B L O O D M O O N
Sometimes being different is not "different" at all. It's a matter of acceptance and a matter of being true to yourself even though the consequences eventually aren't in favor with you.
Minsan kailangan mo maging iba para may baguhin ka, minsan kailangan mo maging iba para lahat ng nasa paligid mo maprotektahan mo, maging iba ang sarili mo para may mapatunayan kang tama sa pagkakaiba nang tingin ng tao at para malaman mo kung sino ang totoo at hindi totoo sa 'yo.
Dumadampi ang malamig na hangin sa aking mukha. Ang mga agos ng maliliit na alon mula sa aking mga paa. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kapanatagan sa aking puso at isip.
"Sabi niya dito raw po kita matatagpuan at sabi niya rin po na meron ka raw kakaibang kwento."
"The only person I know who can lead you on where I am is no other than Miguel? Am I right?" I said without turning to the person who's speaking at my back. Matagal-tagal na simula nang magkaroon ako ng bisita rito.
"Huwag ka nga po magsalita ng Ingles! Sumasakit po kasi ang ulo ko at baka dumugo ang ilong ko!"
"Haha! Sorry ab—" ibinaling ko ang aking ulo sa direksyon ng nagsasalita sa likod ko nang hindi inaalis ang katawan ko sa pagkakaupo, "Ang ibig kong sabihin, si Miguel ang nagpapunta sa 'yo rito, tama? Siya lang madalas pumupunta rito para angawan ako ng kung ano-ano." I was surprised to see a kid right in front of me and asking for a freaking story. It's unusual and weird. He's probably in the age between 10 to 12 years old.
I wonder what happened on him that brings him right here in this place.
"Opo, si Kuya Miggy nga po ang nagpapunta sa 'kin dito." sabi niya nang nakangiti. Sana nandito si Miguel para makita ko ang reaction niya sa salitang "Miggy."
"Ang natatandaan ko sa aking natitirang ala-ala, ang tawag nila sa 'kin ay Ice, as in yelo. At bago ako napunta rito, sa paraisong ito, ay nanggaling muna ako sa isang lugar kung saan mararanasan mo ang mga interesting pero nakakasuklam na bagay, ang lugar na tinatawag na 'Metroville'. Isa sa mga lugar sa buong mundo kung saan lahat ng masasamang bagay ay makikita at mararanasan mo. Pero meron namang iba na mabuti ang kalooban na nilalabanan ang mga demonyong katulad nila."
"Noong nando'n ka po, alin ka po sa dalawa?"
"Naging demonyo rin ako dahil sa paghihiganti pero sa huli nilabanan ko ang halimaw na bumabalot sa loob ng katawan ko at ang kumakain sa aking isip. Tingin ko nasa pagitan ako ng pagiging masama at mabuti."
"Sa narinig ko po ngayon mula sa inyo, talagang kakaiba nga ang nangyari sa buhay mo. Pwede niyo po ba ikwento sa 'kin lahat?"
"Masyado ka pang bata para malaman ang naging buhay ko roon."
"Hindi na ako bata!" sigaw niya habang nakayuko at nakabuo ang mga kamay. He's just like him. That kid who do whatever he wants as long as it makes him happy.
"Sige na, dahil sa naaalala kita sa kanya, ikwe-kwento ko na sa 'yo ang gusto mo malaman."
"Naaalala? Sino?"
"Isang taong makulit at matigas ang ulo na kagaya mo..." iimik pa sana siya pero pinigilan ko na ang reklamo niya. "Kaya makinig kang mabuti dahil hindi ko na 'to uulitin o ipapaliwanag pa sa 'yo ang mga nangyari."
Hindi na siya sumagot at nag-indian seat na lang sa tapat ko. Gano'n din ang ginawa ko at tumingin sa kulay asul na kalangitan. Huminga ako nang malalim at inaalala ang lahat.
BINABASA MO ANG
LAST WISH
Teen FictionLife is full of thorns and thistles, you must fortify their minds against any stroke of adversity and accustom them to danger.