Chapter 6

15.2K 389 3
                                        

* Nika POV

Kagabi pa sa akin isenend ni Gray ang information tungkol sa gang nila. Kaya nga lang hindi ko nabasa kagabi dahil nakatulog kaagad ako. Kaya ngayon ko lang babasahin toh.

*Andrew Blyde Lorenzo

-Codename: Knight

*Gray Ramos

-Codename: Light

*Chad Rams

-Codename: Thunder

*Ren Topaz

-Codename: Sky

-Four Kings are Rank 1 in a gangster world society.
They are stronger among the strongest. No one defeated them. But, they want to fight the mysterious gang. The STREET KINGS.-

Napailing-iling nalang ako sa huling nabasa ko. Rank 1 nga sila. Pero sigurado ba sila na kakalabanin nila ang Street Kings?

Tsk! Naghahanap lang sila ng sakit ng katawan.

Napapitlag ako ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ko.

" What the- "

Napatigil ako ng makita si Kuya sa tapat ng pinto ng kwarto ko at masamang nakatingin sa akin.

" Wala ka bang balak pumasok!? "  galit nitong sigaw sa akin.

Agad naman akong napatingin sa orasan at ganun nalang ang pagkalaki ng mata ko ng makita kung anong oras nah. Patay 7:05 na at masyado na akong late.

" Tutunganga ka o aalis ka na ngayon? " sigaw na naman nito.

Nagmamadali naman akong isinakbit yung bag ko at patakbong lumabas ng kwarto. Masamang magalit ang Leon.

Kinuha ko naman yung skateboard ko na nakalagay lang sa salla at umalis na ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay Kuya, nagmamadali ako eh.
Pinatakbo ko ng mabilis ang skateboard habang sakay ako nito. Hindi kasi ako maihahatid ni Kuya dahil mamaya pa yung pasok niya.

Napatigil lang ako sa pageeskateboard ng nasa school na ako. Binitbit ko nalang yun at patakbong pumunta sa room ko.

Bakit ko ba kasi naisipang basahin yung info nila. Pwede namang mamayang gabi ha. Nalate tuloy ako.

" What the- "

Shit! Ang sakit ng pwet ko. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya hindi ko inaasahan na mababangga ako. Bakit ba kasi may nakaharang na pader sa dinadaanan ko. Kahapon wala naman yun ha! Ang sakit tuloy ng pwet ko.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon