* Nika POV *
" Hmm...Yummy! "
Ang sarap talaga ng kinakain ko. Lalo nat yung mga paborito ko pa ang kinakain ko. Mabuti nalang dito ako napadpad sa rooftop at dito ako nakakuha ng pagkain.
Oy! Baka isipin niyong sa basurahan ko ito kinuha ha. Dyan kayo nagkakamali. Bigay lang toh sa akin ni Kenji. O diba close kami. Hehehe....Joke lang!
Asa namang magbibigay ang isang yun. Eh, halos hindi na nga niya ako bigyan kanina. Kaya ang ginawa ko...inigaw ko sa kanya. Muntik na nga kaming magkasakitan kanina. Mabuti nalang may dumating at kinuha yung atensyon ni Kenji. Kaya ang ending sa akin lahat ng pagkain.
" Hindi ka pa ba tapos dyan? " rinig kung sabi ni Kenji.
" Masarap eh! " sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Kain parin ako ng kain..ang sarap kasi lalo nat sa Jollibee galing ang mga pagkain. Parang ayaw mo ng tumigil sa paglamon.
" Bianca "
" Subukan niyong lumapit dito, papatayin ko ang babaeng toh. "
Kung kina Kenji nalang kaya ako sumama? Para ganito lagi ang kinakain ko at isa pa libre! Ang damot kasi nila Gray...hindi ako lagi nililibre.
" Sugurin niyo sila. Siguraduhin niyong wala kayong matitira kahit na isa sa kanila. "
* Munch...Munch...Munch *
" Sige! Subukan niyong lumaban. Tutuluyan ko ang babaeng toh. "
* Munch...Munch...Munch *
" Tama na please... "
* Munch...Munch...Munch *
* Bang... *
" Gray! "
Napatigil ako sa paglamon ng makarinig ako ng putok ng baril. At yung pangalan ng pinsan ko.
Napaangat ako ng tingin. Parang nandilim bigla ang paningin ko ng tumambad sa harapan ko ang mahal kung pinsan. Habang nakahawak sa balikat niya. Nakita ko rin na nakabulagta sa sahig sina Andrew..habang puno ng pasa ang mga katawan nila.
" Pasalamat ka at hindi pa kita pinatay. " nakangisi nitong sabi.
Lahat yata ng dugo ko napunta sa mukha ko dahil sa galit ko sa lalakeng toh. May balak ba silang patayin ang pinsan ko?
" Kunin niyo na yung babae. "
Napatingin ako sa taong nagsabi non. Biglang naningkit ang mata ko ng makita kung hawak-hawak nito si Bianca. At kita ng dalawang mata ko, kung paano dumudugo ang leeg nito dahil sa walanghiyang lalakeng yun na tinutok ang small knife sa leeg ni Bianca.
Bago pa man makalapit sa akin ang dalawang lalakeng gusto akong kunin. Tumayo na ako at kasabay non ang pagtingin ko sa kanila ng masama.
Napaatras naman sila sa ginawa ko.
" Pay for your death... " cold na sabi ko sa kanila.
Walang pagdadalawang isip na sumugod ako sa kanila. Ang sa akin lang ay mahigante ko ang mga taong sinaktan nila. Lalo na si Gray na binaril nila! Isa-isa ko silang tinumba hanggang yung mukhang leader nalang nila ang natitira. Lumapit ako sa kanya dahilan para mapaatras siya.
BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
AcciónSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...