi parin sila kumbinsido sa sinabi ko. Kita ko sa mga mukha nila na nag-alala parin sila.

" Magsiuwi na nga kayo! Para kayong mga tanga dyan. "  sabi ko at saka sumakay na sa driver seat.

Bahala sila dyan. Sinabi na ngang okay lang si Nika. Mukhang hindi parin sila kumbinsido. Kilala ko ang pinsan ko! Hindi ito mamatay ng ganun kadali. Walang epekto sa kanya kahit ano mang klaseng lason yan. Halimaw pa yan sa halimaw eh. Katulad ng dalawa niyang bestfriend.

Pagdating ko sa mansyon at ng maipasok ko na si Nika sa kwarto niya. Agad naman akong sinabon ng Kuya at Ama niya. Kesyo daw, bakit hindi ko na naman binantayan si Nika? Kesyo, bakit hindi ko daw ito pinigilan sa galit nito. Sila kaya ang magbantay sa babaeng yun? Kung alam lang nila na ang hirap din bantayan ang isang yun. Hindi pa ba sila nasanay kay Nika? Habulin kaya yun ng gulo. At isa pa, TAKOT din ako sa babaeng yung no. Siguradong malalagot ako sa kanya kapag pinapakialaman ko siya sa mga kalukohan niya.

Matapos akong kinausap nila Tito. Dumiretso na ako sa Bar. Nag-usap kasi kami na magkikita kami ngayon.

" Sa wakas dumating ka din. "  sabi ni Ren ng makita ako.

" Pasensya na. Pinagalitan pa kasi ako nina Tito. "  sabi kuna nalang saka umupo sa tabi ni Chad na may kasamang babae.

Napailing-iling nalang ako sa mga kalukuhan ng mga kaibigan ko. At uminom nalang ng alak. Kaylan pa kaya sila magseryuso sa buhay? Mabuti nalang hindi ako katulad nila. Syempre may mahal na akong iba.

" Kamusta si Nerdy? "

Gulat akong napatingin kay Andrew ng tanungin niya yun. Hindi kasi kapa-kapaniwala na magtatanong siya ng ganyan bagay. At sa pinsan ko pa! Pambihira lang kasi itong mag-alala sa ibang tao. Maliban nalang kung-

" Gusto mo ba ang pinsan ko? "  nagulat naman siya sa tinanong ko saka umiwas ng tingin.

Huli ka bro! Tinamaan ka din pala ni kupido? At sa pinsan ko pa. Iba talaga ang karisma ng babaeng yun.

" Alam mo Andrew. Wala namang problema na magustuhan mo ang pinsan ko. Kaya paalala lang. Huwag mo lang siyang saktan dahil ako ang makakalaban mo. "  seryusong sabi ko sa kanya.

Napakunot naman yung noo niya. Mamaya ngumisi siya at tumingin sa akin. Potek? Mali yata ang sinabi ko sa kanya. Pareho talaga sila ng babaeng yun.

" Yeah! I know. Pero paalala lang din, Bro. Huwag mo ding sasaktan ang kapatid ko. Kundi magkakamatayan na. " nakangisi nitong sabi.

Ako naman nanlalaki ang matang tumingin sa kayan.

A-alam niya? Pano? Shit! Wala talagang maitatagong sekreto sa lalakeng to. Pati tungkol sa amin ng kapatid niya alam niya.

* Nika POV *

Alam niyo ba yung salitang bored. Ako yun! Ako!

Kasi naman, gusto ko na talagang lumabas ng bahay at mamasyal man lang. Haler! 3 days na kaya akong nakakulong sa bahay. At idagdag mo pang pinagalitan na naman ako. Kagagaling ko lang nga daw sa sakit. Tapos ito na namang lason ang dumagdag. Kaya parang grounded ako.

Wala naman akong pakialam sa lason na yun. Dahil hindi naman yun tatalab sa katawan ko. Daig ko pa yata ang halimaw na hindi tinatablan ng lason.

Kainis kasi sila papa. Ayaw talaga akong paalisin ng bahay. Kesyo daw kasi, baka hindi pa narecover ang katawan ko sa lason na yun? Kahit na alam na nilang lahat na walang epekto sa akin. Kaya hanggang ngayon buhay pa ako.

" Kuya, sige na kasi. Payagan niyo na akong lumabas? "  pagmamakaawa ko sa kanya.

" Hindi nga pwede Jane. Delikado sa labas. At baka mamaya kung ano na namang mangyari sayong masama. "

What the- Pano namang naging delikado ang buhay ko? Wala naman yatang taong gustong patayin ako diba?

" Princess, makinig kanalang sa Kuya mo. " sabi ni Papa habang pababa ng hagdan.

" Pero Papa! Bored na bored na po talaga ako dito sa bahay. Gusto ko na talagang lumabas at mamasyal kasama ang mga kaibigan ko. "  medyo naiinis kuna ring sabi sa kanila.

Alam ko namang nag-alala lang talaga sila sa kalagayan ko. Kasi naman, gusto kuna talagang gumala eh. Ilang araw din akong bahay at school lang ang naging tambayan ko. Kaya pwede naman sigurong mamasyal ako diba?

Napansin kung napabuntong hininga nalang si Papa. At doon ako napangiti. Malamang suko na yan sa kakulitan ko.

" Okay! Fine! Make sure na kasama mo ang mga kaibigan mo? "

Ngiting-ngiti naman akong tumango sa kanila. Lagi talaga akong panalo sa kanila e.

" Hindi ka talaga titigil hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo no?. "  sabi ni Kuya.

" Mahal niyo ako eh. "  nakangiting sabi ko sa kanya.

Alam ko namang dalawa ang ibig sabihin ni Kuya. Pero hindi pa ito ang oras para kumilos. Hindi pa ngayon.

Umakyat na ako sa kwarto ko para makapag-ayos. Excited na akong makita sila. Matagal-tagal din kaming hindi nagkikita na tatlo. Kaya super excited ako ngayon.

Matapos kung magbihis, nagtext na ako sa kanila na sunduin na nila ako sa bahay. Pero wala man lang akong tanggap na reply mula sa kanila? Kainis talaga ang mga yun.

" Pasok! "  sigaw ko na marinig kung may kumatok sa pinto ko.

" Lady An, meron pong naghihintay sayo sa labas ng bahay. "   sabi nong isang katulong namin.

Napangiti naman ako. Paniguradong sila na yun. Siguro nagtataka kayo kung bakit Lady An ang tawag nila sa akin no. Well! Dahil yun ang gusto ni Lolo. Okay naman sa akin na An nalang or Nika. Pero si Lolo kasi mapilit. Kaya wala na din akong magawa.

" Aalis na kayo? "  tanong ni Papa ng maabutan niya akong lumabas ng kwarto.

" Opo Pa. "  sabi ko.

" Mag-iingat kayo ha. At ikaw behave ka. "  sabi pa nito.

Nakangiting tumango naman ako sa kanya saka humalik sa pisngi niya at nagpaalam na. Paglabas ko ng mansyon namin, napakunot ang noo ko ng makita kung ibang kotse ang nasa harapan ko ngayon. Nagpalit ba sila ng sasakyan? Ang yaman naman yata nila. Pero infairness ha, ang ganda ng sasakyan.

" Wala ka naman sigurong balak na masama sa sasakyan ko no? "

Unti-unti akong napalingon ng may magsalita mula sa likuran ko. Pagharap ko, nanlalaki ang mata ko ng makita ko siya. Ay mali, SILA pala.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon