Its been a week nong dumating sina Papa at Lolo. Doon narin kami tumira sa mansion. Buhay Prinsesa at Princepe nga kami doon ni Kuya eh. Kung noon, kami pa yung naglilinis ng bahay, maglaba ng damit namin, at magluto ng pagkain namin. Ngayon hindi na, yung mga katulong na ang gumagawa non. Sa dami ba naman nila at sa laki ng masyon, tiyak na bawat isa sa kanila may nakalaang trabaho. Si Papa naman, ayun siya na yung nagmamanage ng mga businesses ni Lolo. Syempre tinutulongan parin siya ni Lolo.
At isa pa I miss my cars and big bikes. Kaya lang hindi ko paring nagagamit ang isa sa kanila. Alam niyo na, baka madaming mainggit sa school. Hahaha!
Papasok palang ako sa school ng may tatlong palaka na ang sumalubong sa akin sa may gate.
Ganun na ba ako kasikat at kailangan pa talaga nilang abangan nila ako dito. Gusto ko sanang huwag nalang sila pansinin dahil baka gulo na naman ito. Kaya lang ayaw nila akong paraanin. Sila yata ang humahanap ng gulo ngayon.
Sino pa ba ang laging humahanap ng gulo. Walang iba kundi si Martha.
Matapang akong tumingin sa kanila.
" Ano ba ang kailangan niyo? Gusto niyo bang magpapicture sa akin? Kung ganun sorry nalang kayo. Hindi ako nagpapicture sa mga frogface. Alam niyo na baka mahawaan ako. " nakangisi kung sabi sa kanila.
Nakita ko naman kung paano umusok ang tenga nila sa galit, lalo na si Martha.
" You! Hindi namin papalampasin yung ginawa mong pananakit at pagpapahiya sa Kings. " nanggagalaiting sabi sa akin ni Martha.
Ha? May nagawa ba ako mga idol nila? Wala naman diba. Aah! baka nong natalo ko sila sa basketball. Hahaha! nakakatawa pa yung itchura nila nong natalo ko sila. Hindi yata nila inaasahan yung nangyari sa kanila nong mga oras na yun. Huwag kasi nilang maliitin ang isang nerd na katulad ko. Pero, ang O.A nila ha! Porket natalo ko lang yung mga Idol nila, ganyan na sila makareact. Bakit, hindi ba nila matanggap na natalo ko ang mga kings na yun. O sadyang O.A lang talaga sila.
" Ano ba! Bitiwan niyo nga ako! " galit kung sigaw sa kanila.
Bigla lang kasi akong hinawakan ng dalawang alipores ng panget na si Martha.
" Tingnan natin kung saan tatagal yang tapang mo. " nakangising nitong sabi.
Shit! Hindi maganda ang kutob ko sa mga to. At wala akong kaideya kung ano ang gagawin nila sa akin. Nagpupumiglas akong makawala sa kanila pero hindi parin nila ako binitawan.
" A-ano ba ang gagawin niyo sa akin? " galit kung sigaw sa kanila.
Pero sila pangisi-ngisi lang. Hindi nila ako pinakinggan kahit anong sigaw ko sa kanila. Hila parin nila ako ng hila, at ramdam ko yung sakit ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak sa akin ng dalawang frogface na to. Hila parin nila ako ng hila hanggang sa huminto kami sa likod ng buliding namin.
" T-teka! A-anong gagawin natin d-dito? " nanginginig kung tanong sa kanila.
Sa totoo lang nakaramdam ako ng takot ngayon, lako na ng hinila nila ako papalapit sa maliit na bahay dito sa likod ng building. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong bodega.
Shit! Nasan ba si Gray? Kailangan ko siya ngayon dito. Saan ba pumunta ang gagong yun? Lagot talaga siya sa akin kapag nakita ko siya.
Binuksan ni Martha ang bodega. Pagkabukas niya yun, hila-hila naman nila ako papasok sa loob. Pinupo ako nila ako doon sa upuan at nagulat ako ng tinali nila ako dito.

BINABASA MO ANG
Nerdys' Secret
ActieSa likod ng kanyang mga salamin, nakatago ang mga matang ayaw mong makita. Sa likod ng kanyang mga ngiti nakatago ang isang ngiting magpapatayo ng balahibo mo. Sa likod ng kanyang mga malamanang niyang suot nakatago ang katawan na kakainggitan ng la...