Chapter 13

13.6K 308 10
                                    

* Andrew POV *

Nandito kami ngayon lahat sa hideout namin. May mahalaga kaming bagay na dapat naming pag-usapan ngayon. At hindi namin yun pwedeng baliwalain lang.

" So, ano na ang plano natin? "  tanong ni Ren

" Ngayong babalik na ang Fox. Kailangan na nating mag-ingat sa mga kinikilos natin. At isa pa, kailangan nating paghandaan ang pagbabalik nila. "  sabi ko sa kanila.

" Bakit kailangan pa kasi nilang bumalik? Nasa maayos na tayo e.inis na sabi ni Ren.

" Kung sana nandito lang siya. Hindi na sana natin to pinoproblema. "  sabi naman ni Chad.

Tama siya. Kung nandito lang sana siya. Hindi sana kami mahihirapan ng ganito, at mas lalo na ako. Kahit na ako ang leader nila, nahihirapan din ako kung ano ang maaring gawin sa pagbabalik ng Fox. Kung nandito lang sana siya, matutulongan niya pa ako sa maaring gawin. Siya kasi yung katuwang ko sa tuwing may gagawin kami. Bakit kasi bigla-bigla nalang siyang umaalis. At kailan naman siya babalik?

" Nandito man siya o wala. Kailangan nating maging alerto sa bawat galaw nila. Pareho nating alam na delikado silang kalaban. "  mahinahong sabi ko sa kanila.

" Tama si Knight, alam natin kung paano gumalaw ang Fox. Kaya kailangan nating mag-ingat at talasin ang pakiramdam natin. "  sang-ayon ni Gray.

Hindi naman sila nagreklamo pa. Alam naman nila ang gagawin, kaya hindi ko na kailangan pang pagsabihan sila.

Ininom ko yung alak na nasa baso ko. At muntik na akong mabilaukan ng magflash sa paningin ko ang nangyari nong isang araw sa mall. Hanggang ngayon, hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa sa akin nong Nerd na yun. Bwesit na Nerd na yun. Buong buhay ko, ngayon lang nangyari sa akin ang ganun. At hindi ko papalampasin ang ginawa ng pinsan ni Gray sa akin!

Pagbabayarin niya ang pagpapahiya niya sa akin.

" Ano ang iniisip mo knight? "  tanong sa akin ni Gray.

Tiningnan ko siya ng masama.

" Nagpaplano ako kung paano ko patatahimikin yung pinsan mo. "  galit kung sigaw sa kanya.

Nagsisigawan naman yung dalawa sa sinabi ko. Pero, putik lang! Tinawanan lang ako ni Gray.

" Hindi kaba nag-alala sa pinsan mo? "  inis kung tanong sa kanya.

Kung hindi lang ako nagpipigil dito. Kanina ko pa to inambakan ng suntok, tawa lang ng tawa e.

" Bakit pa? Eh, baliw din yun. "  tawang-tawa nitong sabi.

Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Para kasing may iba siyang gustong ipahiwatig sa sinabi niya

Umalis nalang ako sa lugar nayun dahil kapag ako hindi makapagpigil. Mapapatay ko talag ang mga baliw na yun.

* Nika POV *

" Good morning Kuya. " nakangiting bati ko sa kanya pagkapasok ko sa loob ng kusina.

Nerdys' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon